Bumalik o pinabalik, nasa kampo na ulit ngayon si Anne at hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam tuloy niya, mas sumikip ang kaniyang mundo dahil sa babae. Nasa hanay ito ni Captain Garcia na nakilala niya noong isang araw. Kaya kung may binabalak man ang babae gaya ng sinabi nito sa kaniya, hindi naman siya mangingiming ipagtanggol ang sarili. Hindi siya naging sundalo para maging isang mahinang nilalang. Isa pa, alam niyang hindi siya pababayaan ng kaniyang mga kaibigan at ni Zach.And speaking of kaibigan, hindi niya mahagilap kung nasaan si Leigh. Palagi itong busy sa trabaho at sa mga assignments na ibinibigay rito ni Zach, kaya naisipan niyang puntahan ito sa kaniyang bahay. Tutal, Linggo naman.“Leigh, busy ka ba?” tanong niya nang sagutin nito ang telepono. Tinawagan niya muna ito para sigurado.“Hindi naman. Nasa bahay lang ako, bakit?”“Unwind tayo. Gusto kong magpalamig,” yaya niya.“Sige, saan?”“Diyan na lang sa bahay mo. Baka nakapaligid mga kalaban natin. Mas safe diyan
Huminga siya nang malalim at pinakatitigan ito. She could see her own reflection in his eyes. Lito iyon na may halong pag-aalala.“Sweetie. . .” untag ni Zach sa kaniya. Nangungunot na ang noo nito.“Alright. I want you to answer me honestly.”Tumango ito. “What is it?”“What do you know about Lira Esteban’s case? I mean, ano ang kaugnayan mo sa kaniya?” It’s now or never. Kung gusto niyang malaman ang totoo, kailangan tanungin niya mismo ang lalaki.Ito naman ang huminga nang malalim, pagkuwa’y ipinaghila siya ng upuan. Pagkaupo niya ay naupo rin ito sa tabi niya. Hindi nito binibitawan ang kamay niya.“Alright. . . Gusto mo ba talagang malaman ang lahat?” tanong nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata.Tumango siya.“Ayaw ko na sanang malaman mo pa ito pero dahil pareho kayo ni Pvt. Esteban— na humihingi ng hustisya, mainam na malaman mo na rin,” simula nito. “Pina-imbestigahan ko si Pvt. Esteban kung ano ang kaugnayan niya kay Lira. Gaya mo, iba ang pakiramdam ko sa pagpaso
“Anong nangyari sa iniutos ko sa inyo!” nanggigigil na tanong ni Brandon sa mga tauhang kaharap, habang hawak-hawak ang isang baril. “Boss, kasado na po! Sila Bigman ang dudukot sa babae,” anang kaharap niya. “Mabuti kung ganoon! Ang tauhan ni Silva? Nasaan?” Muli ay pasigaw niyang tanong. “Nasa bodega na, boss! Maayos na nakagapos para hindi makawala.”Tumawa nang malakas si Brandon. Para itong nasaniban ng demonyo sa mga sandaling iyon. “Magpakasarap ka na ngayon, Silva! Hindi mo nararamdaman, unti-unti ng nauubos ang mga tauhan mo!” At tinungga niya ang basong may lamang alak sa harapan. “Two down, next mo ang isa pang babae na kasama nila. Kailangan ko ng malinis gumawa at hindi mahahalata ng lahat!” Dumagundong ang boses niya sa kinaroroonan. “May party ngayon, ayon kay Anne. Doon ninyo dukutin at iharap sa akin ang kapatid ni Lira.” Tumalikod siya at nagsimulang umakyat sa taas nang muling mapatigil.“Bueno! May mga parating na shipment, ilusot ninyo iyon sa mga parak! Bahala
Chapter 46“Cheers!” sigaw ng mga nagkakasiyahan nilang kasamahan. Selebrasyon iyon para sa tagumpay ng operasyon ng grupo ni Captain Garcia.“Congratulations, Captain Garcia! See you to our next assignment,” bati ni Zach dito. Mailap ang mga tingin at ngiti nito kay General, pakiramdam niya may tinatago ito.Medyo dumistansiya siya kay Zach dahil ayaw niyang umagaw ng atensiyon, lalo na kay Captain Garcia. Iginalang naman iyon ng binata. Pagkatapos mag-toast bumaba ito at sinalubong ni Anne. Nakita niya ang pagkapit nito sa braso ng binata— halos yakapin ito.Pilit niyang ikinalma ang sarili. Tumingin siya kay Leigh. Nakangiti ito sa kaniya at inginuso ang eksena sa harapan. Pinandilatan niya ito ng mga mata at sumenyas siya na pupunta sa banyo.“Boss, mukhang bantay sarado ang mga target. Need back up, just in case.”Napatigil siya bigla at tiningnan kung sino ang nagsalita. Nangunot ang noo niya. Sino ito at bakit ang lakas ng loob gumawa ng hakbang dito sa loob.Alerto na hum
Chapter 47Sinanay niya ang sarili sa dilim at kinapa si Leigh sa tabi. “Leigh, kailangan nating makaalis dito,” bulong niya. “Trust the process, Katie. Pero kung kailangan nating lumaban at pumatay, gagawin natin,” matapang na ingos nito sa kaniya. Nakalabas na si Captain Garcia. Mabilis siyang tumayo at sumunod sa naka-lock na pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw pero walang kuryente na dumaloy roon. Kahit madilim, umikot siya sa gilid ng kwartong iyon hanggang may nakapa siyang isang bagay sa ibabaw ng lamesa. Isang maliit na flashlight iyon. “Katie, huwag mong bubuksan iyan!” Mabilis iyong kinuha ni Leigh na nakasunod pala sa kaniya. “Kailangan natin iyan para mahanap ang ibang daan palabas,” bulong niya. “Mamaya ko na ipaliliwanag!” Binuksan nito ang drawer at may kinuha ito sa loob. Tila alam ni Leigh ang nasa loob nito. “Katie, magtiwala ka! Yes, galit ako sa kanila pero kailangan kung lumaban ng patas.”Mas lalo siyang nalito. Hanggang may putok ng baril silang narini
Chapter 48Pawisan at luhaan niyang naitukod ang mga kamay sa naghihinang mga tuhod. Nararamdaman niya ang dugong dumadaloy sa daplis na tama sa kaniyang hita. Unti-unti niyang iniangat ang paningin. Nakita niyang naliligo sa sariling dugo sina Big Man at Anne.Paanong nangyari iyon? Isang baril lang hawak niya. Isa lang din ang kanilang pinaputukan. Bakit baliktad yata?Napapikit siya nang biglang kumirot ang sugat. Tinulungan niya ang sarili na tumayo saka dinampot ang baril. Nakita niya na nakatutok ang baril ni Zach kay Anne, at si Mavy naman kay Big Man. Ibig sabihin, ang mga ito ang bumaril sa dalawa. Pero alam niyang tumama ang bala niya kay Big Man. At kung hindi dumating ang dalawa, siguradong katapusan na niya.Tumayo siya. Mabilis naman siyang tinulungan ni Zach.Nakabulagta ang mga kalaban nila at tanging mga tauhan na lang ni Zach at Captain Garcia ang nakatayo. Si Leigh ay sugatan din at ang iba pang mga kasama niya. Palapit ang mga ito sa kanila.Sumaludo si Captain Ga
Mabilis na dumaan ang isang linggo at nakalakad na siya. Ang mga natamo niyang sugat ay naghilom na.Naroon pa rin siya sa pad ng binata at hindi pa rin siya pinag-r-report sa kampo. Kakatapos lang niyang magluto at maligo. Naka-short na cotton siya na hanggan kalahati ng hita niya. Tenernuhan niya iyon ng manipis na sando.Tumingin siya sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon. Naisipan niyang buksan ang TV. Napanood niya ang mga cliff ng video ng nangyari sa kanila. Hanggang sa mga oras na iyon ay trending pa rin iyon.Narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Tanya iyon, kaya mabilis na sinagot.“Tanya, hello!” asayang wika niya.“Ate!”Ramdam niya ang pagkabalisa sa boses nito.“Tanya, bakit?”“Gusto kang kausapin ng inay,” marahang sagot nito.Hindi pa siya nakasagot nang nagsalita na ang tiya niya.“Katie. . . kumusta ka na? Napanood namin ang balita. Aba! Ngayon lang namin napansin na ikaw at ang bodyguard mo ang nasa telebisyon. Anong nangyari at bakit sugatan ka?” su
Chaper 50Ilang araw pa ang lumipas, halos tahimik na ang lahat. Sina Big Man at Anne ay dinala na sa kanilang huling hantungan pagkatapos ng isang linggo.Bumalik na muli sa normal ang operation sa kampo. Balik-trabaho na siya pagkatapos ng isang buwan, ngunit si Brandon ay tinutugis pa rin ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan at militar. Masyado mailap ang lalaki, ngunit siniguro naman ni Zach na hindi iyon magtatagal. Mahuhuli rin ito, lalo pa at mas lumiliit ang mundo nito habang tumatagal.Si Leigh ay nakabakasyon kaya hindi pa sila nakapag-uusap simula nang nangyari ang engkwentro sa grupo ni Brandon. Hindi naman na niya ito inabala dahil kailangan naman talaga iyon ng kaniyang kaibigan.Lumabas siya ng opisina ni Zach dahil sa sobrang katahimikan doon. Nagtataka siya kung bakit wala man lang naglalakad na mga kapwa niya sundalo sa labas. Kapag ganoong umaga kasi kani-kaniya ng lakad ang mga ito, habang ang iba naman ay abala sa paggawa ng mga dokumento.Sumilip siya sa may firing