Honeylette POV Mula sa kinatatayuan ko ay nililinga ko ang kambal sa labas nang bahay nila. Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid nang puno na dating pinagtaguan ko. Ngunit wala akong nakikita sa labas nang bahay, ni ingay ay wala akong naririnig. Marahil ay nasa loob lamang ang mga ito. Nagpasya na akong umalis sa lugar na iyon, para umuwi. Wala akong dahilan para manatili pa dito. Ngunit napahinto ako sa paghakbang nang tumunog ang aking celphone. Kinuha ko iyon sa aking bag. Nakita ko ang isang numero. Sino naman ang tumatawag na ito?. Tanong ko sa aking isipan. Hindi nakarehistro ang numero. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Sa bandang huli ay nagawa ko itong sagutin. Pinindot ko iyon at inuupong sa aking tainga. "Ate." Kumalabog bigla ang aking dibdib nang marinig ang munting tinig na iyon. Boses iyon ni Dan. "Ate tulungan mo kami." Natatakot na tono ng boses nito. "Bakit anong nangyari?” Gulat kong tanong. Ngunit hin
Honeylette POV Hindi pa rin napapayag ni Lex si Nanay na sa bahay niya manatili kaya naman nagdesisyon siyang muli na lagyan ng security ang palibot nang bahay. Sa totoo lang ako ang nahihiya sa ginagawa niya, sa klase ba naman nang bahay na ito, pihadong maraming pumupuna dahil puno ito nang mga security. Iba talaga kapag mayaman, kaso hindi nababagay sa itsura nang bahay. Ngunit mas mabuti na rin iyon para maging ligtas sila at isa na rin iyon dahilan para hindi sila tumigil sa bahay ni Lex na ika-iilang ko. Napalagay na rin ang loob ko na magiging ligtas sila. Bahagya akong napaisip, tila may nagbago sa akin iyon ay ang maramdaman ko ang pag-aalala sa kanila. Itinanggi ko iyon sa aking sarili, pilit kong pinapaniwala na wala akong nararamdaman pagpapahalaga sa kanila, ngunit hindi ko mapigilan na hindi mag-alala kanina lalong lalo na sa kambal. Kahit na kapatid ko lang sila sa ina, hindi ko pa rin mapigilan ang aking puso na hindi maawa dahil mga bata pa sila.
Honeylette POV Habang nakaunan ang aking ulo sa hubad niyang dibdib ay naririnig ko ang mabilis na tibok nang kanyang puso. Tumingala ako, nakita ko ang nakapikit na niyang mga mata. Payapang natutulog ang gwapo nitong mukha. Ang sarap pagmasdan. Lihim akong napangiti. Mag-uumaga na at halos wala pa akong tulog, kahit na pagod ay hindi ko magawang makatulog. Tila may bumabagabag sa aking kalooban. Ang daming nangyari sa buong araw. Ang pananakit sa amin ni Alejandro at ang pagpunta sa bahay nang ama ni Lex para yurakan muli ang pagkatao ko. Bigla akong nalungkot nang muling sumilid iyon sa aking isipan. Gustuhin ko man sabihin kay Lex ang ginawa sa akin nang Daddy niya ay pinilit kong ilihim na lamang iyon. Ayoko nang makadagdag pa iyon sa kanyang isipin. Mas mabuti nang hindi niya alam. Kahit hindi man niya sabihin sa akin, alam kong may poot siyang nararamdaman para sa Daddy niya at ayoko ng madagdagan pa ang galit niya sa kanyang ama, dahilan sa akin. Hinimas ko ang baba niya n
Honeylette POV Ilang araw na ang nakalipas. Magpapalit na ulit nang panibagong buwan ang kalendaryo, ngunit hindi pa rin ako dinadatnan ng aking buwanang dalaw. Kaya naman nagpasya na akong pumunta sa isang Ob-gyne. Hindi ko muna ipinaalam kay Lex ang tungkol sa bagay na iyon. Umalis ako sa bahay nang makapasok na siya sa trabaho. Nang dumating ako sa isang private clinic ay kaagad akong pinapasok nang assistant nang Doctor. Pumasok ako sa isang kwarto kung saan naroon ang Doctor nang mga buntis. "Good morning Mommy." Bati sa akin ni Dra.--- Melendez nabasa ko ang pangalan niya sa name plate na nasa ibabaw nang table niya. Ngiti lamang ang naisagot ko dahil sa kinakabahan ako. Ni hindi ko na nga pinansin ang itinawag niya sa akin. "Maupo ka.” Turo ni Doktora sa upuang nasa harap nang table niya. Nag-aalangang umupo ako doon. Nilibot ko nang aking paningin ang kabuuan nang maliit na kwarto. Naroon ang ilang instrumento na kung hindi ako nagkakamali ay gin
Honeylette POV Nagising ako sa isang madilim na lugar. Mali, madilim iyon dahil may piring ang mga mata ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa pagkakatali nito sa likuran ko.Nasaan ako?. Anong lugar ito?.Bakit ako naririto?. Natatakot kong tanong sa aking sarili. Paano ako napunta dito? Bakit may piring ang mga mata ko at nakatali ang mga kamay ko?. Hindi kaya-- nagimbal ako sa aking naisip, tama kinidnapped ako. Iyong mga lalaki kanina, sila ang kumuha sa akin. Pinilit kong alalahanin ang lahat ngunit tanging naaalala ko lang ay ang huling sandali kung saan masaya kong nalaman ang pagdadalang tao ko, bago nangyari ang bagay na ito sa akin. Nakaramdam ako nang takot nang maisip ang nasa sinapupunan ko. Gusto kong hawakan ang tiyan ko ngunit hindi ko magawa. Sinong tao ang gagawa nito sa akin?. Tanong ko sa aking isipan. Hindi kaya--?. Imposible ang naiisip ko. Imposibleng aabot sa ganito si Patricia. Narinig ko ang lagitlit nang bumukas na pintuan. Ka
Honeylette POV Makalipas ang ilang oras, bumalik muli si Patricia sa silid na kinaroroonan namin. Sa ngayon ay hindi na nito kasama si don Julio at mga tauhan niya. Nakita ko ang walang buhay nitong mukha. Para bang nababagot ito at nag-iisip nang kung anong maari niyang gawin na ikasasaya niya. Samantalang nasa isang sulok lamang kami nina nanay at tiya. Tinawag nito ang isa sa mga tauhan niya. Pumasok ang isang lalaki. "Nariyan na ba siya?” Tanong dito ni Patricia. "Opo, kararating lang." Sagot nang lalaki."Sabihin mong pumasok na kaagad siya dito. Naiinip na ako." Naiiritang utos ni Patricia. "Sige po." Kunot noo akong nakikinig sa pag-uusap niya at nang kanyang tauhan. Sinong kayang dumating ang tinutukoy nila?. "Ma'am nandito na po siya." Napalingon ako sa tauhan ni Patricia nang sabihin iyon. Ngunit nagimbal ako nang nakita ko kung sino ang tinutukoy nito. Nakita ko ang mala-demonyo nitong mukha. Sa akin kaagad naka
Honeylette POV "Daddy!!.." Mula sa kinaroroonan namin ay patakbong lumapit ang kambal, pagkakita ng mga ito sa tinawag nila na daddy. "Ano na-miss niyo ba ang daddy niyo?”"Opo." Masayang sagot ni Lander at Hailey. Sabay yakap nang mga ito. Kinarga nito ang kambal sa magkabilang bisig niya. "Ang dami mo na naman dala. Masyado mong ini-spoiled ang kambal." Saad ko nang makalapit sa kanila. "Hayaan muna. Minsan lang naman ito." Kinindatan niya ako pagkasabi niya noon. Inirapan ko naman ito. Nagsisimula na naman kasi siyang mang-asar. "Bumaba na kayo sa daddy Chelex niyo, masyado na kayong mabigat." Nagsibaba ang kambal mula sa pagkakakarga sa kanila ni Marc. Tiningnan ako ni Marc nang may ibig sabihin. Kung kaya't inatasan ko ang kambal na pumasok na sa bahay. "Mga anak, pumasok na muna kayo sa loob." Utos ko sa dalawang bata. Kaagad naman sumunod ang mga ito sa sinabi ko.Ganito silang dalawa kay Marc sa tuwing dadalaw it
Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m