Share

CHAPTER 87: THE REAL STORY

“ANO, Sophie? Kamusta ang hitsura ko? Mukha na ba akong presentable? Ah, bakit ba ako kinakabahan?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Daddy habang nasa loob kami ng kotse niya. Si Seb naman ay nag-volunteer na ipag-drive kami.

Hindi ko naman naiwasan ang mapatawa dahil sa inaasal ni Dad. “Dad, bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Miss Felestine.”

“Alam ko naman ’yon, anak. Hindi ko lang talaga maiwasan na kabahan. Of course, gusto kong ipakita sa kanya na presentable ang daddy mo.”

“Presentable ka naman, daddy. Actually, ang guwapo mo nga today.”

Tumawa siya. “Napakagaling mo talagang mambola, anak.”

“Sophie, sinabi mo rin ba sa kanya na sasama ang napakaguwapo mong kapatid?” pagbibiro naman sa akin ni Seb.

“Oo naman. Tinawagan ko siya kagabi at sinabihan ko rin siya tungkol sa ’yo.”

“At sinabi mo rin ba sa kanya na puwede niya akong ampunin at gawing model?” pagbibiro niya.

“Hahaha! Ikaw talaga, Seb!”

***

“ANG sabi po ni Miss Felestine ma-le-late siya ng dating. May meeting pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status