Share

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER
Author: Leigh Obrien

CHAPTER 1- CHEATING HUSBAND

Sa tatlong taong pagsasama ng mag-asawang Delgado ay ngayon lang sila naging handa na magkaroon ng anak dahil sa dami nilang pinagkaka-abalahan. Nakahiga ngayon sa malambot na kama si Roxanne at naghihintay kay Jameson na naliligo pa sa banyo.

"Magugustuhan niya kaya ito?" Nakasuot siya ng isang sexy outfit para ganahan ang kanyang asawa na makipagtalik.

Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng phone ni Jameson sa mesa kaya kinuha niya ito. Binuksan niya ang messaging app at nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng nakita.

*Come here, daddy. Treat me like your one and only whore.*

Kasama ng mensahe ay malaswang litrato ng babae. Namumukhaan niya naman na ito ay ang sekretarya ng kanyang asawa.

Nagulat naman si Roxanne nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Jameson mula sa likuran at nakikiliti siya sa pagkagat nito sa kanyang taenga.

"Come on, honey. Hindi na ako makapag-hintay na magka-anak tayo." Bulong nito at patuloy siyang hinahalikan pababa sa kaniyang leeg. Hindi magawa ni Roxanne na umiwas dahil bigla siya nitong binuhat pabalik sa kama.

"Wow. Ang sexy ng asawa ko." Nanggigigil si Jameson na makita ang suot ni Roxanne kaya mas lalo siyang nagnanasa.

Ngunit napansin niya na parang naiilang si Roxanne kaya tumigil siya, "What's wrong honey? Parang bigla kang nanlalamig?"

Ipinakita naman ni Roxanne ang phone. "Anong ibig sabihin nito?" Deretsahan niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Jameson at hinablot ang phone sa kamay niya. Hindi inasahan ni Roxanne na tatawagan ni Jameson ang babae sa harapan niya.

"I'm not aware that my secretary is now a slut. How dare you send this to me?? I'll fire you if you do this again, Savannah Gomez." Seryosong sabi ni Jameson sa kabilang linya.

"I'm so sorry, Sir Jameson. Hindi ko po sinasadya. Para 'yun sa boyfriend ko, na-wrong send lang po sayo." Narinig ni Roxanne ang boses ng babae na nagmamakaawa na huwag siyang tanggalin sa trabaho.

Matapos ng tawag na iyon ay binaling ni Jameson ang atensyon pabalik sa asawa na alam niyang nagdududa. "Honey, nagkamali lang iyong tao. Kung hindi ka comfortable then bukas na bukas, ipatatanggal ko siya sa trabaho, okay?"

Tumango si Roxanne na hindi malaman kung bakit naninikip pa rin ang kanyang dibdib kahit napatunayan na ng asawa na isa lang iyong aksidente.

Hinahalikan siya ulit ni Jameson sa labi at sinubukan ni Roxanne na sumagot ngunit mismong katawan niya ay umaayaw.

"Honey, I don't feel okay. Puwede bang bukas nalang natin ituloy?" Ani niya at nakita niya ang mukha ng asawa na hindi maipinta.

"Okay, hindi naman kita pipilitin. Mauna ka nalang matulog dahil may aasikasuhin lang akong bagay." Nagpaalam si Jameson at iniwan siyang mag-isa sa kwarto.

Napabuntong-hininga si Roxanne kung bakit lagi nalang nauudlot ang mga plano nilang mag-asawa. Espesyal sana ang araw na ito dahil third anniversary na ng kanilang kasal pero nasira nang dahil lang sa isang mensahe.

Nakatulog si Roxanne ng ilang oras ngunit bigla siyang nagising sa malakas na pagkulog ng kalangitan sa labas. Napatingin siya sa orasan at alas tres na pala ng umaga. Napalingon siya sa gilid at napansin na wala ang kanyang asawa sa tabi. Nagtataka tuloy siya kung bakit nagtatrabaho pa ito ng ganitong oras.

Napatayo siya sa kama at balak na puntahan ang office ni Jameson ngunit biglang tumunog ang kanyang phone. Nakita niyang isa iyong friend request pero hindi siya pamilyar kaya naisipan niyang i-decline ito pero napindot niya ang accept button.

Kinabahan si Roxanne dahil mabilis na nag-message ang account na iyon at kinakabahan siyang basahin ang mga ito.

*Wala ba sa tabi mo ang asawa mo? Hala! Kawawa ka naman. Malamig pa naman ngayong gabi kasi umuulan. At dito pinili ng asawa mong magpainit. Ang sarap ko kasi.*

Napalunok ng laway si Roxanne na mabasa iyon at lumabas siya ng kwarto para pumunta sa mini-office ngunit wala siyang matagpuan na bakas ng asawa. Kumukulo ang dugo niyang nag-reply doon sa chat.

*Sino ka ba? At nasaan ang asawa ko?*

Natataranta ngayon si Roxanne na hindi mahanap sa loob ng bahay si Jameson at alam niyang pumunta iyon sa lugar na hindi niya alam.

Nagbigay naman ng address ang babae kaya hindi nagdalawang-isip si Roxanne na puntahan ang lugar na iyon kahit maulan sa labas. Kumuha siya ng coat at dali-daling lumabas ng mansiyon.

Nagmamaneho si Roxanne ng sasakyan sa kalagitnaan ng malakas na ulan papunta sa isang rest house na malapit lang sa kanilang village. Ilang minuto ang dumaan ay narating niya ang lugar iyon at naglakas-loob siyang pumasok dahil bukas ang pintuan.

Pagpasok niya sa salas ay may makikita siyang nagkalat na damit sa sahig. Nakita niya pa ang sapatos ng asawa. Nanunuyo na rin ang lalamunan niyang magpatuloy at hindi pa siya nakaka-abante. May naririnig na siyang umuungol kaya tinatagan niya ang sarili sa masasaksihang pangyayari.

Nakabukas ng kaunti ang pintuan ngunit makikita ni Roxanne ang lalaki na nakapatong sa babae na binabayo ito ng mabilis. Habang ang babae sa ilalim ay malakas na umuungol at makikitang tumatalbog ang kanyang dibdib na hinihimashimas ni Jameson.

Naestatwa si Roxanne na pinapanood ang ginagawang milagro ng kanyang asawa at ng sekretarya nito. At sa sobrang nilang pagpapasarap ay hindi nila napansin kung sino ang nakatayo pintuan.

Umagos ang mga luha ni Roxanne na inalala ang araw ng kanilang kasal na kung saan nangako si Jameson na hindi siya nito sasaktan. Nagtiwala siya ng lubusan dahil naramdaman niya ang pagmamahal niya ngunit ngayon niya lang napagtanto na isang malaking pagkakamali na nagpakasal siya sa isang lalaking nagbabalat-kayo.

"Ang sarap mo, Savannah. AHHHH." Narinig niya ang pag-ungol ng asawa na malapit ng labasan.

"Iputok mo na sa loob." Pagmamakaawa ng babae.

Hindi na nakayanan ni Roxanne na panoorin sila kaya kaagad siyang umalis. Nagmamaneho siya papunta sa downtown at tinawagan ang kanyang kaibigan na si Grace na nagmamay-ari ng isang bar.

Mayamaya pa, nakarating si Roxanne doon at sinalubong siya ni Grace na hindi makapaniwala sa kanyang ibinalita.

"Seryoso ka talaga, Roxx? Si Jameson papatulan ang sekretarya niya? Akala ko pa naman matino 'yun. Hay nako! Basta mga letter J talaga, mga red flag." Pilit na pinapagaan ni Grace ang kanyang kalooban.

"Hindi ka rin makapaniwala no? Kasi ako oo. Never ko naisip na magagawa niya akong lokohin, pero ang tanga ko talaga na napaniwala sa mga kasinunggalingan niya." Napainom si Roxanne ng alak ng wala sa oras at nag-aantay na tamaan ng kalasingan para makalimot kahit panandalian.

"So anong gagawin mo, Rox?" Tanong ni Grace.

"Syempre hihiwalayan ko siya. Anong tingin niya sa akin, maghahabol matapos niya akong lokohin??" Dikta ni Roxanne. "Madali lang naman siguro maka-move on. Ikaw nga hiwalay kay Robert pero tignan mo, masaya ka na ngayon."

"Gaga ka! Hindi ganoon kadaling mag-move on." Dikta ni Grace

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status