ENRIQUEZ HOSPITAL THERAPY SECTION ROOM 1009 “Mag-iingat kayong dalawa dahil seloso akong tao. Huwag kayong nagpapa-cute sa asawa ko dahil humanda kayo. Hindi ko papalampasin ang ginagawa ninyo.” “Uy, Inigo. Anong ibinubulung-bulong mo sa mga therapists?” “Wala, Honey. Sabi ko ay ingatan ako. I trust them. Alam kong gagaling ako sa tulong nila, ‘di ba, guys?” Tinapik niya ang mga balikat ng mga ito. Sabay-kindat ni Inigo. “We’ll do our best po, Ma’am Nadja.” Napakamot ang mga binata. “Sisikapin mo namin na gumaling na si Sir.” Napailing pa ang ulo ng isa. Hindi maipinta ang mukha ng kambal. Delikado sila kapag hindi nila inayos ang kanilang trabaho. Napasubo siya at hindi na rin makatanggi. Inayos ni Nadja ang dala nilang kumot para takpan ang hita at binti ng lalaki. Nakatingin lang si Victor sa ginagawang pag-aasikaso sa kanya ng babae. Ngumiti siya. “Let’s go.” Tahimik na itinulak ni Nadja ang wheel chair ni Inigo papalabas ng Therapy Department. Mabilis ang mga mata ng bin
“HAPPY BIRTHDAY, Victor! Happy Birthday, Victoria!” Tumulo ang luha ni Sharon. Tuluyan siyang napahagulgol. Hindi niya maiiwan ang asawa para lang hanapin ang anak. Nagpabili siya ng paborito nitong yema cake at doon nagtirik ng kandila. Matapos kumanta at umusal ng dasal ay saka niya ito hinipan para sa mga anak. Iyon ang unang pagkakataong wala si Victor sa kanyang kaarawan. Hindi rin niya matatawagan si Victoria. Konting tiis pa. Kailangan niyang simulan ang therapy sa lalong madaling panahon. Tiyak niyang nag-aalala na ang ina dahil wala itong balita kung anong nangyari sa kanya. Lalong titindi ang pag-aaalala nito kung malalaman niya ang kanyang kalagayan. Nilingon ni Victor si Nadja. Mahimbing itong nakatulog sa kanang bahagi ng malaking kama na iyon. Nakikita niya ang isang payapang nilalang na sa kabila ng pagod ay maganda pa rin. Napakagat labi si Victor. Bigla niyang nakalimutan ang babaeng nakaniig niya, ilang taon na rin ang nakaraan. He had the best night with her. A
Nagkaroon ng konting ingay ang buong kabahayan sa unang pagkakataon simula ng sumabay si Victor sa almusal ng mag-anak. Nakita ng lalaki kung paano umiwas si Nadja sa tuwing magkakaroon sila ng simpleng engkuwentro. “Holly, Mackie…” Lumingon ang kambal kay Nadia. “After you take your swimming today, make sure to drink your milk upstairs and take a nap in the afternoon.” “Yes, Mommy!” sabay na sagot ng kambal. “Cogie, drive carefully. Isipin mong kasama mo si Sir Inigo mo.” “Yes, Ma’am.” Hindi na niya tatapunan ng pansin si Inigo. Tahimik itong kakain at iiwasan ng tingin na madalas niyang gawin. Tumayo si Nadja. Tumayo siya at lumapit sa mga anak. “Bye, mga Laloves.” Maging si Victor ay nakahanda na ring sumalubong sa kiss nito ngunit hindi man lang siya tinapunan ng huling pansin ng babae. “Nakita mo ba si Sir Inigo?” “Marites ka na naman, Nessa.” “Nakakatawa ang hitsura ni Sir. Feeling niya, mag-go-goodbye kiss din si Ma’am Nadja sa kanya.” Natatawa si Nessa sa sitwasyon. Pin
“Bakit hindi mo sinabing kakain tayo sa labas? Nagsuot man lang sana ako ng maayos na damit,” bulong ng lalaki. “Mayaman ka talaga siguro at kahit simpleng kain lang sa labas eh, kailangan mo pang magdamit ng todo. ” tugon ni Nadja. “Bakit ba parang negative kaagad ang dating sa iyo ng mga sinasabi ko? You see, hindi naman ako nagreklamo nang isuot ko ang damit ng binili mo kahit hindi ito ang tatak ng mga damit ko.” “Nasa nagdadala lang 'yan. Hindi naman mukhang cheap. I cannot afford your clothing, Sir. Eh kung gusto mo kapag gumaling ka, umuwi kaagad sa inyo. Go back to the kind of life that you have. No problem. Isuot mo lahat ang mga damit na na-miss kong isuot. Kainin mo lahat ang mga pagkain na hindi mo nakain sa amin. Go ahead!” “You’re terrible! Absolutely insane!” “Mommy, Tito Inigo, are you quarrelling?” Narinig yata ng kambal na mataas ang boses nilang dalawa. “NO!” sabay nilang sabi. Nag-volunteer si Holly na itulak ang wheelchair ngunit hindi niya kinaya. Nakitulak
“Pinagalitan mo ba ang mga bata? Bakit hindi na lang ako ang pagalitan mo? Sa akin mo ibuhos ang galit mo kumbakit tinatanong nila ang kanilang ama. Iyon ba ang dahilan kumbakit ka nagagalit sa kanila at hindi mo sila pinapayagang pumunta sa akin!” Seen-zoned lang ni Nadja. Ayaw na niyang patulan ang mga ganoong reklamo ni Inigo. Hindi lang naman iyon ang naging problema niya pagdating sa mga bata. Nasaktan na niya ang lalaki noon. Sa bandang huli ay nagsisisi siya. Hindi niya ugaling manakit. Iniwasan niya si Inigo tulag ng dati. “Iiwasan mo na naman ako. Ganyan ka naman eh.” “Tsss, huwag mo akong daanin sa mga mensahe, Inigo.” Makahulugan ang kanyang mga ngiti. Matapos mag-almusal ay nagtungo si Nadja sa ikatlong palapag ng kanyang bahay. Pumasok siya sa loob ng recording booth niya. Para lang itong karaoke booth sa mga malls. Kahit maliit lang ang bahay ni Nadja, hindi pa iyon napupuntahan ni Inigo dahil hirap itong umakyat sa mga hagdan. Hindi pumasok si Nadja ng araw na iyo
Nagkatinginan sina Nadja at Rosanna sa matinding iskandalo na iyon. Hindi nila inasahan na mangyayari iyon maging lugar na katulad ng Re-Bistro Resto. Napakibit-balikat silang pareho. “Huwag mo akong hawakan. Aalis ako kung gusto ko! Magtutuos kami ng Victor na iyan!” Umiwas din ang staff sa panggigigil ng babae. “Normal na lang ang mga iskandalong ganyan, Anna. Sa katunayan, sa mundong kinagagalawan ko, iyan ang mga eksenang hinihintay ng media. Diyan sila kumikita ng malaki.” “It has become a poor industry. You entertain using your talents but later you become part of the entertainment. It is such a distasteful manner.” “Alam mo, totoo ‘yan. Instead of showing your true self, you hid yourself behind a mask and become what others want you to be.” “What are you thinking right now?” “Ano namang magagawa ng iniisip ko?” “What is the best thing to do?” “I don’t know if it is the best. Anghirap mag-decide.” “So, maybe that’s really the best.” “Ha!” Napakunot-noo si Rosanna. “You
Hindi siya makapaniwala sa tono ng pananalita nito. Matapang at alam mong buo ang loob. That’s the real Max Victor Peralta. Hindi maitatago ni Victor ang katotohanan. His situation right now is different from Victor’s life before. “Hindi ko ugaling magpaliwanag sa ibang tao, Nadja. Hindi ko nakasanayang magpaalam. Hindi ko rin iniisip na may taong maghihintay sa pag-uwi ko. I care only for myself.” “Balak mo bang magkaroon ng pamilya, balang- araw?” tanong ni Falcon, one of his closest friends in Harvard. University. “I care only for my business. I only care for my women and my own concerns. Sino ka ba? Bakit ko sasabihin sa iyo kung kailan ako uuwi at kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko?” “And maybe that’s really who you are.” “This is really who I am.” “Hindi ko pa lang alam ang pangalan mo but I dislike you even more. I dislike your attitude. Masyado kang bossy. Hindi ka na boss ngayon, Inigo. Masyadong high ang expectation mo sa mga bagay-bagay. Look at you right now
NAKAHANAP ng resort si Nadja kung saan magsi-celebrate ng kanyang kaarawan. Pinili niyang mag-out-of-town para maipasyal sa tabing-dagat si Inigo. She is taking Nessa’s suggestion. Baka nga makatulong. Sa may Blue Lagoon sa San Juan, Batangas ang beach resort. Gusto rin niyang maipasyal ang kambal pati na ang kanyang kasambahay at driver. Siya ang nagmaneho from Cavite to Batangas habang kasunod ang puting van na minamaneho ni Cogie. Walang traffic ng madaling araw kaya mabilis naman silang nakarating. Sinamantala nila ang malamig pa ang simoy ng hangin ng umagang iyon. Magliliwanag pa nga lang. Huni lang ng mga ibon ang sumalubong sa kanila. “Ang dami mo pang comment. You are overthinking. Pasyente ka at alalay mo lang ako. Asawa kaagad? Magulo kang kausap.” “Bakit ambilis mong mapikon? Ayoko pa naman sa babae ang pikon.” “Doon tayo sa banda roon.” Iniba ni Nadja ang usapan. Madalas talagang mauwi sa diskusyon ang ilan sa usapan nilang dalawa bukod sa mga pagkakataon nakakalim