Share

CHAPTER 75

“Akala ko ba uuwi na tayo?”

“Saglit lang tayo doon, please! I’ll buy you coffee. Anong gusto mo? Masarap ang Capuccino nila doon.”

“Tsss, tinatanong mo ako kung anong gusto ko tapos may kape ka palang ipo-promote. Sige, buy me coffee.”

“Hindi mo ba ako sasamahan?”

“Huwag na. Ayokong makinig sa mga girl talk ninyo. Magkasama na nga kayo sa Japan eh!”

Wala siyang tiyaga sa usapan ng mga babae ngunit ang totoo, ayaw niyang makita siya ng kanyang mga tauhan. Mahirap na dahil baka magkaroon pa ng iskandalo at magkabukingan sa loob ng restaurant.

Marami ring reporters ang nagsimulang maghanap kung sino si DJ Ana. Nahanap naman nila ang Unicorn Music ngunit malabong magsalita ang mga tao doon kung sino ang babae. Maraming kumalat na comment tungkol sa kanila. Pareho silang na-bash ni Rosanna.

“Huwag mo nang tingnan ang mga comment nila tungkol sa iyo, DJ Ana. Kay Philip ka ba magtatrabaho?”

Masinsinan siyang kinausap ni Philip. Sinabihan siya ng Japan Records na bibigyan ng pagkakatao
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status