Share

Chapter 52

Chapter 52

“I need back up! Kailangan kong makalabas ng bansa. Ayusin ninyo ang mga papel ko. Fake everything and do it as soon as possible. Kung kinakailangang mag-rent ng isang private plane para gawin makaalis ako, gawin ninyo double time!” At mariing pinindot ni Brandon ang end button ng cell phone.

Nasa isang isla siya at doon muna nagtago simula nang makatakas siya sa bakbakan laban sa grupo ni Zach Silva. Doon siya nagpapalamig. Kailangan niya munang pahupain ang lahat bago muling kumilos. Mainit na siya sa mata ng mga otoridad, kaya hindi siya puwedeng magpadalos-dalos.

“Tuso ka talaga, Silva! Kaya isinusumpa ko, darating ang araw at luluhod ka sa akin. Babalikan kita!” Halos madurog ang cell phone na hawak niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng isang kamao.

Balisang nagpaikot-ikot siya sa silid na kinaroroonan, kasabay ng paghithit-buga ng sigarilyong hawak sa isang kamay. Nang maubos iyon ay idinikdik niya sa ashtray, bago nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status