Share

CHAPTER 129

Inulan ng dasal ang social media para sa lubusang paggaling ni Nadja. May mga nag-post ng dasal at nagpadasal pa sa simbahan. May ilan na bumuo ng grupo para sa kagalingan ni Nadja.

Maging si Rosanna ay napakurus ng noo. Napanuod niya ang exclusive footages ng aksidente. Napailing ito dahil masyadong lapitin ng disgrasya ang kaibigan.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Victor. Mabait si Nadja. Tiyak na hindi siya pababayaan ng Diyos. Magiging masaya rin kayong dalawa.”

“Mag-iingat ka rin diyan, Rosanna.” Tatlong buwan na rin ang tiyan ng babae. May inupahan naman silang kasambahay upang kasama niya sa lumang bahay na minana ni Nadja. Pansamantala siyang pinatira pansamantala si Rosanna hanggang makapanganak.

Hindi siyang magawang iniwan ni Victor lalo na sa maselang kondisyon ng pagbubuntis nito.

Pinakinggan ni Victor ang huling voice recording nito bago siya madisgrasya. Nahilam ang kanyang mga mata ng luha. Sinabi niyang mahal pa rin niya ang lalaki at wala na itong ibang mamahal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status