Share

Chapter 33 Vengeance from vengeance

SA loob ng kulungan, lamang palagi ang may pera. Sabi nga wala na raw hindi nabibili ang pera. Maging ang moralidad at prinsipiyo ng tao ay may katapat ng halaga. Kung ang ibang bilanggo ay nag-sisiksikan sa isang maliit na selda, si Congressman Welmore De Asis ay tila isang hari sa loob. Kumpleto ang mga gamit, gadgets, TV, Refrigerator at lahat ng kailangan niya para maging komportable sa loob.

Hindi lang yon. Ang mga bantay ay tila mga utusan lamang niyang sumusunod sa bawat sabihin niya. Ang mga bawal ay nabibili ni Congressman. Ang ilang bantay na matitino ay nananahimik na lamang. Sabi nga, ang isang matinong kamatis kapag nahalo sa basket ng mga bulok ay nabubulok na rin ito. Ang kalakaran sa loob ay pina-iiral ng isang tagong kodigo or silent code.

Sumama, makisama o manahimik.

Ang ilang matitinong guwardiya ay pikit mata na lamang at ibinabaling ang tingin sa malayo. Mahirap nga namang mapag-initan at mawalan ng trabaho. Ang mga katulad ni Congressman Welmore ay may mga galam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status