Share

Chapter 34

Mavi Pov

"Hey! Mavi, are you with me?" Nagulat ako nang malakas na ipinitik ni Arthur ang kanyang dalawang daliri sa harap ng mukha ko. Nasa loob kami ng meeting room para sa monthly meeting ng buong team niya. Nasa loob nga ako ng meeting room ngunit wala naman dito ang aking isip. Naroon at naglalakbay sa taong walang kasiguraduhan kung magiging maligaya ba ako sa kanya.

"Yes, Sir Arthur?" nagulat na tanong ko sa kanya. Sir Arthur ang tawag ko sa kanya dahil may mga kaharap kaming ibang tao. Ngunit mas nagulat ako nang makita kong walang nang tao sa loob ng meeting room maliban sa aming dalawa. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang natapos na pala ang meeting at naglabasan na pala sa meeting room ang mga empleyado ng kompanya na um-attend sa meeting.

"What's in your mind, Mavi? Ilang araw ko nang napapansin na parang wala ka sa sarili. Laging malalim ang iniisip mo. May problema ka ba?" hindi napigilang tanong niya sa akin sa tonong may halong concern.

"I'm sorry, Arthur. In
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status