Share

CHAPTER 4-CRUEL HUSBAND

"Bitawan mo ako!" Nasasakal si Roxanne na pinipilit ng kanyang asawa na makipagtalik.

Tinanggal ni Jameson ang tapis niyang tuwalya at nang makita ang kanyang mga dibdib ay pinaghihimas niya ito.

Sumagi ulit sa isipan ni Roxanne ang eksena ng kanyang asawa na nakikipagtalik sa sekretarya. Naluluha siyang tinutulak ang asawa. "Jameson! Tumigil ka na!"

Napasinghap naman siya ng hawakan nito ang kaniyang pang-ibaba ngunit wala siyang maramdamang sensasyon at ibang-iba ito sa ginawa ni Devon na marahan itong pinaglalaruan.

"Jameson, tama na sabi!" Naiiyak niyang banggit sa pangalan ng asawa na ayaw tumigil. Gigil na gigil itong bumawi pero kahit anong gawin niya ay nandidiri si Roxanne dahil sa pagtikim nito sa ibang putahe.

Nanigas si Roxanne na pinatungan ng desperadong asawa na sinusubukan ibalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Ngunit sa mga oras na ito, nakita ni Jameson ang takot sa mga mata niya at alam niyang hindi siya nito madaling mapatawad.

"Ano ba ang magagawa ko para mapatawad mo ako?" Seryoso tanong ni Jameson habang tinitigan siya sa mata.

"Hinding-hindi kita mapapatawad." Pagdidiin ni Roxanne at uminit ang ulo ng lalaki na marinig ito.

Napatayo sa kama si Jameson at nagbihis. Lumabas ito at padabog na isinara ang pinto. Nanatiling nakahilata si Roxanne sa kama na nakatulala sa kawalan, natatakot na baka makulong sa ganitong buhay.

Naiiyak siyang nagbihis dahil nakikita niya ang wedding picture nilang mag-asawa na nakadikit sa dingding. Mas lalo siyang napapaiyak dahil naaalala ang mga masasayang araw na hindi na muling maibabalik.

Sa mga sumunod na araw, mapag-isa si Roxanne sa mansyon dahil nag-business trip sa Singapore si Jameson. Habang wala siya ay dumiskarte si Roxanne na maghanap ng trabaho dahil balak niyang magpakalayo-layo kapag mayroon na siyang ipon. Hindi kasi siya mahilig manghingi ng pera sa asawa.

Kasama niya ngayon si Grace na tinutulungan siyang maghanap ng trabaho, "May natapos ka namang kurso kaya magagamit mo ang diploma mo. Puwede ka nga mag-apply bilang isang sekretarya ng kompanya eh."

"Puwede naman pero kailangan kong umiwas sa mga lugar na maari niya akong makita. Mas mabuti pa nga mag-abroad kaagad ako, puwede sa Japan." Nagbabalak na siyang tumakas habang mas maaga pa pero nag-aalala siya na baka masundan siya ni Jameson.

"Ikaw bahala besh. Basta support kita kahit anong plano mo. Ang problema lang sa ngayon is papaano mo hihiwalayan ang lalaking iyon?"

"Magpapatulong ako sa korte. May laban ako dahil nakiapid siya sa iba at may malaki akong tyansa na manalo." Naniniwala si Roxanne na papanig sa kanya ang hustisya.

Isang gabi, habang nag-iimpake siya ng gamit ay biglang dumating si Jameson. Ngayon lang sila ulit nagkita matapos ang isang linggo.

"Tingin mo hahayaan kitang lumayas?" Matalim ang tingin ni Jameson habang hinuhubad ang kanyang necktie.

"Ano namang gagawin ko dito tumunganga? Tsaka nandito ka rin naman, pirmahan mo na ito para tapos ang usapan." Inilabas ni Roxanne ang divorce agreement paper at ipinatong ito sa mesa.

Kinuha naman ito ni Jameson at pinagpupunit, "Sinabi ng ayaw ko. Mabuti pang magbihis ka na dahil pupunta tayo sa Valencia."

Naalala naman ni Roxanne na araw ito kung saan ay may family dinner ang buong pamilya Delgado taon-taon.

"Ayaw kong sumama, baka gagawa lang ako ng eskandalo doon." Nagpatuloy siya sa pagtutupi ng damit at isinilid sa maleta.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Roxanne. Pagsisisihan mo kung ginalit mo ako." Pananakot nito at pinagkakalat ang kanyang tinuping damit.

"Balak mong lumayas? At saan ka matutulog? Sa kalsada? Alalahanin mo wala kang kakayahang buhayin ang sarili mo. Umaasa ka lang sa akin at kung wala ako matagal ka ng namatay sa gutom!" Dikta ni Jameson.

Kumuyom ang mga kamao ni Roxanne na pinakinggan ang kanyang pamamahiya. "Baka nakakalimutan mong ako rin ang bumubuhay sa ama mong nasa hospital. Kaya mo bang bayaran ang milyon-milyon na bayarin ng pasyente? Kaya mag-isip ka ng mabuti dahil hindi mo kilala ang binabangga mo."

"Tama ka nga, hindi ko alam na isa ka palang demonyo!" Sigaw ni Roxanne at nakatanggap siya ng isang malakas na sampal.

"At ngayong alam mo na kung sino ako. Mag-umpisa ka ng magdasal dahil impyerno ang aabutin mo kung hindi ka susunod sa mga gusto ko." Nagdulot ito ng takot kay Roxanne dahil ang lalaking mala-anghel na nakilala niya noon ay unti-unti ng nagpakita ng sungay at mahihirapan si Roxanne na putulin ito.

"Please, bitawan mo na ako. Maghanap ka nalang ng ibang babaeng matitiis ang kasamaan mo. Maawa ka sa'kin may mga pangarap pa akong gustong tuparin na matagal mo ng hinahadlangan." Sinubukan ni Roxanne na magmakaawa pero wala siyang makikitang awa sa mga mata nito.

"Tigilan mo ako, Roxanne. Balak mo lang kunin ang yaman ko pero hindi ako makakapayag." Isip ni Jameson na iniisahan siya ni Roxanne dahil kapag nagkataon na maghiwalay sila ay mahahati ang kanyang yaman.

"Hindi ako mukhang pera katulad mo! Wala akong ibang hinahangad kung hindi ang kalayaan ko kaya bitawan mo na ako!" Nanggagalaiti na si Roxanne dahil sa katigasan nito.

Biglang kinuha ni Jameson ang phone niya sa bulsa at may tinawagan, "Hello? This is Jameson Delgado, I would like to cut the payment for my father-"

"Jameson!" Pinigilan siya ni Roxanne na naluluhang napailing na huwag idamay ang kanyang ama na nasa kritikal pa rin na kondisyun matapos magkaroon ng lung cancer.

"At hahamunin mo pa ako? Roxanne, hindi ako nagbibiro. Kung magmamatigas ka, magmamatigas din ako." Ipinakita ni Jameson kung gaano kalakas ang kanyang impluwensiya. Napahakbang siya papalapit kay Roxanne na nanginginig sa galit.

"Kahit saan ka magpunta, susundan ka ng anino ko." Hinawakan niya ang pisnge ng asawa at hinaplos.

"Kaya honey. magbihis ka na dahil may naghihintay sa atin." Pag-uulit nito tsaka iniwan siya para makapaghanda.

Parang mawawalan ng malay si Roxanne dahil sa nasaksihan niyang kasamaan ng asawa na magagawang idamay ang mga mahal niya sa buhay.

Napaupo siya ngayon sa harapan ng salamin at inaayos ang sarili. Tinatakpan niya ng make-up ang kanyang malungkot na mukha. Ngunit sunod sunod na pumatak ang luha niya dahil nagawa siyang pagbuhatan ng kamay ni Jameson.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status