Share

Chapter 21

SA MALAPAD na mesa ng dining room, inimbita ni Mabelle ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na sina Jhazz, Earnest at si Hyacinth na katatapos lang magpahinga. Isa-isa niyang hinainan ng kape ang tatlo bago siya naupo sa bakanteng dining chair katabi si Earnest.

Sa totoo lang ay kinakabahan si Mabelle. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling nakaukit sa mukha nina Earnest at Jhazz ang pagkalito tungkol sa nasaksihan nilang eksena kanina. Si Hyacinth naman, tila walang kaalam-alam sa nangyayari.

Nakatawag ng pansin ni Mabelle ang paghigop ni Jhazz sa iniinom nitong kape. Ibinaba ng kasambahay ang tasa saka siya tinawag nito.

"Mars, umamin ka nga sa 'min. Kailan pa naging kayo ni Sir? Kung 'di pa nagtatalak si Sir Navi kanina sa harap ni Siren, hindi pa namin malalamang may namamagitan na pala sa inyo," nagtatampong wika ni Jhazz kay Mabelle.

Nagulat si Hyacinth sa narinig nito kay Jhazz. "Seryoso, 'te? May something special between them?" Tumango si Jhazz bilang pagtugon, habang si Mabelle
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status