Masaya silang umuwi ni Zach nang araw na iyon. Nalimutan na niya ang tungkol sa kahon na natanggap kanina sa kampo.Dumaan sila sa isang mall para humanap ng damit sa susuotin sa kasal ni Leigh, dahil sa isang araw na iyon. Nakailang ikot din sila bago nakahanap ng akmang damit, saka sila pumasok sa isang restaurant para kumain muna. Habang nag-o-order si Zach nagpaalam siya na magbabanyo muna.Pagdating sa loob, medyo nakaramdam siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa hamba ng pinto at pumikit bahagya nang bigla namang humilab ang sikmura niya saka siya naduwal.“Hey! Are you okay?” tanong ng babaeng kasunod niya. Hinagod niya ang kaniyang likod.Medyo nahimasmasan naman siya.Tumango siya rito at ngumiti. “Thank you. I’m okay now,” aniya. Pero ang totoo, naduduwal pa siya. Humarap siya sa salamin at naghugas ng kamay. Pinagmasdan niya ring mabuti ang sarili. Medyo namumutla siya. “Are you sure? I will call your companion to get here,” anang babaeng hindi pa rin pala umaalis sa kaniya
Nakatitig siya sa malaking orasan dahil alas-kwatro na ay wala pa si Zach. Nagpaalam ito kanina na may aayusing hanay at mga trainings na dadaluhan.Wala itong mensahe mula pa kanina. Dahil walang magawa, inayos niya muna ang pagkain sa pantry. Hindi kasi niya maipaliwanag ang nararamdaman. May kabang namumuo sa dibdib niya dahil ngayon lang nangyari na hindi man lang tumawag sa kaniya maghapon si Zach.Gaano ba siya ka-busy? Tanong na sa sarili.Nagulat siya nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa ng binata. Mabilis niya iyong sinagot.Baka kasi ang lalaki na iyon.“Office of the general, this is his secretary, how can help you?” may lambing na wika niya.Kung ito ang binata, mapipilitang umuwi ito agad kung nasaan man ito. Alam nyang hindi siya nito matitiis.Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Mga kaluskos lang sa paligid ang tangi niyang naririnig.“Hello?” ulit niya.Pero wala pa ring sumasagot. Minabuti niyang ibaba na lang sana iy
Mula kahapon ay tuliro na ang isip ni Katie. Nadagdagan pa iyon nang isang tawag muli ang nataggap niya.“Patikim lang yung kahapon! Gusto mong sampulan ko ulit?” Isang malakas na tawa mula sa kabilang linya ang sunod niyang narinig. “Tanya ba pangalan ng dalaga mong pinsan?”Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi na lang basta takot ang nadarama niya sa mga sandaling iyon, galit na rin.“Sino ka ba? Hindi ka ba titigil!” singhal niya rito. Wala si Zach doon dahil inaayos nito ang kaso ng kapatid.“Tsk! Tsk! Tsk! Nagsisimula pa lang ako— titigil na? I will, but not unless you leave Silva. Iwanan mo siya. Iyon ang gusto ko,” seryosong wika nito. “At paalala ko lang sa iyo, huwag na huwag kang magsusumbong lalo na sa kaibigan mong si Sgt. Felipe. Manganganak na ang asawa niya, hindi ba? Siguradong uunahin ko ang mag-ina niya kasunod ang kaibigan mo!”“Itigil mo na ito dahil hindi ako natatakot sa isang duwag na kagaya mo. Bakit hindi na lang tayo magharap? Bakit hindi ka magpakilala? Na
Mahaba rin ang nakapagkwentuhan nila ni Cassey nang dumating si Zach at Mavy sa condo ng mga ito. Hindi naman niya ito sinabihn na sunduin siya, dahil alam niyang abala ito sa pag-aayos ng kaso nina Ziggy. Tumingin siya kay Cassey. Ngumiti ito sa kaniya.“Sorry, ako na ang nagsabi sa kaniya na narito ka. Ayaw ko kasing umuwi kang mag-isa without our handsome general,” tila kinikilig na wika nito.Napailing na lang siya.“Good evening, Cassey.” Nagbeso ang binata rito saka lumapit sa kaniya.“Good evening, General! Kumain muna kayo bago umalis,” nakangiting wika ni Cassey. “Hi, Love.” Yumakap ito kay Mavy at humalik sa labi.Hinapit siya ni Zach sa beywang. “Parang nainggit ako. Can you kiss me, too, sweetie?” Malambing na hinagod nito ang kaniyang likod. Halata sa mga mata nito ang pagod na nadarama.Parang namang binibiyak ang puso niya sa nakikita. Pigil-pigil niya ang maluha habang nakadikit dito.Paano ba ang gagawin niya? Paano ba niya ito maiiwan? Makakaya ba niya?Wala sa loob
After five years. . .Nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Katie dahil sa dami ng pasyenteng naghihintay sa kaniya. Halos hilahin niya ang kaniyang sapatos pahakbang sa pampublikong ospital na iyon sa Los Angeles. May apat na taon niya na rin iyong trabaho, pero parang hindi pa rin sanay ang katawan niya. Siya rin naman ang may kasalanan kung laging hectic ang schedules niya, dahil mas pinili niya roon. Para lang kasi siyang nasa Pilipinas sa dami ng pasyenteng pumapasok doon para magpagamot.Bukod doon, maraming Pilipino workers na naka-assign doon: doctor, nurses, caregivers, at maging payente na rin. Isa pa talagang dahilan niya ay para lagi siyang pagod kapag uuwi at hindi na maiisip pa ang mga ginawa niya sa nakaraan.Noong unang taon niya roon ay isa lamang siyang assistant nurse. Kumuha siya ng exam at nakapasa naman siya, kaya nagkaroon siya ng sariling clinic at tatlong beses sa isang linggo ang duty niya.“Good morning, Dra.,” bati ni Liberty, assistant niya. Isang latina ito
Malayo pa lang, nakatanaw na sa kanila si Camila, ang kaibigan niyang fashionista. Pinay ito and a mother of two beautiful kids. Ang asawa nito ay nagtatrabaho bilang isang manager sa isang sikat na hotel sa Las Vegas, kaya maalwan ang pamumuhay nito.Ito ang nakagaanan niya ng loob at nagpahiram sa kaniya ng maliit na apartment; isang paupahan na ito mismo ang may-ari. Kaya naman hanggang ngayon ay doon pa rin siya nakatira, bukod sa gusto niyang makatipid. Noong una, hindi siya pinagbabayad nito dahil wala pa siyang trabaho. Pero ngayon ay bumabawi siya rito.“Katie, my dear!” Yumakap ito sa kaniya. At kapag ganoon ito, alam niyang yayayain na naman siya nitong mag-unwind.“Yes? Saan ka na naman pupunta na kasama ako?” Gumanti siya ng yakap dito.“Nevermind! Mamaya ko na ikwento sa iyo. Papasukin mo muna kayo sa bahay ni Liberty.” Kumalas ito sa pagkakayakap niya. “Hi, Liberty.” Ngumiti si Liberty dito at nagbeso din. “Hello!” masayang wika nito.Nasa ganoong eksena sila nang bigla
Mahabang kulitan at kwentuhan sa bahay nina Camila ang naganap bago sila umuwi. Si Liberty ay nagpaalam na rin sa kanila matapos ang ilang oras na pakikipaglaro sa mga anak niya.“Camila, ano nga pala ang sasabihin mo kanina sa akin?” naalala niyang itanong bago sila pumasok sa loob ng kanilang apartment. Sumama ito para tulungan siya sa makukulit at bibo niyang mga anak.“Samahan mo ako. May fashion show na gaganapin sa hotel ni hubby at may free tickets sila for two. Hindi naman siya available, kaya ikaw na lang,” kibit-balikat nitong tugon.“Paano ang mga anak ko? At anong araw iyon?”Masaya ang mukhang humarap ito sa kaniya. “Wala kang pasok niyan at nagpa-reserve na ako ng two rooms doon para maisama natin ang mga anak natin. Mag-start sila ng ten in the evening. So, probably, tulog na ang triplets noon. Basta ako ang bahala,” wika nito.Napailing siya sa ginawi nito. “Siya, sige na. Makatatanggi pa ba ako kung may tickets at room ka na para diyan.” Inirapan niya ito.Isang malak
Magara ang disenyo ng stage na bumungad sa kanila ng kaniyang kaibigang si Camila. Mahaba ang runway nito na para lang sa mga star-studded fashion shows. Maliwanag din ang buong paligid dahil sa mga ilaw at nagkikislapang kamera. Sadyang pinaghandaan ng hotel ang event na iyon. Kahit si Camila na mag-a-attend lang ay pinaghandaan din ang lahat. Nakasuot ito ng hapit na hapit sa beywang na cream na long gown, at hakab sa dibdib. Seksi itong tingnan at mukhang wala pang anak. Bagay na bagay nga rito ang maging isang modelo na pinapangarap nito. Suot naman niya ang isang casual dress na black and white na mid-calf split design. Lutang ang naghuhumiyaw niyang cleavage at mahabang hita. Sa kamay niya ay may ternong maliit na handcarry black pourse, saka hinayaan na nakalugay ang lagpas balikat niyang maitim at tuwid na buhok.“Katie, bakit nag ganda mo!” bulalas na wika ni Camila sa kaniya.“Sus! Magaling ka lang pumili ng damit ko. Saan ba ang upuan natin?” Pasimpleng siniko niya ang k