Share

CHAPTER 10-ESCAPE

Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jameson nang balewalain ni Roxanne ang kanyang supresa.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Nalulungkot niyang tanong. Iniharap niya rin ang asawa na umiwas ng tingin.

"Tigilan mo ako sa mga pakulo mo, Jameson."

Kagad itong naglakad papalabas ng kwarto. Nakasunod na naman si Jameson na parang buntot ng aso.

"Ma'am, Sir, handa na po ang inyong hapunan." Narinig nilang sabi ni Nanay Hilda, ang kanilang mayordoma sa mansyon.

"Sige po, Nay Hilda." Nginitian siya ni Roxanne na bumaba na para kumain ng hapunan.

Napapansin ni Nanay Hilda na parang hindi magkasundo ang dalawa. Tahimik lamang sila sa mesa na animo'y hindi nila nakikita ang isa't-isa.

"Ma'am, gusto niyo po bang iligpit ko ang mga bulaklak sa inyong kama sa vase?" Tanong ni Nanay Hilda.

"Pakitapon nalang po." Sagot ni Roxanne.

Napatingin ang matanda kay Jameson na walang reaksyon, "Sundin mo nalang ang gusto niya."

Naguguluhan si Nanay Hilda at hindi sanay na makita silang nagkakalabuan. Sinunod ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status