Si Nadja naman ang nawala sa mood. Panay ang parinig nito kay Inigo at maging sina Bob at Sophia ay nagtaka sa inasal ng kanilang anak. “Ano bang nangyari at nakasimangot ang Ma’am Nadja mo, Nessa?” “Kasi Ma’am, may babaeng dikya sa pool, akala po namin eh nalulunod. Tinulungan naman ni Sir Inigo. Nag-dive sa tubig si Sir.” Napahinto si Nessa sa action nito. “O, tapos…anong nangyari?” “Hayun, akala po namin nalulunod. Sa tubig pa lang, naka-mouth to mouth na kay Sir Inigo bago pa umahon sa tubig. Hay naku, Ma’am Sophia muntik na pong kumulo ang tubig sa pool kanina.” “Muntik kumulo ang tubig sa pool?” “Gigil na gigil si Ma’am Nadja pero si Sir Inigo na po ang binalingan niya.” “NESSA! MANAHIMIK KA!” “Ay! Yes, Ma’am. Tatahimik na po ako. Zip na po ang bibig ko.” Pati mga bata ay nagulat sa sigaw ng ina. “That was so scary, Mommy!” Napahawak pa si Holly sa kanyang puso sa sobrang gulat. “She screamed like a ninja! Hiyah!” Nagtawanan pa ang magkapatid. Nakapagbanlaw na si Inig
ST. CATHERINE HOSPITAL VIP ROOM Muling umupo si Sharon sa tabi ni Max. Katatapos lang siyang i-check ng doctor. Hindi na masyadong nagtagal ang doktor sa loob ng kuwarto. Patuloy naman ang roaming ng mga nurse upang i-check kung may pagbabago sa kanya. Pinakatitigan ni Sharon ang wala pa ring malay na asawa. Hinaplos niya ang braso nito at saka siya ngumiti. “Max, magpapasko na. First time nating magkakasama pero ganito pa ang sitwasyon mo. Wake up now. Hindi ka pa ba napapagod? Gising na.” Yumuko si Sharon at hindi niya kinakaya ang kanyang kalagayan. Tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Lalo siyang nalungkot sa bawat araw na dumaraan dahil nananatili siyang naghihintay kung kailan gigising si Max. Nananatiling buo ang kanyang pag-asa hanggang nakikita ang asawa sa kama at maging ang tunog ng monitor. “Mahal na mahal kita, Max. Siya nga pala, mukhang may ibinabahay na ang anak mo. Marunong palang ma-in-love ang anak natin. Natagpuan na yata niya ang kanyang soulmate. Si Djana rin
Iniabot ni Sharko ang susi kay Nadja. Hindi niya kayang tumingin ng diretso sa babae lalo pa sa kanyang hitsura na parang matutulog na. Maganda sa loob ng kabahayan. Kitang -kita ang kasimplehan sa loob ng bahay at masasabi niyang maayos naman ang kalagayan ng kanyang boss. Maayos ang trato sa kanya dahil mukhang may sarili pa nga itong kuwarto. “Bakit po natin dito ipinasok si Sir? Hindi po ba ninyo siya itatabi?” “Tse! Shut up! Ano siya, sinusuwerte? Matapos niyang umuwi ng sobrang lasing, magagawa pa niyang tumabi sa akin. Dito siya.” Hindi na napigilan ni Nadja ang sarili dahil naiinis siya na lasing umuwi si Inigo. Dinig na dinig ni Sharko ang reklamo ni Nadja. Sumunod si Nessa upang ihatid sa labas ang lalaki. “Miss, puwede ko bang makuha ang number mo?” “Bakit po?” “Gusto ko lang i-update mo ako tungkol kay Sir.” “Kay Sir Inigo? Ha a, e, sige po.” Nagmadali na siyang umalis. Napabuga ng hangin si Sharko pagpasok sa loob ng kotse. Napapilig siya ng ulo dahil nakaharap niy
Paglabas nila ni Nadja sa kani-kanilang mga kuwarto ay napa-wow ang babae. Nakita niyang maayos manamit si Inigo kahit noong una pa lang. Pakanta-kanta pa ang mga bata sa backseat. Si Nadja pa ang na-out of place dahil trio sa pagkanta ang kambal at si Inigo. “Did you teach them the song?” Kumibot ang mga kilay nito. Mahal ng mga bata ang musika tulad ni Nadja. Maganda ang mga boses nila. “Behave kids. Maraming tao ngayon,” paalala ni Inigo sa mga bata. “Don’t worry, Inigo. They know what to do when they get lost.” Nakahanda ang pito ng dalawang bata. May backpack sila kung saan nakalagay ang mahalagang detalye nila. May wrist band sila na pasadya ni Nadja sa tuwing aalis sila. Mamamasyal ng gabi sina Nadja at Inigo na kasama ang mga bata sa Christmas Village sa bandang Makati Park Square. Nalaman lang iyon ni Inigo habang nanunuod sila ng mga bata. “Daddy, can we go there?” Niyaya siya ng mga ito na dalhin sila doon. Ipinangako niyang dadalhin sila doon kapag umuwi na si Nadja.
Tiyak na lahat ng mga tauhan nila ay nagdiwang din ng pasko bagama’t may naiwan para magbantay sa pinto ng kuwartong iyon. Madaling araw na ring nakauwi si Inigo. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan sa sitwasyon ng kanilang pamilya. Ni hindi niya masabi sa kapatid ang tunay na katayuan ng mga magulang lalo na ng kanilang ama. Dahil kahit hindi madalas umuwi ang ama, ang papa pa rin nila ang palaging hinahanap ni Victoria. Pagpasok niya sa bahay at nilibot niya ng tingin ang buong bahay. Noon ay gustong gusto na niyang gumaling upang makauwi na ngunit ng gumaling naman ay ayaw na niyang umalis ng mapalapit sa kanya ang mga bata maging si Nadja. Naupo siya sa unang bahagdan. Dinig niya ang katahimikan ng buong paligid. Nagsinungaling na lang siya ng makausap ang kapatid. Umiiyak pa ang kanyang mama ng marinig ang boses nito. “Huwag mo kaming alalahanin dito, Iha. Okay lang kami. Kayo ang mag-iingat at alagaan mo ang mga bata. Miss na miss ko na kayo. Pupuntahan namin kayo
Ngunit nanlaki ang mga mata ni Sharon. “Naku, okay na po si Mackie. Pumutok lang po ang ulo niya dahil sa pagbagsak niya.” paliwanag ni Nadja. Hindi makapaniwala si Sharon sa kanyang nakita. Kamukhang – kamukha ni Victor ang batang lalaki. Inakala ni Nadja na nagulat ito dahil sa nangyari sa kanya. Hindi na inistorbo ni Sharon ang bata. Ngunit nasulyapan nito ang isang batang babae na natutulog ng mahimbing sa sopa. “Sino naman ang batang ito? Ang cute naman.” “Ma, siya si Holly. Kakambal ni Mackie.” Napangiti si Sharon. Anggaan ng pakiramdam niya sa mga batang iyon. Tahimik silang naglakad sa pasilyo. Nanibago si Victor sa ina. “Dadalawin ko na lang po ulit si Papa mamaya. Tulog na po kayo at kapag okay na ang lahat, uuwi na tayo sa mansion.” “Victor…” “Yes, Ma.” Hindi nakatiis si Sharon bagkus ay kinompronta niya si Victor sa loob ng kanyang kuwarto ng ihatid siya ng anak. “Sabihin mo sa akin ang totoo, Victor. Sino ang ama ng mga bata?” “Love child sila ni Nadja, Mama.”
She was listening to her old songs. Iyon pa rin ang kakantahin niya mamaya. Naging masaya ang gabi. Puno ng tawanan at kumustahan. Maraming kuwento ang bawat isa ngunit ang tunay na pakay nila ay makitang muli ang pagbabalik ni Djana. “I am so excited about this.” “Whew, me too. I was so anxious to see the invitation.” “Who would have thought that after six years ay babalik pa siya. She could be living lavishly with extremely handsome husband.” “She must have a perfect life.” Lahat ay tila nainggit na isipin kung anong buhay ang mayroon siya ng anim na taon na iyon. Things changed between Rosanna and Nadja now. Huli nang pumasok sa venue si Rosanna at walang masyadong pumansin sa kanya. Pinagbulungan pa siya ng ibang reporter. “Bakit nandito siya?” Hinahanap niya ang kanyang kaibigan ngunit mukhang hindi siya naimbitahan sa party na iyon. Lumabas si Rosanna. “Inigo, right? Nandito ka, but I didn’t see DJ Ana here.” Kumibit-balikat ang lalaki. “Bakit ka nandito?” “Masyadong
Huminto ang kotse sa isang parking area sa dati nilang puwesto tuwing pupunta sila ng baywalk. Hindi na kinaya ni Nadja. Noon lang nakita ni Victor na umiyak ng matindi ang babae. “That Kelly, she sold me to a man I never know.” Hindi malaman ni Victor kung paano papayapain si Nadja. “Victor…” Pinahid niya ang luha ng babae. Tinitigan niya ang mga mata ng babae. Hindi niya maintindihan kumbakit kailangan niyang makaramdam ng guilty feeling. “Ano bang inaalala mo?” “Paano kung dumating siya? Paano kung paglayuin niya tayong dalawa?” “Hindi mangyayari iyon, Nadja. What is mine, is mine forever. Hindi kita hahayaan sa lalaking iyon.” Ngunit may pagdududa na si Victor sa mga pinatutunguhan ng lahat. Kailangan niyang makausap si Sharko sa lalong madaling panahon. Nagpaumaga na sina Nadja sa hotel. Madaling araw sila bumiyahe pauwi ng Cavite. Dumiretso na sila sa ospital. Doon na nakatulog ang mga bata. May damit na pamalit na rin doon si Nadja. “Aalis muna ako.” “Puntahan mo muna s