Share

Chapter 57

NAPATAKBO palabas ng opisina si Federico matapos matanggap ang report ng kan’yang agent na kasama ni Monica. Tinambangan umano ng mga kalaban ang kotse at tinangay ang kan’yang mag-ina. Nanginginig siya sa galit at binulabog ang tauhan maging ang kasama niya sa organisasyon.

Hindi umano kinaya ng bodyguards ni Monica ang dami ng kalaban at tila planado nang maayos ang pagsugod ng mga ito. Kumpiyansa siya dahil kasama ni Monica ang magagaling niyang agent pero naisahan ang mga ito. May ibang grupo na humarang sa kotse na backup upang mapalayo sa grupo ni Monica. Namatayan pa siya ng driver at isang agent.

“F*ck!” gigil niyang usal habang lulan ng kotse. It’s too late. Nakuha na ng kalaban ang mag-ina niya. Halos paliparin na ng driver ang kotse ngunit hindi pa siya nakontento.

Hindi na nila naabutan ang kalaban. Dinala na sa ospitala ng agents na sugatan at dead on arrival naman ang driver at isang bodyguard. Napasandal siya sa dingding sa labas ng emergency room ng ospital at naghi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status