Share

CHAPTER 7-PLANS

Nanigas si Jameson sa kanyang kinatatayuan nang makita si Devon. Binitiwan niya rin si Roxanne na inaayos ang nagusot niyang damit.

"What are you doing here?" Tanong ni Jameson.

"Napadaan lang ako and I notice you're harassing your wife." Sagot ni Devon at napatingin sa hitsura ni Roxanne na kanina niya pa napapansin na wala sa sarili.

Naningkit ang mga mata ni Jameson na hindi nagustuhan ang narinig, "Ano bang pinagsasabi mo? I'm just having a good time with my wife. Right?" Nilingon niya si Roxanne na napipilitang tumango.

"Really? It seems like she's not happy at all. She looks miserable." Pinagtaasan siya ni Devon ng kilay.

"Tsk. I already warned you, Devon. Huwag na huwag kang mangingialam sa buhay ko. Lalo na sa asawa ko." Paalala ni Jameson. Kinuha niya ang kamay ni Roxanne at akmang aalis pero hinarangan siya ng kapatid.

"You're right. Wala akong karapatan na mangialam, but I won't tolerate you hurting a woman." Sambit nito at binigyan siya ng isang matalim na tingin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status