Thank you sa po support đ«¶đ„â€ïž Salamat po sa GEMS đ
[Apol]Nagkatinginan sina Rima at Ester, puno nang pagtataka ang mukha nang dalawa. "Mrs. Helger, bakit parang ang saya-saya mo yata nitong mga nakaraan? Anong mayro'n?" Usisa ni Rima."Oo nga, bakit parang hindi maalis ang ngiti mo sa labi? Dahil ba umalis si Mr. X kahapon at hindi mo siya makikita?" Usisa naman ni Ester. "Hay naku, mga tsismosa talaga kayo!" Napapailing-iling nalang siya sa dalawang kaibigan niya. Wala na itong ginawa kundi bantayan ang kilos niya. Siguradong magugulat ang dalawang 'to kapag nalaman kung ano na ang stado ng relasyon nila ng asawa niya. Sabagay, kahit nga siya ay hindi rin makapaniwala sa improvement ng relasyon nila.Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking gusto mo. Iyon ang nararamdaman niya ngayon."Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtataka lang dahil abot ang langit ang ngiti mo di'yan? Dati kasi araw-araw kang nakasimangot at parang nalugi! Pero ngayon para kang in love na ewan!" Puna pa ni Rima.In love? Tumalikod siya para itago a
Inilapag ng tauhan ni Xerxes na si Lomer ang isang folder sa harapan nito. âAyon sa source natin ay hinahanap ng matandang ito ang magkapatid. Nang mag imbestiga kami ay napag alaman namin na isa ito sa nagtatrabaho kay Marjo Darmilton. Matagal nang naninilbihan ang matandang âyan kay Marjo, kaya naman malakas ang hinala namin na inutusan âyan ng kanyang amo para hanapin ang anak nito. Ano ang gagawin natin, Mr. X? Mukhang hinahanap nila ang asawa mo. Tiyak na kukunin nila si Mrs. Helger kapag nalaman nilang narito siya sa poder mo.â Tiim ang bagang na nilukot ni Xerxes ang hawak na impormasyon tungkol sa matanda. âSpread the fake news. Palabasin niyong namatay sa car accident ang asawa ko. Monitor their movements, Lomer, agad na ireport niyo sa akin ang mga kahina-hinalang bagay na ginagawa ng matandang âyon.â Kinuha niya ang isang envelope at saka ito inihagis sa kaharap. âIyan ang floor plan ng facilities ng pagawaan ng droga ni Darmilton, gusto kong kabisaduhin niyo ang bawat deta
[Apol]Lumuluhang hinawakan ni Lito ang kamay ni Rima, halos maglumpasay ito sa labis na pag iyak. "L-Lumaban ka palangga ko, p-palagi lang akong nandito sa tabi mo para alagaan ka, hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari... p-please, lumaban ka!" Hindi maipinta ang mukha nilang lahat habang nakatingin kay Lito. Kung makaiyak naman ang isang 'to ay parang mamamatay na si Rima, samantalang masakit lang naman ang ngipin nito."Hoy, Lito! Kapag ako naasar sa'yo ipapalit kita ri'yan sa hinihigaan ni Rima! Aba, buhay pa 'yang nobya mo pero kung makaiyak ka parang nakaburol na siya! Nakakakilabot kayong dalawa! Ang sakit niyo sa mata!" Nanggagalaiting wika ni Ester, kulang nalang ay sipain nito palabas si Lito ng kwarto. "Bakit nagagalit ka pa ri'yan? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa malubhang lagay ni Rima ay hindi mo makikita ang crush mo! Ang dami mo pang sinasabi, eh halos mangisay ka sa kilig kanina!" Sikmat ni Lito, muli ay bumaling ito sa nobya. "Palangga ko, s
"Balita ko ay hawak mo na ang TLK company ngayon, Mr. Darmilton? Iba ka talaga, lahat ay kaya mong kunin ang lahat sa isang pitik lang ng daliri mo!" Papuri ng isang matandang negosyante na ikinangisi ni Marjo. Gustong-gusto nitong napupuri dahil tumataas ang ego niya at tumataas din ang tingin niya sa sarili niya. Angat siya at mataas kumpara sa iba, malakas siya at matalino, iyon ang tingin niya sa sarili niya kaya angat siya sa iba.Tumawa ng may pag uuyam si Erza nang marinig ito. "Hindi na nakapagtataka na makuha niya iyon, Mr. Hebara. Sa mga taong katulad niyang ganid at walang puso ay walang imposible. Kaya nga niyang patayin ang sarili niyangâ"Galit na hinawakan ni Marjo ang asawa at kinaladkad palayo sa mga bisita. Napailing na lamang ang mga ito habang nakasunod ng tingin sa mag asawa. Narito ngayon ang lahat ngayon sa isang events ng mataas na opisyal ng gobyerno, lahat ng narito ay mataas na tao at kilala sa lipunan. Binitiwan niya ang asawa ay nagbabanta itong tiningnan.
[Apol]Humawak siya sa batok. Noong nakaraan pa siya kinikilabutan. Pakiramdam niya mayro'ng matang nakatingin sa kanya at nakamasid sa bawat galaw niya."Miss Carol, ayos ka lang po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makita itong napapangiwi habang nakahawak sa likod. "Ayos lang ako, Mrs. Helger. Ganito talaga kapag tumatanda, madalas ng sumakit ang likuran." Inalalayan niya itong maupo. "Mabuti pa ay bigyan kita ng masahe, Miss Carol. Saan ba banda ang masakit?" Ganito ang ginagawa niya noon kapag masakit ang likod ng nanay niya. Binibigyan niya ito ng masahe sa likuran."Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Tanong ng matanda nang mapansin ang pananahimik niya."Ah, opo. Naalala ko lang kasi ang nanay ko. Madalas ko kasi siyang bigyan ng masahe no'ng hindi pa niya kami iniiwan ni ate Alena." Malungkot siyang bumuntonghininga. "Bigla ko lang po silang namiss. Hindi ko rin po maiwasan ang malungkot dahil iniwan na nga ako ni nanay, iniwan pa ako ni ate Alena. Tapos hindi ko pa pwedeng alagaa
[Apol]Kanina pa siya hindi mapakali at palakad-lakad. Iniisip niya kasi kung ano ang magandang iregalo kay Xerxes. Gusto niya sana iyong siya mismo ang bumili at naggaling sa kanya ang pinangbili niya, iyong tipong pinaghirapan niya talaga.âMrs. Helger , baka pwedeng maupo ka muna, kanina pa kami nahihilo sayo, eh! Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa riâyan hindi mapakalo?â Napapakamot nalang sa ulo na tanong ni Rima sa kanya.âOo nga, magsabi ka lang baka makatulong kami. Wag mo lang kaming uutangan, ha.â Mabilis na dugtong nito.Napangiwi siya. Hehe, ang totoo kasi ay naisip niya iyon kanina. âGanito kasi âyon. Motmot na namin ng asawa ko at gusto ko sana na regaluhan siya, alam niyo na, nang regalo na galing sa sarili kong pera at ako mismo ang bumili. Ang kaso wala naman akong sariling pera. Saka paano ako makakabili ng regalo para sa kanya kung narito ako sa isla, diba?â Mahaba niyang lintanya. Kumunot ang noo niya nang mapansin na nakakunot lang ang noo ng dalawa. âHoy
[Apol]âAyos lang kayo?â Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at saka sa matanda. âEster, Rima, huwag kayong matakot kay manong hardinero, mabait âyan,â Aniya sa dalawa. Mukha kasing takot ang dalawa.âA-Ah, kasi⊠a-anoââAgad na pinutol si Rima ng matanda. âOh siya, saan kayo pupunta? Narinig kong may pinag uusapan kayo kanina. Balak niyo umalis? Pwede ba akong sumama sa inyo?âNanlaki ang mata ng dalawa at napanganga pa.âTalaga po?â Tuwang-tuwa na sambit niya. âGanito po kasi âyon.â Pinaliwanag niya rito ang tungkol sa balak niya. Lalong lumaki ang ngiti nito ng marinig ang sinabi niya, mukhang natuwa yata sa mga sinabi niya, samantalang sina Rima at Ester namumutla pa rin. Kanina lang ang ingay at ang saya nito pero ngayon mukhang hindi na mapakali ang dalawa.Nagpaalam ang matanda sa kanila saglit, sakto pagbalik nito ay umalis ang mga bantay sa mga tarangkahan, at ang ilan naman ay bigla nalang nagsialis. Kaya bago pa bumalik ang mga ito ay pumuslit na sila.âGaano ba karam
[Apol]Tumingin siya sa lalaking walang malay na nakahandusay. Napapangiwing napahimas siya sa leeg. Mabuti nalang at matibay ang kwintas na binigay sa kanya ni Xerxes kahit peke. Iyon nga lang sobrang sakit ng leeg niya ngayon dahil sa paghila ng lalaking ito.âBwisit kasi na lalaking âto!â Malakas na sinipa niya sa pweÈan ang lalaki. âAng laki-laki ng katawan mong bwisit ka hindi ka magtrabaho ng marangal, mas pinili mo pa maging magnanakaw!â Kaasar. Bakit may ganitong klase ng tao? Mas gustong gumawa ng masama kaysa ang magtrabaho at magbanat ng buto.Nakisipa na rin si Rima at Ester, mukhang gigil na gigil din ang dalawa. Hindi pa nakontento si Rima at sinabunutan nito ang lalaki.âA-Aray tama na! Kanina pa kayo nakakasakit, ah!âNaningkit ang mata niya. Ah ganoân, kunwari lang pala itong walang malay. Kung pwede lang siyang tumawag ng pulis ay kanina pa niya ginawa. Pero hindi pwede. Sigurado kasi na malalaman ng asawa niya ang paglabas niya kung isusuplong niya ang siraulong ito.