Share

CHAPTER 69

Umupo na si Dianna sa kanyang working table. Hindi niya kailangang hintayin si Hector bago kumilos.

"Nasaan ka na Djana? Bakit bigla kang nawala?" tanong nito sa sarili. Pumailanlang pa rin sa loob ng buong unit ang kanta ni Djana. Saka niya napansin na magkasingboses ni DJ Ana sa boses ng singer na palaging nakamaskara.

Tiningnan niya ang solo picture nito. Wala sa loob niya ang ginawa ngunit pinaglaruan niya ang ang larawan ni DJ Ana.

"DJ Ana…” Kinuha ang pentel pen sa lamesa at ginuhitan ng maskara upang takpan ang kanyang mga mata. Ikinumpara ang mga ito sa mga larawan sa internet.

“Hmmm, may pagkakahawig kay Djana.” Napahinto si Dianna. Paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Djana at DJ Ana ng ilang beses. Tumayo siya at nagparoo’t parito. At saka siya napahinto. Muling sinulyapan ang bondpaper kung saan niya sinulat ang ni Djana at DJ Ana.

“Gotcha! Why in the world, I didn’t think about it?” It was a puzzle to be solved. “So, you must be hiding for some reason. Huli ka!”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status