Share

Chapter 25.1

Chapter 25.1

Pagkarating ko sa room ay mabilis agad akong nakita ni Irish. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako pero kalaunan din ay napakurap siya bago siya tumayo sa pagkakaupo at salubungin ako.

"T-trixie…" Puno ng pag-aalala ang boses niya at nakita ko kung paano niya pinigilan ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. 

"Hi…" 

"Oh my God! Trixie!" 

Hindi na napigilan ni Irish ang kaniyang emosyon dahil mabilis niya 'kong niyakap nang mahigpit at mahina siyang napahikbi.

"I'm so… sorry, Trixie. Sorry wala akong nagawa para hindi ka n-nila saktan…" basag ang boses niyang aniya.

Mapakla akong napangiti at hindi na rin napigilan ang mapaluha katulad niya. 

Napatingin sa gawi namin ang classmates namin at katulad kay Irish ay bakas din sa mga mukha nila ang awa sa akin. Nakaupo ang iba sa kanila at 'yung iba naman ay na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status