Mabilis na dumaan ang isang linggo at nakalakad na siya. Ang mga natamo niyang sugat ay naghilom na.Naroon pa rin siya sa pad ng binata at hindi pa rin siya pinag-r-report sa kampo. Kakatapos lang niyang magluto at maligo. Naka-short na cotton siya na hanggan kalahati ng hita niya. Tenernuhan niya iyon ng manipis na sando.Tumingin siya sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon. Naisipan niyang buksan ang TV. Napanood niya ang mga cliff ng video ng nangyari sa kanila. Hanggang sa mga oras na iyon ay trending pa rin iyon.Narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Tanya iyon, kaya mabilis na sinagot.“Tanya, hello!” asayang wika niya.“Ate!”Ramdam niya ang pagkabalisa sa boses nito.“Tanya, bakit?”“Gusto kang kausapin ng inay,” marahang sagot nito.Hindi pa siya nakasagot nang nagsalita na ang tiya niya.“Katie. . . kumusta ka na? Napanood namin ang balita. Aba! Ngayon lang namin napansin na ikaw at ang bodyguard mo ang nasa telebisyon. Anong nangyari at bakit sugatan ka?” su
Chaper 50Ilang araw pa ang lumipas, halos tahimik na ang lahat. Sina Big Man at Anne ay dinala na sa kanilang huling hantungan pagkatapos ng isang linggo.Bumalik na muli sa normal ang operation sa kampo. Balik-trabaho na siya pagkatapos ng isang buwan, ngunit si Brandon ay tinutugis pa rin ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan at militar. Masyado mailap ang lalaki, ngunit siniguro naman ni Zach na hindi iyon magtatagal. Mahuhuli rin ito, lalo pa at mas lumiliit ang mundo nito habang tumatagal.Si Leigh ay nakabakasyon kaya hindi pa sila nakapag-uusap simula nang nangyari ang engkwentro sa grupo ni Brandon. Hindi naman na niya ito inabala dahil kailangan naman talaga iyon ng kaniyang kaibigan.Lumabas siya ng opisina ni Zach dahil sa sobrang katahimikan doon. Nagtataka siya kung bakit wala man lang naglalakad na mga kapwa niya sundalo sa labas. Kapag ganoong umaga kasi kani-kaniya ng lakad ang mga ito, habang ang iba naman ay abala sa paggawa ng mga dokumento.Sumilip siya sa may firing
Chapter 51Inaayos ni Katie ang mga bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang habang nakangiti. Maganda ang panahon dahil nakangiti rin si haring araw nang mga oras na iyon. Napaliligiran ng magagandang bulaklak at mga kandila ang loob ng museleyo na iyon— na sadyang ipinagawa niya para secured ang mga ito at puwedeng pagtambayan kahit na maghapon.“Papa, Mama! Kumusta na po kayo? Sorry, ngayon lang ako nakadalaw ulit. And good news, he’s gone but the leader is still roaming around,” aniya na ang tinutukoy ay si Big Man. Biglang nawala ang saya sa mga mata niya. “Pero mabilis na rin mahahanap iyon dahil lumiliit na ang mundo niya. Sundalo na nga pala ako dahil sa kagustuhan kung makakuha ng hustisya para sa inyo— na nangyari naman.”Umupo siya at hinawakan ang larawan ng mga ito.“Kapag tapos na tapos na talaga ang lahat, aalis na po ako sa pagiging sundalo at itutuloy ang propesyon ko. Alam kung ito ang pangarap natin noon pa man.” Kusang tumulo ang mga luha niya habang kausap ang
Chapter 52“I need back up! Kailangan kong makalabas ng bansa. Ayusin ninyo ang mga papel ko. Fake everything and do it as soon as possible. Kung kinakailangang mag-rent ng isang private plane para gawin makaalis ako, gawin ninyo double time!” At mariing pinindot ni Brandon ang end button ng cell phone. Nasa isang isla siya at doon muna nagtago simula nang makatakas siya sa bakbakan laban sa grupo ni Zach Silva. Doon siya nagpapalamig. Kailangan niya munang pahupain ang lahat bago muling kumilos. Mainit na siya sa mata ng mga otoridad, kaya hindi siya puwedeng magpadalos-dalos.“Tuso ka talaga, Silva! Kaya isinusumpa ko, darating ang araw at luluhod ka sa akin. Babalikan kita!” Halos madurog ang cell phone na hawak niya dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng isang kamao. Balisang nagpaikot-ikot siya sa silid na kinaroroonan, kasabay ng paghithit-buga ng sigarilyong hawak sa isang kamay. Nang maubos iyon ay idinikdik niya sa ashtray, bago nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.
Chapter 53Ilang araw ring inaasikaso ni Zach ang kaso ni Brandon. Kahit tinamaan ito ng bala, mas minabuti nitong ito mismo ang mag-handle niyon. Mas mapapatag raw ang kalooban nito. Dinala si Brandon sa isang high end facility ng militar. Doon muna ito bago ilipat sa pinakamahigpit na pasilidad ng bilibid, habang hindi pa ito nahahatulan. Kahit papaano, nakahinga na nang maluwag si Katie. Sigurado naman na hindi na ito makalalabas pa ng kulungan. Militar ang binangga nito; specifically, isang heneral. He threatened the national security with those bombings in the past and bomb threats at the airport, kaya nasisiguro niyang life sentence ang ipapataw na hatol dito o mas higit pa. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga damit niya, dahil ayaw pumayag ni Zach na babalik pa siya sa condo na iyon na pinagpatuluyan sa kaniya nito. Sandali siyang tumigil at iniikot ang mga mata sa paligid. Ma-m-miss niya ang lugar na ito.Umupo siya sa kama, saka pabagsak na humiga at dahan-dahang itina
Nakaupo si Katie sa mesa niya sa loob ng opisina ni Zach, habang hinihintay ang lalaki na matapos sa meeting nito, nang may kumatok. Mabilis niyang binuksan iyon.“Leigh, pasok ka.”Dumeretso sila sa mesa niya at binigyan ito ng upuan. Pansin niyang kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Halata ang kasiyahang nadarama nito, at alam niyang dahil iyon sa pagkakalutas ng kaso ng kaniyang kapatid.Subalit, napataas ang mga kilay niya nang may iabot ito sa kaniya. Tiningnan niya iyong mabuti, saka nagtatanong ang mga matang binalingan ito.Ngumiti ito. “Open it.”Kunot ang noong walang imik na binuksan niya ang kulay puting sobre. Binasa niya ang laman niyon. Nanlaki ang mga mata niya. Napakurap pa siya nang ilang beses, pagkuwa’y nakahawak sa dibdib na nilingon si Leigh.“I-is this true?” Muli niyang binasa ang nakasulat sa kapirasong papel. Totoong pangalan nito ang nakasulat doon, pero ang isa pang ikinagulat niya, ay ang pangalan ng groom na nakalagay. It’s Sgt. Tolentino!“Leigh, ano it
Kinabukasan ihinatid siya ng binata sa mall kung saan sila magkikita ni Leigh. Hindi pumayag na hindi siya ihahatid nito.Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. “Just call me if you’re done. I’ll pick you again, hmmm?” “Yes, General!” Si Katie na ang kusang yumakap dito pero ikinabigla niya nang humalik ito sa labi niya.“See you later, sweetie.”Tumango lang siya. Bumitaw naman ito at tinungo na ang sasakyan. Habang hinihintay si Liegh, tumambay muna siya sa gilid ng mall at inikot ang mga mata sa paligid. Abala ang mga mall goers sa pag paroo’t parito, habang ang iba ay katulad niya na nakaupo sa bench at nagmumuni lang.Napatingin siya sa pedestrian lane malapit sa pwesto niya. Na-focus attention niya sa isang sasakyan na patawid. Bigla namang tumawid patakbo ang isang batang. Mabilis ang kaniyang naging reflexes, bigla siyang tumakbo palapit sa bata at niyakap ito paatras. Napaupo sila sa gilid ng kalsada. Huminto naman ang sasakyan at lumabas ang nagmamaneho.“F*ck that car!”
Chapter 56Nagising si Katie sa lagaslas ng tubig mula sa banyo. Pilit niyang binuksan ang mga mata, saka umupo sa kama at sumandal sa headboard.Bigla siyang natakam sa gatas na nasa ibabaw ng maliit na mesa. Umuusok pa iyon at may katabing toasted bread. Tumayo siya at kinuha iyon. Halos maubos niya ang laman ng tasa pero ang tinapay ay hindi naman niya kinain. Amoy pa lang kasi noon ay ayaw na niya. Eksaktong babalik na siya sa kama nang bumukas ang pinto sa banyo at iluwa roon ang mala-adonis na pangangatawan ni Zach.Napalunok siyang bigla. Pakiramdam niya nag-cr-crave siyang yakapin ito.Ipinilig niya ang ulo, habang ang lalaki ay walang pakialam na lumabas ng banyo na naka-boxer lang.“Good morning, my future wife. Explain me that gesture. . .” nang-aakit na wika nito.Tumalikod siya at inihagis ang kumot dito. “Magdamit ka na nga!” Saka siya muling humiga sa kama at binalot sa katawan ang comforter. Tumawa ito at lumapit sa kaniya. “I saw it. You’re teasing me, sweetie.”Na