Share

Chapter 69:

Thrizelʼs POV

Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip. Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala kong may utak ba ako para mag-isip? Nahampas ko na lamang ang aking noo dahil sa aking naisip. Katangahan na naman ang pinapairal mo, Thrizel.

Napabulong na lamang ako sa aking sarili. "Nababaliw na ako." Gumulong-gulong nalang ako sa kama. Tumigil din naman.

Napabuntong hininga ako. Pinikit ang aking mga mata. Katatapos ko lang kausapin si mommy kaya nagpapahinga ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang aking comforter para mainitin ang katawan. Nakatulog din ako.

"THRIZEL, gising na."

Narinig ko ang boses ni Thrale dahilan para ako ay magising. Para lang akong umidlip pero ramdam kong gumaan ang aking pakiramdam.

Seryoso akong sumagot sa kaniya. "Pababa na."

Akala ko ay wala na ito ngunit nakita ko itong naghihintay sa akin. Tiningnan ko na lamang siya at nauna na sa kaniya maglakad. Nakarating ako sa kusina, kami nalang pala ni kuya ang hinihintay. Nagsimula na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status