Share

Chapter 36

Pagbalik nila sa trabaho, halos hindi pa siya makalakad nang maayos at hinang-hina pa ang kaniyang katawan. Iyon ba namang hindi na siya halos tigilan ni Zach hangga’t hindi sila parehong pagod na pagod. Tsk! Matindi ang lalaki sa kahit na anong klaseng labanan.

Nailing na inabala niya ang sarili sa mga dokumentong nasa table ng binata. Nasa meeting ito nang oras na iyon. Hindi na siya sumama dahil sa nararamdaman.

Inayos niya ang mga dokumento at inilagay sa tamang lagayan. Maya-maya, bigla siyang nakaramdam ng antok. Gusto niyang pumasok sa loob ng maliit na silid kung saan nagpapahinga ang binata kapag pagod sa trabaho, pero baka biglang may dumating na bisita.

Subalit hindi na niya kayang labanan ang antok, kaya nagpasiya na siyang pumasok doon.

Bahala na!

Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na. Eksaktong lunch break pero mamaya na lang siya kakain pagkagising. Malaya niyang inilapat ang pagod na katawan sa hindi kalakihang kama sa kwartong iyon. Inalis ang sapatos saka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status