Hola! I’m back!
[Apol]Tumingin siya sa lalaking walang malay na nakahandusay. Napapangiwing napahimas siya sa leeg. Mabuti nalang at matibay ang kwintas na binigay sa kanya ni Xerxes kahit peke. Iyon nga lang sobrang sakit ng leeg niya ngayon dahil sa paghila ng lalaking ito.“Bwisit kasi na lalaking ‘to!” Malakas na sinipa niya sa pwețan ang lalaki. “Ang laki-laki ng katawan mong bwisit ka hindi ka magtrabaho ng marangal, mas pinili mo pa maging magnanakaw!” Kaasar. Bakit may ganitong klase ng tao? Mas gustong gumawa ng masama kaysa ang magtrabaho at magbanat ng buto.Nakisipa na rin si Rima at Ester, mukhang gigil na gigil din ang dalawa. Hindi pa nakontento si Rima at sinabunutan nito ang lalaki.“A-Aray tama na! Kanina pa kayo nakakasakit, ah!”Naningkit ang mata niya. Ah gano’n, kunwari lang pala itong walang malay. Kung pwede lang siyang tumawag ng pulis ay kanina pa niya ginawa. Pero hindi pwede. Sigurado kasi na malalaman ng asawa niya ang paglabas niya kung isusuplong niya ang siraulong ito.
[Apol]Nanlaki ang mata nilang lahat nang makita si Xerxes na nakatayo sa entrance ng shop kasama ang mga napakaraming tauhan nito. May hawak itong baril na umuusok pa! Binaril nito ang kamay ng Manager ng store!Pinagpawisan at nanlamig ang katawan ng lahat ng mga empleyado ng naturang store sa takot.Namutla ang manager ng store at mga sales lady na kasama nito ng makilala si Xerxes. “A-Asawa ka ni Mr. X?” Hindi makapaniwalang bulalas nito.Teka, kilala nito ang asawa niya?Napaatras siya ng tumingin sa kanya ng nag iigtingan ang panga ng asawa niya. Parang nagpipigil lamang ito ng galit at handa ng sumabog anumang oras.Mukhang galit ito sa kanya!Tumingin ito sa kanya. “What do you want me to do in this store? Tell me, wife.”Huh? Hindi ito sa kanya galit kundi sa store? Nakahinga siya ng maluwag kahit paano.Naalala niya ang ginawa ng mga empleyado ng store sa kanila. Mamaya na siguro niya iisipin ang galit ng asawa niya. Sa ngayon gaganti muna siya.“Pasabugin mo ang store na ito
[Apol]Dati pangarap niyang makaalis ng isla para makatakas, pero ngayon na aalis na sila para pansamantalang manirahan sa Manila ay hindi niya maiwasang malungkot. Sanay na kasi siya sa lugar na ito.“Don’t worry, wife. Babalik tayo rito after the Global Mafia Boss Ball.” Turan ni Xerxes.‘Mafia Boss Ball?’ “Ano ‘yon, parang… sayawan gano’n?” Aba, mayro’n din palang events sa mga Mafia Boss na katulad nito.“No, it’s not what you think it is.” Tugon nito. “It’s more like an assembly of underground organizations, or underground bosses. Sa pagtitipong iyon nagpapakita ang lahat ng mga negosyanteng mayro’ng iba’t ibang negosyo, o trabaho.” Dagdag paliwanag nito.Napatango-tango siya. Iba nga ito sa una nilang dinaluhan. Mukhang mas nakakatakot naman ang event na ‘to.“Actually, hindi ko gustong isama ka.” Ani nito. Napaingos siya. “Okay lang, hihintayin nalang kita sa bahay.” Hindi siya maiinip dahil kasama niyang lilipat sina Rima at Ester, kaya kahit paano ay may kausap siya at kakwen
[Apol]Kinusot niya ang mata. Siguradong namamalikmata lang siya. Imposible na mapunta sa lugar na kagaya nito ang nanay niya. Tama, imposibel! Ano naman ang gagawin ng nanay niya sa ganitong klaseng lugar? Ang sabi ng asawa niya ay para lamang ito sa nga underground bosses, o mayro’ng underground job. “Wife, are you alright?” Nag aalalang tanong ni Xerxes ng mapansin ang pagkabalisa sa mukha niya. “I’ll take you home—“Nagmamadali siyang umalis at dumaan sa nga nakaupo nang makitang umalis ang babaeng kamukha ng nanay niya— Hindi! Sigurado na siya na ito ang nanay niya!“Wife!” Natauhan siya ng maramdaman ang hawak ng asawa niya sa braso niya. Nang lingunin niya ito ay napansin niya ang pagkabalisa nito. “Uuwi na tayo.”“Sandali lang, hubby. Nakita ko ang nanay ko, sigurado akong siya ‘yon—““You’re just imagining things, wife. Come on, let’s go home!” Hinila siya nito sa braso.“Oh, here’s the lovely couple.” Boses ng isang matanda.Nanlaki ang mata niya ng malingunan ang matandang
Nanginginig ang kamay ni Erza habang paroo’t parito siya sa paglakad sa loob ng kanyang silid. Nang kumatok si Aling Erwina ay agad na isinara ng ginang ang pinto ng masiguro na walang ibang tao na makakarinig sa kanila.“D-Diyos ko mabuti naman kung gano’n!” Naluluhang bulalas ng matanda ng sabihin ni Erza na nakita niya si Apol. “Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nakilala ni Marjo ang anak namin, Aling Erwina. Kung nagpa-imbestiga siya dapat nakilala niya si Apol. Pero kung titingnan ay parang wala siyang idea na anak namin ang kaharap niya. Hindi ba’t nakapagtataka?”Tumango si aling Erwina. Tama si Erza, nakapagtataka na hindi nakilala si Apol ng ama nito. “Hindi kaya dahil kay Xerxes? Ang sinabi sa akin ni Marjo ay asawa ni Xerxes si Apol… hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nakilala ni Marjo ang anak namin, at siya rin ang nagpalabas na patay na ang dalawa kong anak?” Naluluha na naihilamos ni Erza ang kamay sa mukha. Sobra siyang nagpapasalamat dahil nalaman niyang buh
[Apol]“Mrs. Helger, wala parin si Mr. X. Sa ngayon ay hindi siya makakauwi dahil abala siya sa mga meeting niya sa Macao.” Iyon ang sinabi ni Miss Carol pero hindi siya naniniwala sa mga ‘yon. Simula nang manggaling sila sa event ay hindi na siya kinausap pa ni Xerxes. Umalis ito matapos siyang ihatid. Ni hindi man lang siya kinausap nito.Sobrang bigat ng dibdib niya, nagtatampo siya dahil hindi man lang siya nito pinakinggan at hinayaan na kausapin ang nanay niya, tapos ngayon naman ay ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Dati ay tumatawag ito para kamustahin ang lagay niya at kausapin siya dahil namimis siya nito. Pero ngayon ni isang tawag ay wala siyang natanggap mula rito. Nakakasama talaga ng loob. “Mrs. Helger, mabuti pa ay pumasok na kayo sa loob. Malamig na dito sa labas, baka magkasakit kayo.” “Ayoko, Rima. Dito lang muna ako… Hihintayin ko ang asawa ko baka kasi dumating siya tapos tulog ako.” Aniya sa dalawa. Nagkatinginan nalang sina Rima at Ester. Alam naman n
[Apol]Pinilig niya ang ulo, inunat din niya ang braso. Halos umusok ang ilong at tenga niya dahil sa inis. Grabe, hindi man lang siya sinagot ng kausap niya kanina! Isa siguro ito sa tauhan ng Lolo ni Xerxes— Pero teka, paano kung ito mismo ang Lolo ni Xerxes? “Mrs. Helger, hindi maaari ang gusto mo. Nagbilin si Mr. X na hindi ka maaaring lumabas ng Villa—““Miss Carol, please naman, pumayag ka na. Hindi naman ako basta lalabas lang, sa lolo ni Xerxes ako pupunta.” Nagmamakaawang kumapit siya sa braso ng matanda at nagpapaawang tumingin dito na animo’y iiyak pa. “Sige na, Miss Carol. Promise hindi ko ipagkakalat na peke ang kilay mo—““Kailan ang alis natin?” Bigla ay tanong nito.Napatalon siya sa tuwa. “Mamaya din pong hapon. Pero teka, anong natin po?” Nakakunot ang noo na tanong niya.“Mrs. Helger, hindi ka maaaring umalis ng mag isa kaya sasamahan kita. Mas mabuti ng kasama mo ako para hindi ako masabon ng sobra ng asawa mo.” Tumikhim ito, mayamaya ay ngumiti ito ng nakakatakot
[Apol]Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang hiya habang nakaupo sa harapan ni manong— Este ng Lolo ni Xerxes. Kulang nalang ay tumakbo siya pauwi sa kanila para, hindi niya magawang tumingin rito.Nakakahiya! Kung ano-ano pa naman ang pinagsasabi niya rito. Napagkamalan pa niya na nobyo ito ni Miss Carol. Kaya pala gano’n nalang ang asta nila Rima at Ester dahil ito pala ang lolo ng asawa niya. Naku, makabalik lang talaga siya at masasapok niya ang dalawang ‘yon.Hindi man lang sinabi sa kanya ng dalawa kung sino talaga ang matandang ito! Pati si Miss Carol ay gano’n din. Para siyang pinagkaisahan.Sinamaan niya ng tingin sina Miss Carol at Butler Choco ng makita na halatang nagpipigil ng tawa ang dalawa. Napaupo siya ng tuwid ng tumikhim ito. Nagagawa naman niya na ngitian ito noon, pero ngayon tabingi na ang ngiti niya dahil sa sobrang pagkailang. “Apol, hija. Paumanhin kung hindi ko naipakilala sa’yo ang sarili ko. Natutuwa lang talaga ako sa pagiging totoo mo kaya ninais ko na m