“Gusto kong makita kung paano patutulugin ni Nadja ang mga anak niya.” “Alam mo, Sir. Malaki ang pinagbago ni Ma’am Nadja simula ng nandito po kayo.” “What do you mean?” “Mahahalata pa rin po ninyo kay Ma’am Nadja na hindi pa rin siya sanay mag-alaga ng mga bata. Sinisikap niyang matuto. Sinisikap niyang gawin ang kanyang responsibilidad sa mga bata. Ngunit may pagkakataong tinititigan po niya ang mga bata.” Tinitigan din ni Inigo ang kambal at si Nadja. “Alam mo ba kung anong nangyari?” Umalis kaagad si Nessa pagkasabi niyon. “Mommy, I am sleepy,” dinig niyang sabi ni Holly. Hindi na kinarga ni Nadja ang batang babae sa halip ay pinayakap niya ang bata at pinatagilid sa kanya. Tinapik niya at hinagod ang likuran nito. Yumakap din si Mackie sa kanya. Sabay niyang pinatulog ang dalawa. Maya-maya ay tahimik na silang tatlo. Pare-pareho silang nakatulog ng mahimbing. Pinagmasdan niya si Nadja. Muli niyang tinakpan ang mga mata nito sa kanyang kinatatayuan. Pinipilit niyang iwaksi
Maraming gumugulo sa isip ni Nadja. Contract signing lang iyon ni Rosanna but she has to be there. Napi-pressure siya ngayon ng kanyang ina habang pinipilit ito na bumalik na sa pagkanta. “Sumama ka sa Japan with Peter and Rosanna,” Mensahe ng ina sa kanya. Hindi niya alam kung paano nalaman nito ang tungkol doon. “Just go with them. Iha!” “Mama…” “Reclaim your spot, Iha! Nandito ako. Nandito si Philip. Hindi ka niya pababayaan.” Nagdadalawang-isip pa si Nadja kahit kinukumbinsi rin siya ng lalaki. Sabayan pa ng mensahe ni Rosanna na kahit noon pa ay hindi naman seryoso sa kanyang pagkanta. Hindi talaga niya alam ang gagawin. “Nadja, save me! Please come! Ayoko ring kamuhian ako ng mga fans ko dahil baka isipin nilang niloloko ko sila dahil boses mo ang naririnig nila. Please naman!” Hindi alam ni Nadja ang mangyayari sa Japan. Ngunit sa tuwing makikita ni Nadja ang mga anak, kaya niyang humugot ng lakas para sa kanila. Lumalakas ang kanyang loob para sa kanila. Nasa kuwarto
Umupo na si Dianna sa kanyang working table. Hindi niya kailangang hintayin si Hector bago kumilos. "Nasaan ka na Djana? Bakit bigla kang nawala?" tanong nito sa sarili. Pumailanlang pa rin sa loob ng buong unit ang kanta ni Djana. Saka niya napansin na magkasingboses ni DJ Ana sa boses ng singer na palaging nakamaskara. Tiningnan niya ang solo picture nito. Wala sa loob niya ang ginawa ngunit pinaglaruan niya ang ang larawan ni DJ Ana. "DJ Ana…” Kinuha ang pentel pen sa lamesa at ginuhitan ng maskara upang takpan ang kanyang mga mata. Ikinumpara ang mga ito sa mga larawan sa internet. “Hmmm, may pagkakahawig kay Djana.” Napahinto si Dianna. Paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Djana at DJ Ana ng ilang beses. Tumayo siya at nagparoo’t parito. At saka siya napahinto. Muling sinulyapan ang bondpaper kung saan niya sinulat ang ni Djana at DJ Ana. “Gotcha! Why in the world, I didn’t think about it?” It was a puzzle to be solved. “So, you must be hiding for some reason. Huli ka!”
TITAN MUSIC ENTERTAINMENT 10AM Nakita ng sekretarya ni Philip ang isang blind item sa internet. Nagpadala siya ng link nito sa internet tungkol sa balita. “Sir, nabasa po ba ninyo?” “Why should you worry about that news? Wala namang binabanggit kung sino.” “Eh, Sir! Hindi po ba si Ma’am Nadja ang tinutukoy niya?” “Shut up! Itikom mo ang bibig mo! Walang dapat makaalam ng tunay niyang pagkatao unless siya mismong ang umamin.” Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng opisina ni Philip. Nakita niya ang mala-anghel na ngiti ni Dianna. Kumaway pa ito sa kanya at pumasok kaagad. “Sir Philip...” “Ano? Masaya ka na sa ginagawa mo? Anong gusto mong matanggap? Asunto?” “Puwede naman nating pag-usapan kung gusto po ninyo.” “Ano bang plano mo?” “Puwede po tayong magkasundo. Gamitin natin ito para muling mabuhay ang interes ng maraming tagahanga ni Singing Lady with a Mask. I wonder kung nasaan na nga ba siya ngayon at kung anong kaugnayan niya kay Rosanna?” “Dianna…” “Hindi naman ak
JAPAN Corporate Business Center 2 PM Nakahanda ang interpreter para kay Rosanna sa Conference Room ng Japan Music Entertainment. Masayang-masaya silang makita ang singer. “Kon’nichiwa!” Bahagyang yumukod si Rosanna. Mayroon naman silang kasamang magsalita ng Ingles kaya hindi na iyon mahirap sa kanya para makipag-usap sa mga Hapon. Hindi pinatagal ni Rosanna ang usapan. Lahat ay masaya na makita siya. “Gomen’ nasai!” Yumukod ng halos kalahati sa kanyang katawan si Rosanna. Lahat ay nagkatinginan sa loob ng kuwarto. “Rosanna…stop it! I am sorry for a big misunderstanding, Mr.Kimura.” “What’s the meaning of this, Rosanna, Peter?” “Bakit hindi na lang natin sabihin ang totoo, Peter? Hanggang dito na lang ang career ko kung hindi mo ako pakikinggan.” Umiyak si Rosanna. “Hindi ako pipirma ng kontrata kung pakakantahin mo ako. Ayokong ipahiya ka sa buong mundo kahit ang gusto mo ay pakantahin pa rin ako. Hindi ko kayang panindigan ang lahat. I am sorry!” Nagtatakbo sa labas si Rosan
Kasalukuyang nanunuod si Inigo sa Japan Channel. Hindi maililihim sa kanya ang nangyaring interview at ang malaking rebelasyon na ginawa ni Rosanna. “This Rosanna is really a headache. It was a small world, Rosanna but I am sorry. You are no good match for Victor Peralta. I just found my one and only.” May mga humanga dahil nagsabi na siya ng totoo pero may ilan ding nadismaya sa nalaman nila. "What? All this time, we are tricked?" "This singer is unbelievable. How could she do this to us?" "Does it mean, she had a ghost singer all this time?" "Who is she?" "Who owns her voice?" Hindi rin mapaniwalaan ni Peter ang mga pangyayari. Tumayo ang kanyang PA ng marinig ang katok sa pinto ng hotel. "Sir Peter..." Hawak ni Peter ang baso ng alak habang pinapanuod ang live telecast ng interview. "Labas ka muna. So, are you here to laugh at me?" "Matagal na tayong magkaibigan, Peter. I have experienced the same with my other talents in the past. Puwedeng suwertehan talaga ang mga tale
Hinihintay niyang batiin siya ni Inigo ng kanyang yakap at halik. Tatlong araw lang ay nagbago na kaagad ito sa kanya. Binuksan nito ang kanyang cellphone at nakita ang mensahe nito. “Magkasama ba kayo ni Philip?” “Tsss, siya ba ang dahilan kaya beast mode ka?” Late na siyang nakapag-reply. Nasa harap siya ng kanyang pintuan at hindi pa siya pumapasok. Iniisip niyang puntahan sana ito sa kanyang kuwarto kaya lang, malalim na rin ang gabi at baka maistorbo pa niya ang binata. Hindi niya inasahan ang kanyang nadatnan sa loob ng kuwarto. May malilit na tealight candles sa sahig at amoy-kape sa loob ng kanyang kuwarto. Napatutop si Nadja sa kanyang bibig ng tuluyan siyang makapasok sa loob. Nandoon si Inigo at nakaupo sa kanyang paboritong upuan. Naka-cross legs pa ito at hawak ang baso. “Inigo? What are you doing here?” Sinalubong niya si Nadja. Hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi at tila ba hinihingal pa ang lalaki. “I missed you so much, Nadja. I missed you! OO na ba an
Pagkatapos mag-shower ni Nadja ay minabuti niyang puntahan si Inigo sa kanyang kuwarto ngunit wala na ang lalaki doon. Nagmadali siyang bumaba. “Let’s eat.” “Darating sina Mama at Papa mamaya.” Sumubo ng spaghetti si Nadja. “I was on a hotseat. I was as if interrogated about your twins. Sinabi kong may lahi kaming kambal.” Nilinis ng lalaki ang labi nito ng maiwan ang sauce doon. “May lahi ba talaga?” “Yeah, may kakambal akong babae.” “Really!” Manghang-mangha si Nadja. “Babae o lalaki?” “Babae…” “Indentical o Fraternal…” “Fraternal twins kami.” “Huh, just like Holly and Mackie.” Hindi pa lang nagtatagal sa usapan ang dalawa ay dumating na sina Bob at Sophia. Tumayo si Nadja upang batiin ang mga magulang. Nakipag-beso rin si Inigo. “Kain po tayo!” aya ng lalaki. “Mukhang kagigigising lang ninyo ah!” “I’m tired during my flight. Gabi na rin po ako nakabalik dito.” “Sige, kumain ka na nga muna. Nasaan na ang mga bata?” Lumabas ang mag-asawa at tiningnan ang mga bata. Nags