Share

Chapter 9

Chapter 9

I AM FREE. Free from mess. Free from everything.

If it's just a dream then I don't want to wake up anymore. I'd rather live in my dreams than to live in reality. 

Because in my dreams, I am free. No haters, no bullies and no toxic people. 

If I would be given a chance to choose what I want, I would rather choose the place where I could find my own peace. A place where I could enjoy every moment of my life. 

Not like this one. Never in my dreams I wish to have a life like this. Nasasaktan ako sa uri ng buhay ko ngayon. 

Hindi ko alam kung sino ang malalapitan at ang mapapagkatiwalaan. Dahil sa totoo lang napapaligiran ako ng mga taong walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko.

Muling umagos ang luha sa aking pisngi kaya mabilis ko itong pinunasan. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at malalim ang iniisip.

Basta ang alam ko kanina pa. Kanina pa ako narito at patuloy na inaalala ang nangyari sa'kin sa cafeteria. Hindi lang katawan ko ang masakit sa'kin ngayon dahil pati puso ko ay parang nahahati na sa dalawa.

Nasasaktan ako pero wala akong magawa para alisin ang sakit na 'to. Ang tanging magagawa ko lang talaga ay ang umiyak nang umiyak. That's how weak I am.

"Why were you letting those people bully you?" 

Napabalik lang ako sa aking katinuan nang marinig ang boses na 'yon. Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako ngayon. 

Napahugot ako nang malalim na buntong hininga bago inalis ang luha sa aking pisngi.

"I d-don't know..." bulong ko.

"You shouldn't let them treat you like that. You're a human and not a toy to play with."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Mapait lang akong napangiti.

I wish all people have the same mindset like him. I wish just like Kaizer they could also understand my feelings.

But I guess not all people can understand me because for them I was just nothing but a garbage.

Naramdaman ko na naman ang mga luha kong walang tigil sa pag agos sa aking pisngi. Akmang pupunasan ko na sana 'yon gamit ang kamay ko nang maglahad bigla si Kaizer ng isang panyo sa harapan ko.

Napatulala ako roon at nagulat. Hindi agad ako naka react sa ginawa niya.

"Take it," anito. 

Gamit ang nanginginig na mga kamay ay kinuha ko 'yon. Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong nakatanaw siya sa harapan.

"S-salamat," sabi ko. Hindi naman siya tumugon do'n at nanatili pa rin sa harapan ang atensiyon.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon din sa harapan ang atensiyon. Napangiti ako nang humaplos sa mukha ko ang lamig ng hangin na bigay ng mga puno sa paligid.

Narito kami ngayon sa Garden ng school. Matapos akong tulungan ni Kaizer kanina ay rito niya 'ko dinala. At sobrang nagpapasalamat ako sa lugar na 'to.

Pakiramdam ko nabawasan ang bigat ng loob ko nang makita ko kung gaano kaganda ang garden ng Xavier. At sa totoo lang, sa tagal ko nang nag-aaral dito ay ngayon ko lang ito napuntahan.

"Why don't you fought back?" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang tanong ni Kaizer. 

Bahagya ko siyang sinulyapan. Hindi siya nakatingin sa akin pero batid ko kung ano ang kaniyang ibig sabihin.

"Ano bang makukuha ko kapag lumaban ako?" Tanong ko at tumingin sa kawalan. "Wala naman akong makukuha kapag lumaban ako pabalik 'di ba?"

"Atleast you save yourself," 

Napangiti ako ng mapait.

"If only I could do that, sana noon pa ginawa ko na. Sana hindi ko na sila hinahayaan na apihin ako," sagot ko. 

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin pero wala namang sinabi. Hindi ko siya nilingon. 

Kung sana kaya ko lang lumaban pabalik edi sana noon pa man ginawa ko na. Pero hindi eh, hindi ko kaya.

Binalot kami ng katahimikan ni Kaizer. Hindi na siya kumibo pagkatapos kong sabihin ang salitang 'yon. 

Pinunasan ko na ang pisngi ko at inayos ang aking itsura.

Masakit pa rin ang katawan ko pero mukhang kaya ko naman maglakad.

Nang hindi ko na makayanan ang katahimikan ay ako na ang bumasag nito.

"Thank you..." I whispered. 

I owe Kaizer a lot for doing these things to me. I owe him a thank you for saving me.

"I owe you a lot. Thank you for saving me earlier. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa tulong na ginawa mo," dagdag ko pa at napabuntong hininga.

Sa totoo lang kanina pa bumabagabag sa isipan ko ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko rin kasi inaasahan na sa lahat ng taong p'wedeng tumulong sa akin ay isang Kaizer Collins pa.

Isang sikat at hinahangaan ng lahat. 

"You don't have to do that though. I'm happy that I was able to help you. It's my pleasure, Trixie," anito kaya napalingon ako sa kaniya.

Napakurap kurap ako nang maabutan ko siyang nakatitig na pala sa'kin. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa kaniyang mukha kaya hindi ko naiwasan ang mapangiti rin sa kaniya.

Hindi ko alam kung swerte lang ba ako na siya ang tumulong sa akin o ano. But one thing I was sure of is that, I am happy because he's very kind. 

How could be this man looks so adorable? He's so pure and kind. And I can see the reason why all girls and gays were so desperate to be notice by him.

Because he's definitely gorgeous!

He has a pair of color brown eyes that screams innocent and kindness, a pointed nose, thick eyebrows, black lashes, kissable lips and a well-defined jaw. Everything about him almost perfect.

And I don't even know that a perfect creature like him really exist in this world. Ni hindi nga ako sigurado kung may mali ba sa kaniya o ano. Hindi ko inaasahan na ganito siya kagwapo sa malapitan.

Kaya gano'n na lang ka desperada ang mga kababaehan na mapansin ni Kaizer dahil sa taglay nitong katangian at pisikal na kaanyuan.

"Stop staring," anito na nagpabalik sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako ng matagal sa mukha ni Kaizer. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang pagtikhim niya hindi ko pa malalaman. 

Mabilis akong napaiwas nang tingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. I bit my lower lip dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"U-uhm... I'm sorry," bulong ko.

I heard him chuckled kaya mas lalo akong nahiya.

"I know I'm handsome pero 'wag mo namang ipahalata masyado 'yon, Trix. Nakakahiya." Natawa ako sa sinabi nito.

I find it cute kaya hindi ko napigilan ang mahinang mapatawa. 

"Siraulo," sabi ko at umiling-iling.

Totoo nga ang sinasabi ng karamihan na sa tatlong magbabarkada na sina Kairo, Brent at Kaizer ay si Kaizer ang mas approachable at friendly. 

Bubbly siyang kasama. Siya 'yong tipo ng tao na maaasahan mo ano mang oras, ang taong mapaglalaanan mo ng sekreto at buo ang tiwala mong hindi niya ito ipagkakalat.

He's too innocent to be honest.

"I'm glad I made you smile." Dahan-dahang napawi ang ngiti sa aking labi nang marinig ang kaniyang sinabi.

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong nakangiti na siya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras. 

"You look so beautiful when you smile," dagdag niya at napaiwas ako ng tingin.

Mahina akong natawa sa sinabi nito.

"H'wag mo nga 'kong bolahin," sabi ko at pilit na natawa kahit sa loob ko ay hindi na maayos ang tibok ng puso ko.

For the first time of my life ngayon lang ako nasabihan na maganda at hindi ako makapaniwala na nanggaling pa talaga iyon sa isang perpektong nilalang na katulad ni Kaizer.

Who would believe that huh? 

"I'm telling the truth, Trix. If I were you, you should smile often. Your smile looks perfect on your face." 

Ayokong maniwala sa sinasabi niya pero may parte sa akin na gustong ngumiti dahil hindi ko inaasahan na may mga tao pa palang makaka appreciate sa maliit na bagay tungkol sa akin.

And I guess that would be enough for me.

Napatingin ako sa wrist watch ko at nang makitang malapit na ang next class ko ay nilingon ko si Kaizer at muling nginitian.

"Maraming salamat sa tulong mo, Kaizer. I owe you a lot. Pasensiya na pero kailangan ko nang bumalik sa classroom dahil malapit ng magsimula ang next class ko," sabi ko sa kaniya at nakita ko ang pagkunot nang kaniyang noo at sinuri ang kabuuan ko.

"Pero hindi ka pa okay,"

Nginitian ko siya ng malapad. I appreciate his concern pero hindi na 'ko p'wedeng umabsent ngayon dahil panigurado malalagot ako nito kay Papa.

"Salamat sa concern pero hindi na 'ko p'wedeng umabsent ngayon. Pangako babawi ako sa'yo. See you next time." Kumaway ako sa kaniya at mabilis siyang tinalikuran.

Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan niya ako sa mga braso ko.

"Wait." Napatigil ako at nilingon siya. 

Napakunot noo ako nang titigan niya 'ko ng seryoso. 

Gone the innocent Kaizer. 

"Before you leave I want you to promise me one thing,"

"Ano 'yon?"

Napahugot siya ng malalim na hangin at napapikit pero mabilis ding napamulat nang mata.

"Don't let anyone hurt you again. Promise me that you'll protect yourself, Trixie," seryoso niyang sambit na ikinagulat ko.

Napalunok ako nang makita kung gaano talaga siya ka seryoso sa binitiwang salita. Gusto ko siyang questionin kung bakit niya ito sinasabi ngayon pero wala akong lakas ng loob.

I felt like cat got my tongue right now.

"Please, promise me..." 

Humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya napasulyap ako roon bago ibinalik sa kaniya ang tingin.

Napapikit ako at wala sa sariling napatango.

"O-okay. I p-promise," sabi ko at nagmulat nang mata.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at ang kaginhawaan sa kaniyang mga mata nang marinig ang sagot ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

I don't know if I mean it because protecting myself from the people who hated me was the last thing I want to do.

"I don't want you to get hurt again, Trixie," 

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status