Kinabukasan, nagising si Dylan at napansin niyang nasa hospital siya. May napansin siyang gumagalaw sa tabi niya, kaya napatingin siya dito at doon nakita niya si Keane na nagbabalat ng mansanas. Napatingin ito sa kanya, nang mapansin siyang kumilos."Your awake," mahinang sabi niya at napalingon sa may pinto."How are you? I'm really sorry for what I did, babe. Iyon lang talaga ang paraang alam ko para makalusot tayo," sabi ni Keane at hinawakan ang kanyang kamay.Iniwas lang ni Dylan ang tingin dito."Ano nang nangyari? Nahanap na ba nila si Allyana?" tanong niya dito habang hindi tumitingin."Yeah, they are still searching for her and I hope, they will found her dead," wika ni Keane at tinapos ang kanyang ginagawa.Naging seryoso naman ang tingin ni Dylan kay Keane, dahil sa huling sinabi nito. "You know that it was wrong. We are very wrong at the first place, Keane," seryosong sabi ni Dylan dito.Napataas-kilay namang napatingin si Keane dito, saka napasinghal."What?
Nakatayo ngayon si Sebastian, habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama, na walang iba kundi si Allyana. Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang nangyari dito. Nakita niyang mga sugat ito sa katawan may maliit na hiwa sa noo nito. Nagamot na niya ang mga sugat nito at isinuot niya rin ang kanyang t-shirt dito dahil naka-swim suit lang ito. Ilang minuto na rin ang nakalipas simula ng makita niya ito sa dalampasigan. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at nagsalin ng alak sa kanyang baso. Habang tahimik siyang umiinom ng alak ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kaya naman, tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nakita niya ang pangalan ni Dion, kaya agad niya itong sinagot."Yeah?" bungad niya dito."I have something to tell you, about Allyana o should I say.. Yanna," wika nito.Napatingin naman siya sa kinaroroonan ni Allyana at nasisiguro niyang tungkol dito ang ibabalita sa kanya ni Dion."What is it?""But, before of that, I just want you to know that I meet Ke
Nagsalin ng alak si Seb sa baso at binigyan si Dion, na agad rin ininom ang alak. Nakikita ni Seb kung gaano talaga nabigla si Dion dahil nandito si Allyana. Kahit naman siya ay nagulat nang makita ito."Grabe, sa lahat ng dalampasigan na maaari niyang mapuntahan ay talagang dito pa sa isla mo? Pakiramdam ko tuloy eh gumagawa ng dahilan ang tadhana upang magkalapit kayong dalawa eh," mayamaya ay sabi ni Dion na may halong pang aasar."Tsss, hindi ka pa rin tapos sa pang aasar mo sa akin? Alam mong may asawa ng tao si Yanna," tanging sabi lang ni Seb dito.Natawa naman si Dion sa kanyang sinabi at hindi kontinto sa narinig."May asawa nga siya, pero sinasaktan naman siya. Kaya mo bang makitang nasasaktan siya?" Naging seryoso naman ang tingin ni Seb at umiwas kay Dion. Alam niya sa sariling nag aalala siya kay Allyana. Ngunit, sino nga ba siya para pakialaman ang personal na buhay nito at isa pa may asawa na ito. "Hindi, pero sino ba ako para mangialam? Naaawa ako sa kanya, lalo na a
Nilapag ni Seb ang dala niyang pagkain sa mesa at napatingin kay Allyana. Ngunit, nasa kama pa rin ito at nakatalukbong ng kumot. Nasisiguro niyang nakikiramdam lang ito sa kanya, kaya naisipan niyang hayaan na lang muna ito."Here's the food, I will leave for a walk. May damit diyan sa wardrobe kung gusto mong magpalit. Dalawang araw kang walang malay, kaya naman mas mabuting maglakad-lakad ka rin pagkatapos mong kumain. Huwag kang mag alala, isang pribadong isla ang kinaroroonan natin. Kaya wala kang kahit sinong tao ang makikitaol mo dito, kundi tayong dalawa lang. Kausapin mo na lang ako, kapag okay ka na talaga," sabi niya dito.Muli siyang naglakad patungo sa pinto at lumabas. Naisipan niyang hayaan na muna ito. Nasisiguro niyang magiging maayos din ito. Bumaba siya at lumabas sa resthouse. Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at naisapang tawagan si Dion. Agad rin naman nitong sinagot ang kanyang tawag."Hello, kumusta na kayo diyan?" may halong pang aasar pa nito. Hindi agad s
Nakatanaw ngayon si Seb kay Allyana mula sa Terrace. Nasa dalampasigan ito, nakatayo at malayo ang tingin. Hindi maintindihan ni Seb, kung ano nga bang nangyayari kay Allyana. Hindi rin niya ito makausap, dahil tila ayaw pa rin nitong magsalita. Nakita naman niyang nabawasan ang pagkain na binigay niya dito at maging ang gamot ay ininom rin nito. Nakita rin niyang nagpalit ito ng damit, dahil isa sa isinuot nito ay ang binili ni Dion para dito. Bigla itong napalingon sa gawi niya, kaya napatitig naman siya dito. Ilang saglit na nagtama ang mga mata nila, nang kusa na rin itong umiwas. Bigla na lang pumasok sa isip niya, kung bakit nagawang saktan ni Dylan ang isang tulad ni Allyana. Nakikita niyang mabait si Allyana at aminin man niya o hindi ay na kay Allyana ang katangian na hinahanap niya sa isang babae. Naghanap rin siya ng impormasyon tungkol kay Allyana at wala siyang nakikitang mali sa pagkatao nito. Marami ang humahanga sa babae at mga manliligaw simula pa noong college da
Nang hapon ay inaya ni Seb si Allyana na maglibot sa isla. Nais niyang ipakita dito ang magagandang lugar sa isla, na isa sa dahilan kung bakit niya ito nabili. Pumayag naman si Allyana at nae-excite sa kanilang gagawin. Nagdala na rin sila ng pagkain, dahil baka abutin sila ng gabi sa paglilibot at gutumin. Si Seb na ang nagdala ng mga kailangan nila at isang packbag naman ang dala ni Allyana. Kung saan naroon ang gagamitin nilang pamalit, dahil nais ni Seb na maligo sa magandang falls sa isla. Kahit na ngayon lang nakasama ni Allyana si Seb ay pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala, kaya hindi siya naiilang na kasama ito."Wow, ang ganda!" namamanghang sambit ni Allyana, nang makita ang mga bulaklak ng sunflower na halos kapantay na niya at may ilan pang mataas. Hindi akalain ni Allyana, na may ganoong bulaklak sa isla. Nawiwili siyang nakatingin sa mga ito."Paano nagkaroon ng ganito dito?" nakangiting tanong niya kay Seb."Mula sa ibang bansa ang mga seeds niyan at nais
Bumaba mula sa sinakyan nitong private plane si Chelsea. Bumalik siya sa resort tulad nang sinabi niya kay Allyana, ngunit, masyado siyang nagtagal kaya ngayon lang siya nakabalik. Subalit, may ibang dahilan pa kaya siya bumalik. Iyon ay ang komprontahin sina Keane sa nangyari kay Allyana. Nasisiguro niyang may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ni Allyana at kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap. Hindi na niya gusto ang nangyayari at gusto niyang harapin ng mga ito ang ginawa nila kay Allyana, lalo na sa pagtataksil ng mga ito sa kanyang pinsan.Isinuot niya ang kanyang sunglasses at tumungo sa nakaabang sa kanyang sasakyan patungo sa mismong resort. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng kanyang bodyguard at saka siya pumasok sa kotse."Deretso tayo sa resort," seryoso niyang sabi sa driver.Ngunit hindi ito gumawa ng kilos, kaya napatingin siya dito at nagtama ang paningin nila ni Dion, na siyang nasa driver's seat. Agad niyang naihubad ang kanyang sunglasses, da
Hindi pa rin maalis ang pagkagulat ni Chelsea sa sinabing iyon ni Dion. Nakita naman ni Dion ang kanyan reaksyon at bahagyang natawa."What did you say? Allyana was with Seb?" ulit ni Chelsea dahil medyo nabingi ata siya at hindi masyadong narinig kung tama nga ba ang sinabi nito."Yes, magkasama sila ngayon sa isla. Doon napadpad si Allyana, matapos sumabog ang yate kung nasaan sila no'ng gabing iyon," tugon ni Dion, na lalong hindi makapaniwala si Chelsea sa nalaman.Bigla itong napatayo at nasapo ang noo. Napapapikit itong nagpalakad-lakad sa harapan ni Dion."Sandali, medyo nagugulat pa rin ako. I want to clarify things, Allyana is alive and she's with Seb at his island. Is that's what you're saying?" paniniguro ni Chelsea kay Dion.Tumango naman si Dion sa sinabing iyon ni Chelsea. Kaya muling napaupo si Chelsea sa couch at nagugulat pa rin sa nalaman."Oh my god! I can't believe this, this is really unexpected," sambit ni Chelsea."Yeah, ganoon rin ako. Nagulat nga ako no'