Share

Chapter 24 The Confrontation

Daig pa ang mga protester sa EDSA ang kuyog na dumating sa harap ng bahay ni Elisa sa pangunguna ni Teacher Badette. Halos lahat kasi ng madaanang tsismoso at tsismosa ay sumama na rin upang maki-usyuso.

“Naku lagot ka sir.”Ani Elisa. Malayo pa lang ay natanaw na ni Elisa ang paparating na mga tao.

Maging si Aling Lagring ay napadungaw rin sa bintana. “Ang bilis naman ng pang-amoy ng mga ito.”

Ang kanyang driver bodyguard na si Artem ay napasugod na rin sa loob ng bahay. Bitbit ang kanyang baril ay humanda ito para proteksiyunan ang kanyang boss.

“Boss. Dapat siguro umalis na tayo.”

“Sa likod na kayo dumaan sir.” Suhestiyon ni Elisa.

Ngunit bago pa sila nakakilos ay nakapasok na sa loob ng bahay si Teacher Badette. Malaki na rin ang tiyan nito ngunit ang inis na kinikimkim dahil sa pinagtaguan siya ni Oliver ay malaya nitong naibulalas ngayon.

“Hoy Oliver. Kala mo siguro mapagtataguan mo ako habang buhay. Walang hiya ka. Pagkatapos mo akong buntisin, lalayasan mo na lang ako at iiwana
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status