Share

Chapter 37

Masiglang sumunod sa mini pantry ang binata saka inayos ang mga plato. Habang inaayos niya ang mga pagkain napatingin siya rito— na titig na titig sa kaniya. “May problema ba?”

Tumango ito at kinabahan siya.

“Ano iyon?” Lumapit siya at sinalat ang noo nito. Wala naman itong lagnat.

Kinabahan siya. Baka may biglang tawag galing sa mga kasama. “May maiitulong ba ako?” At tumabi siya sa binata.

“Yes,sweetie! Malaki ang maiitulong mo.” Hinuli nito ang kamay niya at inikot sa leeg niya. “Ang mahalin mo ako ay sapat na,” anito sabay halik sa mga labi niya.

Hinampas niya ito sa dibdib. “Ano ba! Hindi naman iyan ang pinag-uusapan natin, eh. Umayos ka nga! Bakit nga? Anong problema?”

Huminga ito nang malalim at niyakap siya. Hindi naman na siya nagpumiglas pa. “It’s because I can’t imagine that we are like this. That you are with me. Hindi mo pa man ako sinasagot, parang ganoon na rin. Kaya nga hinding-hindi na kita pakakawalan pa kahit na anong mangyari. I will just wait for your answer.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status