Chapter 24
HINDI AKO pumasok nang dumating ang araw ng lunes. Wala akong ganang bumangon sa kama. Pakiramdam ko binagsakan ako ng mabigat na bagay dahil sobrang bigat talaga ng katawan ko lalo na ang pakiramdam ko.
I felt betrayed. Parang ayoko nang mabuhay sa mundong ito. Sobrang nasasaktan na 'ko at nakakapanghina na ng loob.
Paano pa ako babangon sa buhay ko kung ubos na ubos na 'ko?
Paano pa 'ko magpapatuloy kung mismo 'yung sarili ko ay hindi ko na magawang makapitan?
Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Mula sa pamilya ko at sa nag-iisang taong minahal ko. Gusto ko lang naman sanang sumaya pero bakit hindi man lang 'yun maibigay sa akin?
Nagmahal lang naman ako pero bakit sakit ang naging kapalit no'n?
Alam kong may pagkakamali rin ako dahil hindi ko muna inalaman ang lahat. Kumagat agad ako sa mga magagandang salita ni Kairo at nahulog agad ako sa ipinapakita niya. At ang mas malala pa roon ay ibini
Chapter 25Pagkatapos ng ilang araw na pagkukulong at pagmukmok ko sa kuwarto, ang mga araw na nag-iisa akong umiiyak at mga araw na walang kain ay may isang bagay akong napagtanto.Sa mundong ito hindi talaga maiiwasan na hindi ka apihin at masaktan. You cannot please people to like you. Na kahit ano pang gawin mo ay may masasabi at masasabi pa rin talaga sila sa'yo.Hindi mo man ito maiiwasan pero kaya mo naman itong labanan. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong manahimik kahit pa inaapi at sinasaktan ka na ng mga tao. May karapatan kang lumaban at may karapatan ka ring magsalita.Kaya sa mga nakalipas na mga araw na realize ko lang na hindi ko na dapat hayaan ang mga taong saktan at durugin ako. Hindi ko na dapat sila bigyan nang rason para apihin ako. Kailangan maging palaban ako para maipagtanggol ko ang aking sarili.At ngayon handa na akong harapin silang lahat. Ang mga taong nanakit at ginawang impyerno ang buhay
Chapter 25.1Pagkarating ko sa room ay mabilis agad akong nakita ni Irish. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako pero kalaunan din ay napakurap siya bago siya tumayo sa pagkakaupo at salubungin ako."T-trixie…" Puno ng pag-aalala ang boses niya at nakita ko kung paano niya pinigilan ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.Ngumiti ako sa kaniya."Hi…""Oh my God! Trixie!"Hindi na napigilan ni Irish ang kaniyang emosyon dahil mabilis niya 'kong niyakap nang mahigpit at mahina siyang napahikbi."I'm so… sorry, Trixie. Sorry wala akong nagawa para hindi ka n-nila saktan…" basag ang boses niyang aniya.Mapakla akong napangiti at hindi na rin napigilan ang mapaluha katulad niya.Napatingin sa gawi namin ang classmates namin at katulad kay Irish ay bakas din sa mga mukha nila ang awa sa akin. Nakaupo ang iba sa kanila at 'yung iba naman ay na
Chapter 26Naging ganoon ang takbo nang mga araw ko. Naging malungkot at naging masaya. Kung hindi dahil kina Irish at Kaizer hindi ko alam kung paano pa ba ako magpapatuloy sa buhay ko pagkatapos nang nangyari.Mabilis lang lumipas ang bawat araw sa akin. At hindi ko alam kung paano ko nakayanan tiisin ang sakit kasabay nang paglipas ng oras.Dahil sa bawat araw ay mas lalo lamang akong nadudurog lalo na't palagi kong nakikita sina Kairo at Krezha sa campus na magkasama. Kalat na rin sa school ang totoong intensyon ni Kairo sa akin at kung bakit niya 'yun ginawa. Kalat na rin sa buong school ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Krezha dahilan para bumalik na naman sa dati ang buhay ko.Nang malaman ko ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa roon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Doon ko lang na realize na lahat pala talaga ng nangyari ay planado ni Krezha.Naalala ko 'yung araw na sinaktan ko dahil sinaktan niya si Irish i
Chapter 26.1Sa huli ay wala na ring nagawa ang baklang kausap ni Irish kundi ang ayusan ako. Iginaya niya ako paupo sa upuan saka sinimulan na akong ayusan.Si Irish naman ay nagpa ayos din ng kaniyang buhok. Tahimik lang siyang nagbabasa nang diyaryo habang abala naman ang isang bakla sa pag-aayos nang kaniyang buhok."Ano bang gusto mong hair style?" Napatingin ako sa baklang nag-aassist sa akin.Nag-aalangan ko siyang nginitian. Hindi kasi ako komportable sa kaniya parang anytime susungitan niya 'ko."U-uh... k-kahit ano na lang. W-wala kasi akong masyadong alam sa mga ganiyan," sabi ko."Oh... sige ako ng bahala sa'yo," aniya saka ako nginitian. Hindi na 'ko tumugon at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa'kin.Sa totoo lang kanina pa 'ko kinakabahan sa pinasok ko. Paano kung wala pa ring pagbabago ang maganap sa sarili ko pagkatapos nito?Paano kapag pangit pa rin ako? Oo nga't in
Chapter 26.2"WOW! Trixie ang ganda-ganda mo!" Puno ng pagkamangha na saad ni Irish.Abala ako sa pagsuri sa sarili ko sa salamin nang magsalita si Irish sa gilid ko. Hindi ko man lang namalayan na gising na pala siya.Kitang-kita ko ang pag-awang nang kaniyang labi at ang ilang ulit niyang pagkurap habang nakatitig sa akin. Tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa nakikita."You changed a lot," aniya pa saka tinignan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Totoong binago talaga ako ng todo sa make-over na 'to. Hindi ko akalain na sa simpleng pag-ayos lamang ng buhok ko at paglalagay nang kolorete sa mukha ko ay magiging ganito na kaayos ang itsura ko."I told yah girl, your beauty is like a goddess." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni ate Vicky dahil hindi ko na maalis ang aking atensyon sa 'king sarili.Ayoko man aminin pero sobrang laki talaga ng pina
Chapter 26.3Inalalayan ako ni Kaizer pababa nang kaniyang sasakyang nang makarating kami sa parking lot ng school. Hindi pa masyado madilim ang paligid kaya kitang-kita namin ang mga magagarang kotse na nakaparada rito."Your hand is cold," komento ni Kaizer nang mahawakan ang kamay ko saka marahang natawa.Napanguso naman ako."K-kinakabahan kasi ako,"Totoo 'yon. Kanina habang nasa biyahe kami parang maiihi ako sa sobrang kaba at parang gusto ko na lang 'wag pumunta sa party na 'to. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng husto.Kanina pa rin nanlalamig ang mga kamay ko at kulang na lang ay lumabas na 'yong puso ko sa dibdib sa sobrang lakas nang pagkalabog nito."Just relax, Trixie. Breath," aniya. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako hindi humihinga.Napabuga ako ng malalim na hangin sa kawalan at kinalma ang sarili. I shouldn't feel nervous dahil nakamaskara naman ako
Chapter 26.4Krezha is wearing the Red Tube Cocktail Dress with Open Split sa harap. Litaw na litaw ang cleavage niya na mas lalong nagpadagdag sa ganda niya. She has a pearl necklace paired with her earrings and bracelet.Ang buhok niya ay naka half pony at kinulot ang dulo nito. Nakaladlad din ang bangs niya sa gilid ng kaniyang pisngi and she's wearing a light make-up. And I won't deny the fact that she's freaking beautiful even in a simple make up. Her beauty is like a goddess lalo na dahil sobrang puti at kinis ng kaniyang balat.Nakasuot din siya ng maskara katulad ng kulay sa damit niya at tanging ang kaniyang noo at mga mata lang din ang natatakpan. On the left side of her mask there's little feather.Napatingin ako kay Kairo na nasa kaniyang tabi who's wearing a black mask. He's wearing a black tuxedo with white shirt underneath. Nakabukas ang dalawang butones do'n. Ang kaniyang buhok na clean cut ngayon ay medyo mahaba na kaya mas la
CHAPTER 27 “OMG! WHO IS SHE?” “Dito siya nag-aaral? Bakit hindi ko siya kilala?” “Ako rin ngayon ko lang siya nakita,” “Grabi ang ganda niya. Bakit hindi ko man lang siya napansin dito sa campus?” “Ackk!! Ang ganda niya talaga. Ano kaya ang pangalan niya?” “Hala wait bakit parang may kamukha siya rito?” Iyon agad ang bungad sa akin kinabukasan pagpasok ko sa Xavier. Kaliwa’t kanan ang bulongan ng mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko. Ang mga mata nila ay halos lumuwa na sa kakatingin sa akin. May nagtangka ring harangan ang daraanan ko para titigan ako ng maigi at saka tanungin kung ano ang pangalan ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong nila lalo pa’t nahihiya ako ngayon. Ayoko sanang pumasok ngayon kasi natatakot ako sa magiging reaksyon ng lahat kapag nakita at makilala nila ako. Ngunit ayoko rin naman bumagsak lalo na’t malapit na ang examination day.