Share

Chapter Sixty Four

"B-BAKIT niyo ho ba ginagawa ito? 'Di ho ba may pinagsamahan kayo ni Tito Ricardo. A-ang pagkakaalam ko'y matalik kayong magkaibigan." Si Beatrice.

Tuluyan nawala ang ngisi sa labi ni Duke.

"Iyon ba talaga ang tingin mo," sagot nito tuluyan nitong ipinitik ang daliri kaya upang tumigil sa pambubugbog ang mga tauhan ni Duke kay Rudny. Hinawakan ng dalawang tao nito ang magkabilang braso ng binata at iniharap sa matandang lalaki.

Napasinghap si Beatrice matapos na tutukan ni Duke ng hawak nitong baril ang ulo ng binata.

"Wala akong kaibigan na traydor... Alam mo ba ng dahil kay Ricardo kung bakit ako nawalan ng asawa," malamig na siwalat nito

"S-sinungaling ka... h-hindi magagawa ni D-Dad ang mga ibinibentang mo sa kanya!" Nakuha pa rin isigaw ni Rudny kahit hinang-hina na ito.

"Ako? sinungaling. Pero mismong si Hunter ang nagsabi sa akin. Alam mo bang parehas na parehas kayo ni Olivia ng naging reaksiyon ng marinig din niya iyon bago siya tuluyan mawala sa mundong ito." Puno ng kasama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status