Share

Chapter 61

Mavi Pov

Gusto kong magpaalam kay Cecile at magkunwaring masama ang pakiramdam ko para hayaan niya akong umuwi ngunit naaawa naman ako sa kanya. Kapag umalis ako ay mag-isa lamang siyang magde-decorate ng mga bulaklak sa bahay ni Alpha Magnus. Ang kasama naming dalawang lalaki ay tagabuhat lamang ng mga gagamitin namin sa pag-decorate.

Biglang may umilaw na ideya sa aking isip para hindi ako makilala ng mga katulong ni Alpha Magnus at pati na rin ito. Kinuha ko ang malaking panyo sa bulsa ko at itinakip ko mula sa aking ilong pababa pagkatapos ay itinali sa likuran. Sa ganitong hitsura ay hindi nila ako mamukhaan.

"Anong nangyari sa'yo, Mavi? Bakit nagtakip ka ng mukha mo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Cecile.

"Pag-alis ko kanina sa bahay ay walang tigil ang pag-hatsing ko. Baka ma-hatsing din ako ngayon kaya tinakpan ko na ng panyo ang aking ilong at bibig. Nakakahiya naman sa customer mo kung panay hatsing ako." Mabuti at nakaisip agad ako ng alibi bago nakapagtanong sa ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status