“Akala ko ba uuwi na tayo?” “Saglit lang tayo doon, please! I’ll buy you coffee. Anong gusto mo? Masarap ang Capuccino nila doon.” “Tsss, tinatanong mo ako kung anong gusto ko tapos may kape ka palang ipo-promote. Sige, buy me coffee.” “Hindi mo ba ako sasamahan?” “Huwag na. Ayokong makinig sa mga girl talk ninyo. Magkasama na nga kayo sa Japan eh!” Wala siyang tiyaga sa usapan ng mga babae ngunit ang totoo, ayaw niyang makita siya ng kanyang mga tauhan. Mahirap na dahil baka magkaroon pa ng iskandalo at magkabukingan sa loob ng restaurant. Marami ring reporters ang nagsimulang maghanap kung sino si DJ Ana. Nahanap naman nila ang Unicorn Music ngunit malabong magsalita ang mga tao doon kung sino ang babae. Maraming kumalat na comment tungkol sa kanila. Pareho silang na-bash ni Rosanna. “Huwag mo nang tingnan ang mga comment nila tungkol sa iyo, DJ Ana. Kay Philip ka ba magtatrabaho?” Masinsinan siyang kinausap ni Philip. Sinabihan siya ng Japan Records na bibigyan ng pagkakatao
Umupo si Nadja sa buhanginan. Pinagmasdan niya sina Inigo at ang kanyang kambal. Tama nga ang obserbasyon ng kanyang kasambahay. Naitanong tuloy niya kumbakit nga ba kamukhang-kamukha nito ang bata. Maya-maya ay nakita niyang papalapit si Inigo at naupo sa tabi niya. “Penny for your thoughts!” Ngumiti lang si Nadja. Pareho nilang tiningnan ang mga bata habang sinasalubong nila ang mga alon. “Buti pa ang mga bata, malalakas ang loob ng salubungin ang alon. Pero habang tumatanda ang tao, gusto na niyang iwasan ang alon ng buhay. Masyadong malalakas ang alon, mataas at delikado.” “Bakit ka matatakot kung may kasama ka?” “Paano kong pareho silang matangay ng alon? Makakaligtas ba sila?” “Tiyak na isa sa kanila ang malakas ang loob at handang sagupain kahit na gaano pa kalakas ang hampas ng alon.” “So, malakas ang loob mo, ganoon ba?” Umiling si nadja at inismiran nito ang lalaki. “It’s nice to be back here. At least we all enjoy the waters. Ready ka na ba? Habol, Inigo!” Mabilis na
Nasagad ang pasensiya ni Victor ng marinig ang sinabi ni Sharko. Lakas- loob na nagtungo doon ang tauhan at ang abogado upang bigyan sila ng babala. “Sino ka ba Sharko para utusan kami? Gusto mo bang hindi na kayo makalabas ng buhay ng abogadong kasama mo?” Napalunok ng laway ang lalaki. “Paano ko masasabi kay Boss Victor ang pinasasabi mo?” “Hindi pa ba sapat na hindi ka na nakabalik para magsilbing babala sa kanya? Pero hindi naman ako masyadong brutal, Sharko. Fine, pero hindi pa rin ako naniniwala na buhay si Victor. Maliban lang kung siya mismo ang makaharap ko, face to face.” Halos maihagis ni Victor ang kanyang cellphone sa buhanginan ng umagang iyon. Hindi siya nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga kaganapan sa mag-anak na Santiago. Nararamdaman niyang na may konting pagdududa sa mama ni Nadja. Nasa aplaya na siya ng umagang iyon para mag-jogging. Nakasalubong pa niya ang mag-asawa. “Huh, good morning, Inigo!” “Good morning po, Mama, Papa.” Kumaway ang lalaki ngunit humi
Si Nadja naman ang nawala sa mood. Panay ang parinig nito kay Inigo at maging sina Bob at Sophia ay nagtaka sa inasal ng kanilang anak. “Ano bang nangyari at nakasimangot ang Ma’am Nadja mo, Nessa?” “Kasi Ma’am, may babaeng dikya sa pool, akala po namin eh nalulunod. Tinulungan naman ni Sir Inigo. Nag-dive sa tubig si Sir.” Napahinto si Nessa sa action nito. “O, tapos…anong nangyari?” “Hayun, akala po namin nalulunod. Sa tubig pa lang, naka-mouth to mouth na kay Sir Inigo bago pa umahon sa tubig. Hay naku, Ma’am Sophia muntik na pong kumulo ang tubig sa pool kanina.” “Muntik kumulo ang tubig sa pool?” “Gigil na gigil si Ma’am Nadja pero si Sir Inigo na po ang binalingan niya.” “NESSA! MANAHIMIK KA!” “Ay! Yes, Ma’am. Tatahimik na po ako. Zip na po ang bibig ko.” Pati mga bata ay nagulat sa sigaw ng ina. “That was so scary, Mommy!” Napahawak pa si Holly sa kanyang puso sa sobrang gulat. “She screamed like a ninja! Hiyah!” Nagtawanan pa ang magkapatid. Nakapagbanlaw na si Inig
ST. CATHERINE HOSPITAL VIP ROOM Muling umupo si Sharon sa tabi ni Max. Katatapos lang siyang i-check ng doctor. Hindi na masyadong nagtagal ang doktor sa loob ng kuwarto. Patuloy naman ang roaming ng mga nurse upang i-check kung may pagbabago sa kanya. Pinakatitigan ni Sharon ang wala pa ring malay na asawa. Hinaplos niya ang braso nito at saka siya ngumiti. “Max, magpapasko na. First time nating magkakasama pero ganito pa ang sitwasyon mo. Wake up now. Hindi ka pa ba napapagod? Gising na.” Yumuko si Sharon at hindi niya kinakaya ang kanyang kalagayan. Tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Lalo siyang nalungkot sa bawat araw na dumaraan dahil nananatili siyang naghihintay kung kailan gigising si Max. Nananatiling buo ang kanyang pag-asa hanggang nakikita ang asawa sa kama at maging ang tunog ng monitor. “Mahal na mahal kita, Max. Siya nga pala, mukhang may ibinabahay na ang anak mo. Marunong palang ma-in-love ang anak natin. Natagpuan na yata niya ang kanyang soulmate. Si Djana rin
Iniabot ni Sharko ang susi kay Nadja. Hindi niya kayang tumingin ng diretso sa babae lalo pa sa kanyang hitsura na parang matutulog na. Maganda sa loob ng kabahayan. Kitang -kita ang kasimplehan sa loob ng bahay at masasabi niyang maayos naman ang kalagayan ng kanyang boss. Maayos ang trato sa kanya dahil mukhang may sarili pa nga itong kuwarto. “Bakit po natin dito ipinasok si Sir? Hindi po ba ninyo siya itatabi?” “Tse! Shut up! Ano siya, sinusuwerte? Matapos niyang umuwi ng sobrang lasing, magagawa pa niyang tumabi sa akin. Dito siya.” Hindi na napigilan ni Nadja ang sarili dahil naiinis siya na lasing umuwi si Inigo. Dinig na dinig ni Sharko ang reklamo ni Nadja. Sumunod si Nessa upang ihatid sa labas ang lalaki. “Miss, puwede ko bang makuha ang number mo?” “Bakit po?” “Gusto ko lang i-update mo ako tungkol kay Sir.” “Kay Sir Inigo? Ha a, e, sige po.” Nagmadali na siyang umalis. Napabuga ng hangin si Sharko pagpasok sa loob ng kotse. Napapilig siya ng ulo dahil nakaharap niy
Paglabas nila ni Nadja sa kani-kanilang mga kuwarto ay napa-wow ang babae. Nakita niyang maayos manamit si Inigo kahit noong una pa lang. Pakanta-kanta pa ang mga bata sa backseat. Si Nadja pa ang na-out of place dahil trio sa pagkanta ang kambal at si Inigo. “Did you teach them the song?” Kumibot ang mga kilay nito. Mahal ng mga bata ang musika tulad ni Nadja. Maganda ang mga boses nila. “Behave kids. Maraming tao ngayon,” paalala ni Inigo sa mga bata. “Don’t worry, Inigo. They know what to do when they get lost.” Nakahanda ang pito ng dalawang bata. May backpack sila kung saan nakalagay ang mahalagang detalye nila. May wrist band sila na pasadya ni Nadja sa tuwing aalis sila. Mamamasyal ng gabi sina Nadja at Inigo na kasama ang mga bata sa Christmas Village sa bandang Makati Park Square. Nalaman lang iyon ni Inigo habang nanunuod sila ng mga bata. “Daddy, can we go there?” Niyaya siya ng mga ito na dalhin sila doon. Ipinangako niyang dadalhin sila doon kapag umuwi na si Nadja.
Tiyak na lahat ng mga tauhan nila ay nagdiwang din ng pasko bagama’t may naiwan para magbantay sa pinto ng kuwartong iyon. Madaling araw na ring nakauwi si Inigo. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan sa sitwasyon ng kanilang pamilya. Ni hindi niya masabi sa kapatid ang tunay na katayuan ng mga magulang lalo na ng kanilang ama. Dahil kahit hindi madalas umuwi ang ama, ang papa pa rin nila ang palaging hinahanap ni Victoria. Pagpasok niya sa bahay at nilibot niya ng tingin ang buong bahay. Noon ay gustong gusto na niyang gumaling upang makauwi na ngunit ng gumaling naman ay ayaw na niyang umalis ng mapalapit sa kanya ang mga bata maging si Nadja. Naupo siya sa unang bahagdan. Dinig niya ang katahimikan ng buong paligid. Nagsinungaling na lang siya ng makausap ang kapatid. Umiiyak pa ang kanyang mama ng marinig ang boses nito. “Huwag mo kaming alalahanin dito, Iha. Okay lang kami. Kayo ang mag-iingat at alagaan mo ang mga bata. Miss na miss ko na kayo. Pupuntahan namin kayo