Share

CHAPTER 5-FAMILY DINNER

Matapos makapaghanda ni Roxanne ay bumaba na siya ng hagdan at nasa ibaba si Jameson na tinignan siya mula ulo hanggang paa. Simple lamang ang suot niyang pulang dress ngunit ang elegante ng kanyang hitsura. Inalalayan din siya ng asawa na binuksan ang pintuan sa front seat.

"I'm very sorry, hindi ko gustong saktan kita pero ayaw kong mawala ka sa tabi ko." Sambit ni Jameson at kinuha ang palad niya para halikan.

Nanahimik lang si Roxanne at nagtitiis muna dahil hindi pa siya makakatakas sa ngayon. Naghihintay din siya ng update kay Grace na tinutulungan siyang maghanap ng maari niyang pasukang trabaho sa Japan.

Sa gitna ng pagmamaneho ni Jameson, napansin niyang nakatutok si Roxanne sa phone na parang may ibang kausap kaya bigla niya itong hinablot.

"Ano ba!" Nagulat siya at sinubukan itong kunin.

Nabasa ni Jameson ang mga text ni Roxanne sa kaibigan, "Balak mong mag-japan? Ano trabaho mo dun, magbenta ng katawan?" Pang-iinsulto niya pa.

Napangisi si Roxanne sa kaniyang naisip, "May respeto naman ako sa sarili kaya hindi ko magagawang magbenta ng laman. Eh, ikaw nga itong walang dignidad na kahit sekretarya pinapatulan." Pambabanas niya.

"Shut up." Napipikon naman si Jameson kaya tinigilan niya ng inisin ito.

Dumaan ang ilang minuto, narating nila ang mansyon ng pamilya Delgado na kung saan ay nagtitipon ang mga mayayaman. Isa si Jameson Delgado na ipinagmamalaki ng pamilya dahil nagmamay-ari ito ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isinasama niya naman si Roxanne na hindi komportable sa mga ito na pinipintas ang kanyang pinanggalingan.

Sa pagparada ni Jameson ng sasakyan, nagulantang sila ng biglang may umarangkada na itim sasakyan sa harapan. Napansin ni Roxanne ang galit na reaksyon ng asawa na mabilis na lumabas.

"Devon!" Sigaw nito at nanlaki ang mata ni Roxanne dahil nakita niya rin ang lalaking lumabas sa tapat.

Naisip ni Roxanne na manatili lang sa loob dahil hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap matapos ang nangyari sa kanilang dalawa ni Devon.

"What's up? Brother." Sarkastikong bati ni Devon sa nakababatang kapatid.

"Wala akong maalala na may kapatid akong sinto-sinto." Inis na sabi ni Jameson tsaka lumingon sa sasakyan at hinihintay si Roxanne na lumabas.

Walang magawa si Roxanne kung hindi sumunod sa labas at inuyuko ang ulo dahil sa matinding kahihiyan. Napansin naman ni Jameson ang malalagkit na mata ni Devon kay Roxanne.

"Stop staring at my wife." Suway ni Jameson ngunit hindi siya pinansin ni Devon.

Nagpatuloy silang pumasok sa loob at napatingin ang lahat kay Devon na nakakapukaw pansin dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Ngunit wala ni sinong makalapit dahil kilala siya bilang mabangis at delikadong businessman.

"Huwag kang didikit sa lalaking 'yan." Mahinang sabi ni Jameson na ipinaupo si Roxanne sa kaliwang table na malayo kay Devon.

Naiinis si Roxanne sa ikinikilos ng asawa niyang nababahala sa presensya ng kapatid. "Bakit ba? Ikaw nga itong mismong dumidikit sa mga higad."

"Manahimik ka, Roxanne. Huwag na huwag kang gagawa ng eskandalo dito." Babala ni Jameson at inirapan siya ng babae.

Nakihalubilo si Jameson sa ibang tao at naiwan si Roxanne sa table na nakatingin sa masasarap na pagkain ngunit wala siyang ganang kumain.

"Roxanne," Napalingon siya ng tawagin ni Mrs. Julie Delgado ang ina ng magkakapatid.

"Good evening po." Napatayo si Roxanne at nagbigay galang. Naiilang siya sa donya ngunit magaan naman ang loob niya dito dahil mabait itong makitungo.

"Natutuwa akong makita ka ngayong gabi. Halika, nandoon si mama at papa. They'll be happy to see you." Dinala naman siya nito sa table na nakaupo ang mga matatanda.

Nakaupo rin doon si Devon na hindi mapigilan na mapatingin kay Roxanne na nagmamano sa matatanda. Habang si Jameson ay nilapitan si Roxanne at hinawakan sa beywang na gustong ipakita na pagmamay-ari niya ito.

"Mabuti pa ang kapatid mo, Devon. Mayroong sariling kompanya at magandang asawa. Baka magkaroon na rin sila ng anak. Ikaw anong plano mo sa buhay? Malapit ka ng mag-trenta pero hindi ka pa rin nakakapag-asawa." Sabi ni Grandpa Gerald at napahiya si Devon sa harapan ng mga bisita.

"Bihira ka lang makakita ng mga magagandang babae mula probinsiya," Dagdag pa ng matanda at nakaramdam ng hiya si Roxanne dahil bigla silang nagtatawanan at sumabay pa si Jameson.

Ngunit natahimik sila nang biglang magsalita si Devon, "Hindi lang siya maganda, perpekto siyang asawa."

Napakurap si Roxanne na napatingin sa kaniya habang napansin ni Jameson ang kakaibang pagtitig ng kapatid na nagdulot sa kanyang makaramdam ng matinding selos.

"S'yempre naman kaya ang swerte kong lalaki dahil siya ang napangasawa ko." Pagmamalaki ni Jameson at biglang hinalikan si Roxanne sa harapan nila. Naririndi naman si Roxanne na kailangang magpanggap na parang wala silang problema.

Kung wala lang sanang madadamay ay ibubunyag niya ang totoo ngunit ang tanging magagawa niya sa ngayon ay mag-antay ng oportunidad na makatakas.

"Maghanap ka dapat ng ganyan kagandang babae pero 'yung galing sa mayamang pamilya." Suhestiyon ni Auntie Diana na tanging nagustuhan lang kay Roxanne ay ang natatanggi nitong ganda.

"Hindi naman nasusukat sa yaman o hitsura ang halaga ng tao, what I'm looking for a woman is someone with a golden heart." Seryosong sabi ni Devon, napapagod na makinig sa kanilang pandidikta.

"You have to be practical, Devon. You need a rich wife who will save your crumbing company. Hindi ka na puwedeng umasa sa amin dahil matanda ka na." Naiinis na sabi ni Grandpa Gerald.

"Is that why you married Grandma because she came from a rich family?" Sarkastiko tanong ni Devon at uminit ang ulo ng matanda.

"Your getting on my nerves again!" Suway ng matanda at pinakalma siya ng asawa.

"Bakit ako ang laging pinag-uusapan dito? Pansinin niyo naman ang magaling niyong apo." Parinig ni Devon kay Jameson.

"Mas mabuti pa nga. Kaya kailan ang balak niyong magka-anak, Jameson? Huwag niyo na sana ng patagalin dahil malapit na kami sa finish line." Pagbibiro ng matanda.

Natatawa naman si Jameson na hinawakan ang kamay ni Roxanne sa ilalim ng mesa, "Mapagbiro ka talaga, Lolo. Well, me and my wife are planning to have a baby this year. Diba honey?" Pagbabahagi niya habang pinisil ang kamay ni Roxanne.

"Totoo ba iyon, Roxanne? Nakakatuwa naman!" Masayang sabi ni Madame Julie na matagal ng naghahangad na magkaroon ng apo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status