Share

Chapter 56

HINDI maalis ang kaba sa puso ni Monica habang lulan sila ng kotse patungo sa opisina ni Federico. Pinagpapawisan siya nang malamig at hindi mapakali sa upuan.

“Kumalma ka nga, Monica. Lalo kang mahihirapan niyan,” sita ng kan’yang tiya na katabi niya sa backseat. Kandong nito si Kenji.

“Eh, hindi ko maiwasan, Tita. Ayaw paawat ng kaba ko,” aniya.

“Sa halip na magpadaig ka sa takot, magdasal ka. Magtiwala ka rin kay Federico na hindi niya kayo pababayaan. Marami namang bodyguards na nagbabantay sa atin.”

Panay ang buga niya ng hangin at nakailang inom na ng tubig. Malayo pa sila sa kumpanya ni Federico kaya ayaw humupa ng kan’yang kaba. Nakasunod naman sa kanila ang kotse ng bodyguards pero hindi siya makampanti hanggat hindi sila nakararating sa distinasyon.

Nakahinga lang siya nang maluwag nang makarating sila sa kumpanya ni Federico. May nakaabang na mga bodyguard sa labas ng kumpanya at sinalubong na sila. Bantay-sarado sila hanggang makapasok ng gusali. Naghahanda na rin an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status