Share

CHAPTER 3-CONFRONTATION

Pagsapit ng alas sais ng umaga, naisipan ni Roxanne na bumalik sa mansiyon kahit hindi niya gustong makita ang asawa. Tinatawagan din siya nito pero hindi niya sinasagot dahil baka makabitaw siya ng masasamang salita.

Naglalakad siya papalabas ng hotel at bigla siyang napatago sa gilid nang makita si Devon na naglalakad papunta sa nakaparadang sasakyan.

"Jusko. Muntik na talaga 'yun kagabi." Usal niya, hindi pa rin makalimot sa kabaliwang nangyari kagabi.

Dali-daling sumakay si Roxanne ng taxi na nakaparada sa labas at nagpahatid pabalik sa Orange Groove village. Nag-ring ulit ang kanyang phone dahil sa katatawag ng asawa pero pinatayan niya ito pero nang makita ang pangalan ni Grace sa caller ID ay kaagad niya itong sinagot.

"Kamusta besh? Umuwi ka na ba sa asawa mo. Este sa soon to be ex-husband mo?" Tanong ni Grace.

"No choice, besh. Uuwi ako sa ngayon pero aalis din ako kaagad. Hindi ako mananatili doon. Tsaka nga pala, may nakakaloka akong ikukuwento sayo sa susunod. Tungkol sa kapatid ni Jameson." Tugon niya.

"Yung si Devon ba 'yun? Hala siya. Sige I'll wait sa chika tsaka balitaan mo ako kung hiwalay na kayo ha, kasi i-rereto kita sa iba para madali kang makapag-move on." Nagtatawanan silang dalawa sa naisip niyang iyon.

Pagbalik niya sa mansyon, pa-simple siyang pumasok sa loob at sinalubong siya ni Jameson na akma siyang yayakapin pero umiwas si Roxanne kaya nabigla ito.

"Honey? Saan ka ba nanggaling? Kagabi pa kita tinatawagan ah." Tanong nito pero wala siyang nakuha ng sagot.

"At iniiwasan mo na ako?" Inis niyang sabi. Ngayon niya lang nakita ang pagiging mailap ng asawa na palaging sweet sa tuwing kasama siya.

"Nakakainis kasi na kung makapagsalita ka parang hindi ako puwedeng gumala sa oras na gusto ko. Eh, ikaw nga itong umaalis gabi-gabi." Tugon ni Roxanne na naghahanap ng damit sa cabinet para magpalit.

Napansin naman ni Jameson ang suot nitong panlalaki. "Why are you wearing that clothes? Don't tell me may kasama kang ibang lalaki kagabi?" Seryoso niyang tanong at isang halakhak ang narinig niya kay Roxanne.

"Baka ako ang dapat magtanong n'yan sayo?" Napailing si Roxxane sa kapal ng mukha niyang magmaang-maangan.

"Ayan ka na naman eh. Pinagdududahan mo parin ako."

Naubusan na ng pasensiya si Roxanne at kinumprunta ang lalaki, "Aba! Namamangha ako sa galing mong magsinungaling! Kagabi nahuli kitang kasama mo ang sekretarya mo na sinabi mong hindi ko dapat ipag-alala."

Wala ng takas si Jameson sa kaniya kaya mukha itong nagmamakaawang aso, "Honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadya iyon. Nadala lang ako sa tukso."

Nandilat ang mga mata ni Roxanne na marinig ang basura niyang palusot, "Hindi mo pala sinasadyang kaskasin ang kabit mo?? Siraulo ka pala! Nakakadiri ka, Jameson!" Pinaghahampas niya ito ng unan dahil sa silakbo ng galit.

Lumuhod si Jameson at hinawakan ang kanyang kamay, "Huwag na huwag mo'kong hahawakan. Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? I have no idea na all this time, sa ibang babae ka nakikipag-sipping kapag umaayaw ako?! Hayop ka!" Napahagulhol si Roxanne na gustong marinig ang dahilan kung bakit siya nito pinagtaksilan.

"Honey, ikaw pa rin ang mahal ko." Inaakala ni Jameson na madadala si Roxanne sa mga pang-uuto niya. "Mga pampalipas oras ko lang sila."

"Mahal mo ako tapos nakikipag-jugjugan ka sa mga babae mo? Nakakadiri ka talaga! Akala ko matino ka pero mas masahol ka pa sa hayop! Maghiwalay na tayo!" Determinado si Roxanne na iwan ito dahil hindi niya matitiis na manatili sa isang lalaking tulad niya.

"No! Hindi ako papayag na maghihiwalay tayo. Mananatili ka lang dito sa akin." Napatayo si Jameson na nanggagalaiti. "Wala kang magagawa kung hindi patawarin ako dahil ako ang asawa mo. Maliwanag ba?"

Parang nabibingi si Roxanne sa pinagsasabi niya at pagod na pagod siya dahil napuyat kagabi kaya dumeretso siya sa banyo para magpalamig ng ulo.

Nag-shower siya sa loob at hindi maiwasang mapaiyak dahil sa kalokohan ng asawa. Hindi niya lubos maisip kung bakit umabot sa ganito. Hindi naman siya nagkulang na ibigay ang gusto niyang pagmamahal. Inisip nalang ni Roxanne na tapusin ang lahat at naniniwalang kakayanin niya itong malampasan.

Matapos na mag-shower, nagtapis siya ng tuwalya at nakita si Jameson na nanatiling nakaupo sa kama. Nakatutok ang mga mata nito sa balingkinitang katawan ni Roxanne. Malambot at makinis din ang kutis nito, perkpekto pa ang maamo niyang mukha. Nakaramdam si Jameson ng init sa katawan at hindi mapigilan ang kapusukan.

Napatayo ito para lapitan si Roxanne, "Honey, please. Listen to me." Malambing nitong sabi habang niyayakap ito mula sa likuran. Umaasang mahulog ulit ito sa kanyang patibong.

"Jameson, lumayo ka sa akin." Inilayo ni Roxanne ang sarili dahil para siyang masusuka sa tuwing hinahawakan siya ng madudumi nitong mga kamay.

"Roxanne, ituloy na natin ngayon. Gusto mo diba magkaroon ng baby?" Patuloy nitong paglalambing, "Gagawa tayo ng maraming anak, diba?"

Napahinto si Roxanne sa pag-b-blower ng buhok, "Oo gusto ko pero wala akong planong magka-anak sa tulad mong lalaki na manloloko." Pagkaklaro niya.

Kumulo ang dugo ni Jameson na marinig iyon, "Anong sinabi mo?" Hinila niya si Roxanne at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang-balikat.

"Bingi ka ba? Sinabi kong ayaw kong magkaroon ng pamilya sayo. Hindi ko masikmura na makasama ka kaya maghihiwalay tayo. At hindi na magbabago ang isip ko."

Makikita ni Roxanne ang galit sa mga mata niya pero hindi siya nagpasindak at nilabanan niya rin ito. "Baka nakakalimutan mong pamamahay ko ito at ako ang laging masusunod."

"Wala akong pakialam kung pamamahay mo ito, Jameson. May karapatan akong magdesisyun para sa sarili ko." Giit ni Roxanne at namangha si Jameson sa tapang niya.

"Gawin mo ang gusto mo pero hindi ka makakatakas sa katotohanan na kasal ka sa akin at walang makakaputol nun." Nagbabanta na ang kanyang boses.

"At anong bisa ng kasal natin kung sinira mo 'yung sagradong pangako mo sa Diyos na hindi mo ako sasaktan? Mahiya ka sa mga sinasabi mo, Jameson. Hindi ko hahayaang ikulong mo lang ako sa piling mo. Makakatakas ako!"

Matapos niyang magsalita ay bigla siyang pinaghahalikan ni Jameson at nahihirapan siyang kumawala dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Sa ayaw mo man o sa hindi. Mananatili ka dito sa mansyon kasama ako."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status