Share

Chapter 27 Fear of Truth

HABANG binabagtas ng kanilang sasakyan ang daan patungo sa bayan nina Elisa ay abot-abot ang kabang nararamdaman ni Oliver. Nang tumawag si Elisa kahapon at ibinalitang nanganak na si Teacher Badette at kamukha na naman ng dalawang naunang sanggol na inaalagaan niya ay hindi na yon ikinagulat ni Oliver. Inaasahan na niya yon at maging ang magiging anak ni Mrs. De Asis ay inaasahan na niya ang mga itsura ng mga ito.

Ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan ay kung paano niya ipapaliwanag kay Elisa at Aling Lagring kung bakit kamukha ni Banjo Cano yong isinilang ni Teacher Badette. Tiyak niyang maraming itatanong si Elisa at Aling Lagring. Panahon na ba para aminin niya na siya si Banjo Canoy? Ngunit kapag ginawa niya ang pag-amin ay tiyak na ikakagulat yon ni Aling Lagring. At hindi niya tiyak kung paano ito tatanggapin ni Aling Lagring.

“Tutuloy na ba tayo kina Elisa, sir?” tanong ni Artem ng pumasok na sila sa bayan.

Hindi kaagad nakasagot si Oliver. Kaya na ba niyang harapin ang ina at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status