Salamat po sa GEMS 💎 at RATE✅
Puno ng lungkot ang mga mata ni Charlotte habang nakamasid sa kawalan. Mabilis lang na lumipas ang mga araw… sinubukan ng dalaga na bigyan muli ng babala si Johnson pero hindi na niya nakita pa ang binata. Batid ni Charlotte, umiiwas ito… Humawak si Charlotte sa dibdib at mapait na naluha. This is between life and death, sobrang delikado at mapanganib. Pero bakit hindi siya mapaniwalaan ng binata? Gusto lang naman niya itong iligtas mula sa kapahamakan. “Ma’am Charlotte, pinapatawag ka na nh iyong ina sa ibaba.” “Sige, susunod na ako.” Matamlay na sagot ng dalaga sa kasambahay, sinadyang hindi humarap ng dalaga para itago ang luha sa mukha. “You looked perfect, anak!” Puri ng ina ni Charlotte. Ngumiti ang ama ni Charlotte. “Kanino pa nga ba magmamana ang ating anak?” Yumakap ito sa asawa. “Hindi ba’t sayo?” Hindi maiwasan mapangiti ni Charlotte sa paglalambingan ng magulang. Matanda na ang mag asawa pero naro’n pa rin ang pagmamahal para sa isa’t isa. Hinawakan ng k
Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Charlotte habang nakatingin sa engagement party invitation nila Johnson at Claudine, kopya lamang ito ng pinadala ni Ivy sa kanya… sinubukan niya ulit puntahan ang binata at bigyan ng babala pero binalewala lamang siya nito. Hulog na hulog talaga ang binata kay Claudine, nabulag na ito ng pagmamahal rito. ‘At ang sakit niyon!’ Agad na pinahid ng dalaga ang luha ng makita sina Ivy at Fredo na paparating. “Confirm, Charlotte… balak nilang lasunin si Mr. Darmilton sa araw ng engagement party. Marami din silang tao na magkakalat sa paligid. Plano ning i-assasinate si Mr. Darmilton sa oras na pumalpak sila. Ano ang susunod nating plano? Kung humingi kaya tayo ng tulong kay Sir Landri?” Ani Ivy, “sigurado ako na tutulungan tayo ni Sir.” Agad naman sumang ayon si Fredo sa dalaga. “Tama si Ivy, Charlotte. Si Sir Landri pa, sigurado na tutulungan niya tayo!” Umiling si Charlotte. “Hindi na kailangan ng tulong ni Sir Landri.” May misyon itong ginagaw
Paulit-ulit sinubukan na tawagan ni Claudine sina Mr. Capil at Vin subalit hindi sumasagot ang dalawa. “Arghh!!! Ano ba ang ginagawa ng dalawang iyon at hindi sinasagot ang tawag ko?! Magsisimula na ang party!” Maging ang kanilang tauhan ay hindi na makontak pa! Ang inis na Claudine ay nawala ng makita ang repleksyon sa salamin. Maganda si Claudine, morena, makinis, maliit ang mukha… kaya malaki ang kumpiyansa ng dalaga na siya ang pinakamaganda sa gabing ito, hindi lamang dahil maganda siya, kundi dahil napakamahal ng kanyang suot na Royal Blue Dress, kahit malaki na ang tiyan ay kayang makipagsabayan ng dalaga. “Ma’am, pinapatawag na kayo sa labas ni Mr. Darmilton,” imporma kay Claudine. Inis na tumayo ang dalaga at masamang tiningnan ang babae. “Bababa na!” Ngitngit ang loob ni Cluadine. Hindi man lamang sinilip ni Johnson ang dalaga sa loob, pati pagsundo ay inutos pa ng binata sa ibang tao! Nakakainis! ‘Mabuti pa ay hanapin niya si Vin at si Uncle sa labas!’ Nabura ang
Tumalim ang mata ni Vin. “kung gano’n ay isa ka rin pala sa mga tauhan ng babaeng yan!” “Wag ka na maraming satsat!” asik ni Fredo, “mabuti pa sumunod ka nalang kung ayaw mong mapasama!” “Ikaw ang sumunod sa akin,” ngisi ni Vin, “hawak ko ang babaeng kasama mo, alam mo ba “yon?” Napalunok si Fredo, hindi gusto maniwala ng binata kay Vin, pero kanyang nakikita na hindi ito nagsisinungaling. Samantalang walang kamalay-malay ang mga bisita sa tensyon na namamagitan sa dalawang lalaki, ang atensyon ng lahat ay nasa dalawa na sina Johnson at Claudine. Napangisi si Vin at sumenyas sa isang tauhan, na nagpapanggap na bisita, lumapit ang lalaki at tinutukan ng baril si Fredo, na ngayon ay napapalunok… “Paano ba ‘yan? Mukhang ikaw ang kailangan sumunod kung hindi ay baka mauna pang mabutas ang tagiliran mo!” Walang nagawa si Fredo kundi ang sumunod sa lalaking tauhan ni Vin, kung magmamatigas ang binata ay tiyak na kamatayan niya ang maghihintay. “Ivy!” kanyang nilapitan agad ang dala
Napayuko at sigaw ang lahat ng magkagulo. Mabilis na naunawaan agad ni Charlotte ang nangyayari, na mayro’ng alam ang binata sa nagaganap at plano sa kanya. Ang mga tauhan ni Johnson na humalo sa mga bisita ay mabilis na kumilos, pinatahimik agad ang mga tauhan nila Vin at Claudine… sa bawat sulok ng lugar ay nagkaro’n ng sunod-sunod na putukan, habang ang mga tauhan na inutusan ni Charlotte ay isa-isang inalalayan sa ligtas na lugar ang mga bisita. “H-Hindi…” nanginig ang labi na sambit ni Claudine, lumuluha sa takot, at pagkabigo ng isa-isa niyang nasilayan ang pagbagsakan ng kanilang mga inupahanh tao. Ang plano na kanilang matagal na pinaghandaan ay dagling nalusaw. “A-Ahh…” napahawak ito sa tiyan, bigla ang paggapang ng kanyang takot ng madama ang sobrang pananakit nito. “I said drink it, Claudine,” delikadong utos ni Johnson, nasa mukha ang poot, “You think you can get away with this? Kilala mo ako, Claudine, alam mo kung ano ang ugali ko at pinakaayaw ko sa lahat. Now dr
Magaan ang dibdib ni Charlotte habang pinapanood ang kapwa alagad ng batas na dinadampot sina Vin at Claudine kasama sina Mr. Capil kasama ang iba pang kasabwat nito. Mabuti at nakumbinse niya si Johnson na huwag patayin ang mga ito. Tuwang-tuwa na yumakap si Ivy sa dalaga. “Charlotte, nagawa mo, sabi ko na nga ba at magagawa mo!” mangiyak-ngiyak ito maging si Fredo. May lungkot na tinanaw ni Charlotte si Johnson. Ginawa niya ang parte niya, tumulong siya na mailigtas ang binata. Doon palang ay masaya na siya… pero hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot dahil pagkatapos nito ay tuluyan na silang magkakalayong dalawa. “Masaya akong ligtas kayong dalawa, Ivy, Fredo. A-akala ko din hindi ko magagawa pero nagbunga ang araw-araw na pag eensayo ko at pagharap sa takot ko.” ang takot niya na hindi mailigtas si Johnson ang isa sa mga dahilan, iyon ang totoo. “Salamat sa inyo, ha. Dahil rin sa tulong niyo kaya nagkaron ako ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng plano ko… s-salamat
“N-No, d-dad, wag mo kaming iiwan nila mommy at ate!” Isang singhap ang kumawala sa labi niya ng magising siya. Agad na bumalong ang luha sa kanyang mukha… wala rin siyang tigil sa pag iyak. Paano sa panaginip niya ay iniwan na sila ng daddy niya. Agad naman nilapitan ni Johnson ang dalaga ng makitang gising na ito at umiiyak. “Shhh, calm down, it just a dream.” pagpapatahan ng binata sa dalaga. “J-Johnson?” naguguluhang humiwalay ang dalaga at tiningnan ang binata. Ang huling natatandaan ni Charlotte ay nasa hospital sila… ano ang ginagawa niya sa kwarto nito ngayon? “I brought you here because you fell asleep. Here, dinalhan kita ng breakfast. Ihahatid kita mamaya, but befoe that, kumain ka na muna.” Napatitig si Charlotte kay Johnson… gustong umasa ng puso ng dalaga na nag aalala talaga sa kanya ang binata pero baka masaktan lang siya. Hindi na kaya pa ng puso niya ang umasa… sobra na siyang nasasaktan. “W-Why are you doing this? P-Pinaglalaruan mo na naman ba ako?” H
“Salamat sa paghatid, Johnson.” “Sigurado ka ba na hindi mo na ako kailangan para magpaliwanag sa kanila?” may pag aalalang tanong ni Johnson sa dalaga. “Hindi na, kaya ko na. Saka na tayo haharap sa kanila kapag nasabi ko na ang tungkol sa atin… hindi pwedeng mabigla si dad, baka kasi lumala ang lagay niya.” nakaunawa naman na tumango si Johnson. Nabigla si Charlotte ng hapitin ng binata ang bewang niya at halikan siya sa labi, napapikit naman ang dalaga at agad itong tinugon. “T-Tama na, baka mahuli ka sa urgent meeting mo with board member,” Mahinang natawa si Johnson. “Oh, I’m sorry. Nakakatakam naman kasi ang labi mo. kung hindi ko lang kailangan na ayusin ang gulong ginawa nila Mr. Capil at Claudine ay baka kinulong na kita sa kwarto ko,” “J-Johnson!” namumula ang pisnging hinampas ito ng dalaga sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ni Charlotte ngayon, sa kabila ng sakit nang nalaman niya tungkol sa karamdaman ng ama, kahit paano ay gumaan at maligaya ang puso niya hatid ng