Share

Kabanata 20: Mahigpit na Yakap

Hindi agad umalis sila Erik at Niknok sa bahay nila Mang Karding. Habang natutulog sila ay may biglang dumating na dalawang lalaki.

“Attorney Rene, may bahay po doon puwede po tayong makahingi ng tubig kung nauuhaw na kayo, medyo malayo-layo na rin ang nalakad natin mula noong humiwalay po tayo sa grupo,” wika ng guide na kasama ng matandang abogado.

“Salamat naman may nakita tayong bahay. Sana may tayo para may makausap tayo,” wika ni Atty. Rene na halos naliligo sa pawis dahil sa pagod at init na dulot ng araw.

Sakto naman na nagising si Erik nang may marinig itong nag-uusap na papalapit sa kanila. Mabilis na ginising nito ang kasamang binatilyong natutulog na si Niknok.

“Nok, gumising ka kailangang magtago tayo may tao sa labas,” pabalong na wika ni Erik habang inuuga niya ang binatilyo para mas mabilis na mabigising.

Walang tanong-tanong ay agad na tumakbo si Niknok sa isang butas na dinaanan ni Erik kagabi.

Sinilip muna ni Erik ang mga parating na lalaki bago nito sundan si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status