Chapter 46“Cheers!” sigaw ng mga nagkakasiyahan nilang kasamahan. Selebrasyon iyon para sa tagumpay ng operasyon ng grupo ni Captain Garcia.“Congratulations, Captain Garcia! See you to our next assignment,” bati ni Zach dito. Mailap ang mga tingin at ngiti nito kay General, pakiramdam niya may tinatago ito.Medyo dumistansiya siya kay Zach dahil ayaw niyang umagaw ng atensiyon, lalo na kay Captain Garcia. Iginalang naman iyon ng binata. Pagkatapos mag-toast bumaba ito at sinalubong ni Anne. Nakita niya ang pagkapit nito sa braso ng binata— halos yakapin ito.Pilit niyang ikinalma ang sarili. Tumingin siya kay Leigh. Nakangiti ito sa kaniya at inginuso ang eksena sa harapan. Pinandilatan niya ito ng mga mata at sumenyas siya na pupunta sa banyo.“Boss, mukhang bantay sarado ang mga target. Need back up, just in case.”Napatigil siya bigla at tiningnan kung sino ang nagsalita. Nangunot ang noo niya. Sino ito at bakit ang lakas ng loob gumawa ng hakbang dito sa loob.Alerto na hum
Chapter 47Sinanay niya ang sarili sa dilim at kinapa si Leigh sa tabi. “Leigh, kailangan nating makaalis dito,” bulong niya. “Trust the process, Katie. Pero kung kailangan nating lumaban at pumatay, gagawin natin,” matapang na ingos nito sa kaniya. Nakalabas na si Captain Garcia. Mabilis siyang tumayo at sumunod sa naka-lock na pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw pero walang kuryente na dumaloy roon. Kahit madilim, umikot siya sa gilid ng kwartong iyon hanggang may nakapa siyang isang bagay sa ibabaw ng lamesa. Isang maliit na flashlight iyon. “Katie, huwag mong bubuksan iyan!” Mabilis iyong kinuha ni Leigh na nakasunod pala sa kaniya. “Kailangan natin iyan para mahanap ang ibang daan palabas,” bulong niya. “Mamaya ko na ipaliliwanag!” Binuksan nito ang drawer at may kinuha ito sa loob. Tila alam ni Leigh ang nasa loob nito. “Katie, magtiwala ka! Yes, galit ako sa kanila pero kailangan kung lumaban ng patas.”Mas lalo siyang nalito. Hanggang may putok ng baril silang narini
Chapter 48Pawisan at luhaan niyang naitukod ang mga kamay sa naghihinang mga tuhod. Nararamdaman niya ang dugong dumadaloy sa daplis na tama sa kaniyang hita. Unti-unti niyang iniangat ang paningin. Nakita niyang naliligo sa sariling dugo sina Big Man at Anne.Paanong nangyari iyon? Isang baril lang hawak niya. Isa lang din ang kanilang pinaputukan. Bakit baliktad yata?Napapikit siya nang biglang kumirot ang sugat. Tinulungan niya ang sarili na tumayo saka dinampot ang baril. Nakita niya na nakatutok ang baril ni Zach kay Anne, at si Mavy naman kay Big Man. Ibig sabihin, ang mga ito ang bumaril sa dalawa. Pero alam niyang tumama ang bala niya kay Big Man. At kung hindi dumating ang dalawa, siguradong katapusan na niya.Tumayo siya. Mabilis naman siyang tinulungan ni Zach.Nakabulagta ang mga kalaban nila at tanging mga tauhan na lang ni Zach at Captain Garcia ang nakatayo. Si Leigh ay sugatan din at ang iba pang mga kasama niya. Palapit ang mga ito sa kanila.Sumaludo si Captain Ga
Mabilis na dumaan ang isang linggo at nakalakad na siya. Ang mga natamo niyang sugat ay naghilom na.Naroon pa rin siya sa pad ng binata at hindi pa rin siya pinag-r-report sa kampo. Kakatapos lang niyang magluto at maligo. Naka-short na cotton siya na hanggan kalahati ng hita niya. Tenernuhan niya iyon ng manipis na sando.Tumingin siya sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon. Naisipan niyang buksan ang TV. Napanood niya ang mga cliff ng video ng nangyari sa kanila. Hanggang sa mga oras na iyon ay trending pa rin iyon.Narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Tanya iyon, kaya mabilis na sinagot.“Tanya, hello!” asayang wika niya.“Ate!”Ramdam niya ang pagkabalisa sa boses nito.“Tanya, bakit?”“Gusto kang kausapin ng inay,” marahang sagot nito.Hindi pa siya nakasagot nang nagsalita na ang tiya niya.“Katie. . . kumusta ka na? Napanood namin ang balita. Aba! Ngayon lang namin napansin na ikaw at ang bodyguard mo ang nasa telebisyon. Anong nangyari at bakit sugatan ka?” su
Chaper 50Ilang araw pa ang lumipas, halos tahimik na ang lahat. Sina Big Man at Anne ay dinala na sa kanilang huling hantungan pagkatapos ng isang linggo.Bumalik na muli sa normal ang operation sa kampo. Balik-trabaho na siya pagkatapos ng isang buwan, ngunit si Brandon ay tinutugis pa rin ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan at militar. Masyado mailap ang lalaki, ngunit siniguro naman ni Zach na hindi iyon magtatagal. Mahuhuli rin ito, lalo pa at mas lumiliit ang mundo nito habang tumatagal.Si Leigh ay nakabakasyon kaya hindi pa sila nakapag-uusap simula nang nangyari ang engkwentro sa grupo ni Brandon. Hindi naman na niya ito inabala dahil kailangan naman talaga iyon ng kaniyang kaibigan.Lumabas siya ng opisina ni Zach dahil sa sobrang katahimikan doon. Nagtataka siya kung bakit wala man lang naglalakad na mga kapwa niya sundalo sa labas. Kapag ganoong umaga kasi kani-kaniya ng lakad ang mga ito, habang ang iba naman ay abala sa paggawa ng mga dokumento.Sumilip siya sa may firing
Chapter 51Inaayos ni Katie ang mga bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang habang nakangiti. Maganda ang panahon dahil nakangiti rin si haring araw nang mga oras na iyon. Napaliligiran ng magagandang bulaklak at mga kandila ang loob ng museleyo na iyon— na sadyang ipinagawa niya para secured ang mga ito at puwedeng pagtambayan kahit na maghapon.“Papa, Mama! Kumusta na po kayo? Sorry, ngayon lang ako nakadalaw ulit. And good news, he’s gone but the leader is still roaming around,” aniya na ang tinutukoy ay si Big Man. Biglang nawala ang saya sa mga mata niya. “Pero mabilis na rin mahahanap iyon dahil lumiliit na ang mundo niya. Sundalo na nga pala ako dahil sa kagustuhan kung makakuha ng hustisya para sa inyo— na nangyari naman.”Umupo siya at hinawakan ang larawan ng mga ito.“Kapag tapos na tapos na talaga ang lahat, aalis na po ako sa pagiging sundalo at itutuloy ang propesyon ko. Alam kung ito ang pangarap natin noon pa man.” Kusang tumulo ang mga luha niya habang kausap ang
Chapter 52“I need back up! Kailangan kong makalabas ng bansa. Ayusin ninyo ang mga papel ko. Fake everything and do it as soon as possible. Kung kinakailangang mag-rent ng isang private plane para gawin makaalis ako, gawin ninyo double time!” At mariing pinindot ni Brandon ang end button ng cell phone. Nasa isang isla siya at doon muna nagtago simula nang makatakas siya sa bakbakan laban sa grupo ni Zach Silva. Doon siya nagpapalamig. Kailangan niya munang pahupain ang lahat bago muling kumilos. Mainit na siya sa mata ng mga otoridad, kaya hindi siya puwedeng magpadalos-dalos.“Tuso ka talaga, Silva! Kaya isinusumpa ko, darating ang araw at luluhod ka sa akin. Babalikan kita!” Halos madurog ang cell phone na hawak niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng isang kamao. Balisang nagpaikot-ikot siya sa silid na kinaroroonan, kasabay ng paghithit-buga ng sigarilyong hawak sa isang kamay. Nang maubos iyon ay idinikdik niya sa ashtray, bago nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.
Chapter 53Ilang araw ring inaasikaso ni Zach ang kaso ni Brandon. Kahit tinamaan ito ng bala, mas minabuti nitong ito mismo ang mag-handle niyon. Mas mapapatag raw ang kalooban nito. Dinala si Brandon sa isang high end facility ng militar. Doon muna ito bago ilipat sa pinakamahigpit na pasilidad ng bilibid, habang hindi pa ito nahahatulan. Kahit papaano, nakahinga na nang maluwag si Katie. Sigurado naman na hindi na ito makalalabas pa ng kulungan. Militar ang binangga nito; specifically, isang heneral. He threatened the national security with those bombings in the past and bomb threats at the airport, kaya nasisiguro niyang life sentence ang ipapataw na hatol dito o mas higit pa. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga damit niya, dahil ayaw pumayag ni Zach na babalik pa siya sa condo na iyon na pinagpatuluyan sa kaniya nito. Sandali siyang tumigil at iniikot ang mga mata sa paligid. Ma-m-miss niya ang lugar na ito.Umupo siya sa kama, saka pabagsak na humiga at dahan-dahang itina