Share

Chapter 37

Mavi Pov

"I will miss you, my friend. Kapag mainis ka ulit sa lalaking iyan ay bumalik ka lamang dito. Alam mo naman na palaging bukas ang pintuan ng bahay ko para sa'yo," sabi ni Lotlot nang ihatid niya ako hanggang sa labas ng kanyang bahay.

Pagkatapos akong iligtas ni Alpha Magnus sa kamay ni Alpha Abner ay agad niya akong dinala sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ako ng pain reliever dahil sobrang sakit ng bahagi ng tiyan ko na tinamaan ng kamao ng huli. Nang tumalab ang pain reliever ay nawala ang sakit at nakatulog ako habang nakahiga sa hospital bed. At hindi umalis sa tabi ko si Alpha Magnus. Talagang hinintay niya akong magising bago niya ako sinamahan pabalik sa bahay ng kaibigan ko para kuhanin ang mga gamit ko

Hindi kasi siya pumayag na hindi ako muling titira sa bahay niya. Pagod na akong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siya kung ano ang gusto niyang mangyari. Ngunit porke't iniligtas niya ako mula kay Alpha Magnus at dahil pumayag akong bumalik sa
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status