Share

Chapter 1

Magandang araw po sainyo. Ako nga pala si Dianne, isang kolehiyala sa isang sikat na unibersidad sa aming probinsya.

Marami na ang nagsabi na ang pangit ko raw at kung anu-ano pa.

Ako yung tipo ng isang anak na masunurin sa gusto ng magulang, kinaiingitan ng mga pinsan ko dahil sa karangyaan na natatamasa ko, lahat ng gusto ko nasusunod, lahat ng kapricho ko nakukuha ko pero ang hindi alam ng marami ay napapagod na ako sa buhay na lagi na lang puro bawal, kahit ang mag-boyfriend at makipagbarkada sa lalaki ay pinagbabawalan nila ako.

Noong ako'y bata pa ay lagi kong naririnig sa magulang ko na magkumbento na lang daw ako para sa ikakabuti ko. Ngunit sa awa ng diyos, hindi yun natuloy, dahil kung natuloy yun ay baka madre na sana ako.

Ngayon ay graduating na ako sa kursong pinili ng mga magulang ko para sa akin. Matatapos ko na yung gusto nila at pangarap nila sa akin. Subalit hindi alam ng magulang ko na hindi ko sila sinunod sa isang bagay na alam kong ikakagalit nila. Yun ay yung pakikipagboyfriend..

            Hindi naman nila ako masisisi kung ma-in-love ako sa isang lalaki. Normal lang sa isang babae at dalaga ang ma-inlove sa isang lalaki..ngunit ang hindi ko lang lubos maisipan ang mga sinasabi ng mga magulang ko at mga tita ko na "pag nagboyfriend ka, titigil ka sa pag-aaral at magpakasal na kayo at doon kayo manirahan sa lupa na ipapamana sa iyo ng lola mo".

Ang hindi ko lang maintindihan ay kapag nagboyfriend ka mag-a-asawa agad? Hindi ba pwedeng inspirasyon lang muna? Iyan ang linyang gusto kong banggitin sa kanila, ngunit dahil mahal ko sila ay naitatago ko na lang sa sarili ko ang inis at pagkadismaya sa kanila...

Minsan nga ay naisip ko na sana ang mga magulang ko katulad ng sa iba na kahit ano gawin ng anak nila ay sinusuportahan siya...

Hindi ko rin maiwasan maingit sa mga kaibigan at kakilala ko na pinapayagan na sila magkarelasyon sa ganitong edad pero ako? Kelan ko ba mararanasan yun?kung kelan matanda na ako at wala na sa akin ang taong pinakamamahal ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status