Share

Chapter 15

DUMATING ang ikatlong araw nina Mabelle at Navi sa El Nido, Palawan. Maaga silang umalis ng resort para sa nakatakda nilang island-hopping. Hinati ang kanilang grupo sa dalawa. Sakay ang magkahiwalay na bangka, nilibot nila ang ilang magagandang isla ng El Nido.

Malamig at sariwang hangin ng tuloy-tuloy na humahampas sa mukha ni Mabelle sa kabila ng mainit na panahon. 'Di gaya kahapon ay mas payapa ng daloy ng mga alon kung kaya't ligtas nang maglayag sa mala-asul na karagatan. Busog na busog ang kanyang mga mata sa naglalakihang mga bato at kweba na matatagpuan malapit sa kanilang nadaraanan.

"Wow!" natutuwang reaksyon ni Paris habang nakaupo sa tabi ni Mabelle. "Ang ganda-ganda po talaga dito, Mommy! Para pong kagaya ito ng mga napapanood ko sa TV!"

Sumang-ayon si Belle. "Kaya nga, e."

"Ang sarap po siguro tumira dito, Mommy, 'no?"

Hinapit niya ng yakap ang anak sa likod. "Hayaan mo. Balang araw, ibibili kita ng isla at payapa tayong maninirahan sa lugar na tulad nito."

"Yey!" ani Pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status