Share

Chapter 49

Mabilis na dumaan ang isang linggo at nakalakad na siya. Ang mga natamo niyang sugat ay naghilom na.

Naroon pa rin siya sa pad ng binata at hindi pa rin siya pinag-r-report sa kampo. Kakatapos lang niyang magluto at maligo. Naka-short na cotton siya na hanggan kalahati ng hita niya. Tenernuhan niya iyon ng manipis na sando.

Tumingin siya sa orasan. Alas-kwatro pa lang ng hapon.

Naisipan niyang buksan ang TV. Napanood niya ang mga cliff ng video ng nangyari sa kanila. Hanggang sa mga oras na iyon ay trending pa rin iyon.

Narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Tanya iyon, kaya mabilis na sinagot.

“Tanya, hello!” asayang wika niya.

“Ate!”

Ramdam niya ang pagkabalisa sa boses nito.

“Tanya, bakit?”

“Gusto kang kausapin ng inay,” marahang sagot nito.

Hindi pa siya nakasagot nang nagsalita na ang tiya niya.

“Katie. . . kumusta ka na? Napanood namin ang balita. Aba! Ngayon lang namin napansin na ikaw at ang bodyguard mo ang nasa telebisyon. Anong nangyari at bakit sugatan ka?” su
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status