Share

Chapter 36

Mavi Pov

Bahagya akong napaatras nang makita ko ang nakangising mukha ni Alpha Abner sa aking likuran. Malas yata ako ngayong gabi. Hindi pa nga ako nakakapag-move on sa nakita kong eksena sa pagitan nina Alpha Magnus at Karen ay heto naman sa harapan ko ang taong pinaka-hate ko sa buong mundo.

"Kumusta ka na, Mavi? Namis mo ba ako?" Nakangising tanong niya sa akin. Labas ang mga ngipin niya dahil sa ginawa niyang pagngiti sa akin kaya nakita ko tuloy ang kulay brown niyang mga ngipin na para bang katatapos pa lamang kumain ng atay ng manok. Ewan ko ba kung bakit hindi ito nagpapalinis ng ngipin gayong mayaman na siya. Nakaka-turn off ang ngipin niya kaya kahit ang makipag-usap sa kanya ay hindi ko nais na gawin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Pasimpleng inilibot ko ang paningin ko sa paligid para alamin kung may tao bang malapit sa akin na puwede kong mahingan ng tulong sakaling tangkain ni Alpha Abner na gawan ako ng masama. Ngunit mukhang nakikiayon sa kanya ang pali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status