SCARLETT “Hey, you okay?” Napalingon ako kay Night saka marahang tumango. Sino kaya ‘yon? Magaling magtago hindi ko man lang makita kung nasaan ito. “Let’s go to the second floor. Magmasid tayo doon.” “Sige.” Sagot ko kay Night saka namin tinahak ang patungo sa second floor ng bar. Ilang minuto rin kaming paikot-ikot sa taas bago kami nakapag desisyon na bumaba na dahil wala naman kaming napansin na kahina-hinala sa mga VIP rooms sa taas. Sunod naming binabay ang mga corner na walang CCTV ng bar pero wala rin kaming napansin. Hanggang sa dumako kami sa daan patungo sa likod ng bar. Balak na sana naming silipin ang likod ng bigla kaming napatigil ng marinig ang nagmamadaling kilos ni Sapphire sa earpiece. ‘Doc! ano po ang balita sa mga kaibigan ko?’ Nanlaki ang mga mata ko saka bumaling kay Night na ganun rin ang reaksyon, Sumenyas siyang gumilid muna kami. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib habang hinihintay ang sasabihin ng doktor. ‘The patient’s is now
“Guys!” Sigaw ni Sapphire. “Yes, why?” Sagot ko habang inaayos ang kinuhang baril. Binalik ko naman sa holster ang sarili kong baril. “Mawawala ako ng ilang minuto dahil nilipat na sila Gunner sa kwarto nila. Ililipat ko lang ang gamit ko doon. Give me 10 to 15 mins. Kaya niyo ba?” “Yeah, don’t worry about us. Go.” Sambit ko saka lumabas sa pinag tataguan saka nakipagbarilan ulit. Ganun din naman ang ginawa ni Night. Habang nakikipag barilan ay nilingon ko ang mga bodyguards at ang lalaki. Sinenyasan ko silang umalis na. Nakakaunawang tumango ang mga ito at mabilis na naglakad palayo dala ang briefcase na sa tingin ko naglalaman ng pera o mga importanteng dokumento, kaya gustong gusto makuha nila Ishida ng ganun kadali. Tss, mga h@yop talaga. Balak pa sanang habulin ng mga tauhan ni Ishida ang mga ito ng paputukan namin sila at walang awang pinagbabaril. Nagsigawan ang kalaban habang pinauulanan din kami ng bala. Agad kaming nagtago. Tsk, “Night, may bala ka pa?”
Just like a while ago, we tried to reduce their numbers. We let them waste the bullets in their guns. It would be difficult to fight them at long range. Besides, we're out of bullets ourselves, so we needed to distract them as much as possible to waste their bullets uselessly. Para mano-mano ang maging laban. Once we had reduced their numbers and they ran out of bullets, they drew their weapons from their backs: daggers and kunai. Tss. Binalik ko ang sariling baril sa holster saka kinuha ang dagger. May natitira pang isa o dalawang bala sa aking baril kaya binalik ko ito sa lagayan magagamit ko pa ito mamaya. Sumugod kami ni Night sa mga ito. Habang nakikipag laban ay panaka naka akong sumisilip sa kinaroroonan ni Lucien para tignan kung may nakapansin ba dito. Habang nakikipag laban din ako ay umuurong ako palapit sa pwesto niya. Nang lumingon ako ulit sa gawi ni Lucien ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang may isang lalaking patungo sa box kung saan na
SIMULA (Unang Kabanata) MALALIM na ang gabi, halos isang oras na kaming nakamasid sa mansyon ng target. Hinihintay na makatulog ang lahat bago simulan pasukin ang loob ng mansyon. Dalawa lang naman ang target, Hindi kasama ang ibang pamilya, kaya kailangan maging maingat. Sana lang walang maging hadlang sa gagawin namin para walang madamay na ibang inosente. Tsk, kahit naman assassin kami kung sino lang ang target at inutos sa amin na papatayin iyon lang ang susundin. Pwera na lang kapag may makisawsaw at puntirya din kami. Ibang usapan na iyon. Isang group mission ang binigay ni Boss na trabaho ko. Kasama ko ang ibang assassin na nasa top rank din. Tsk, sa totoo nga lang hindi ko gusto ang group mission na ito. Ayoko sa lahat ‘yung may iniisip akong iba, para sa akin nagiging pabigat lang sa misyon kapag may kasama. Mas tumatagal ang oras. Maya maya pa napansin ko na ang ang surveillance drone ni Sapphire na papasok sa loob ng mansyon. “Be carefull, Sapp
SCARLETT KINABUKASAN ALA sais pa lang ng umaga gising na ako para sa routine kong pag eehersisyo. Tumatagaktak ang pawis sa mukha ko ng matapos ang target kong bilang para sa squat. Tumalon talon ako at inikot inikot ang mga paa saka dumeretso sa upuan kung nasaan ang aking tubig at towel. Pinunasan ko ang pawis saka uminom ng tubig. Araw araw ko itong ginagawa para mapanatili ang malakas na pangangatawan. Kahit sabihin na pagod ako kagabi at ilang oras lang ang tulog. Automatikong nagigising ang diwa ko pag sapit ng ala sais ng umaga. Matapos makapag pahinga ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo at maghanda papunta sa headquarters. Hindi ako pwedeng malate dahil malalagot ako kay Boss. Isa pa excited ako sa misyon ko, nabubuhay ang dugo ko kapag alam kong importanteng misyon ang binibigay sa akin ni Boss. More bakbakan mas nagiging buhay na buhay ako. Pumasok na ako sa banyo at masiglang naligo. Nang matapos ay nag suot ako ng pantalon na itim na may sira sa
SCARLETT WALA akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang misyong inatas sa akin ni Boss. Labag man sa loob ko may magagawa pa ba ako? Naka-plano na pala ang lahat bago sabihin sa akin. Tsk! Sa huli pinili ko na lang munang umuwi sa bahay para dalawin sila grandpa. Tatlong araw lang ang pahinga ko kaya dapat sulitin ko at gawin ang ibang gawain na labas ang pagiging isang Asssasin. Dadaan din siguro ako sa store para maabisuhan ang manager na matagal tagal akong mawawala. Aside sa pagiging Assassin meron din akong tatlong businesses Flower shop, Cafe and botique. Hindi man halata sa akin pero iyon ang mga negosyo ko. Nang makarating sa harap ng bahay ay nakangiti akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay para batiin. “Goodmorning Manang Flor, where is lolo and dad? Nandito ba sila?” Tanong ko sa katiwala namin. “Magandang umaga Iha, oo nandito sila. Hindi umalis ang Daddy mo. Oo nga pala nakahanda na ang pagkain sa lamesa para sa pananghalian.
MATAPOS mag almusal ay agad na tumayo si Lucien at walang imik na umalis sa hapag kainan. ay, bastos din. may ugali nga ang magiging amo-amuhan ko. Hinayaan naman ni Sir Aidan ang anak dahil sigurado ay hindi pa rin nito matanggap ang naging desisyon nito. Napapailing na lang si Sir Aidan saka kiming ngumiti sa akin. “Pag pasensyahan mona ang anak ko. Nabigla ko siya. Sana hindi ka sumuko sa kanya Iha. Kailangan kailangan ko talaga ng magbabantay sa nag iisa kong anak.” Biglang lumamlam ang mga mata ni Sir Aidan. Hindi man nito sabihin pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa anak. May bigla namang pumasok sa isip ko, bakit kaya naisipan ni Sir na pumasok sa underground ganong alam naman niya na delikado? Ano kaya ang nag udyok sa kanya? Hmm..siguro may rason naman ito? Yeah, baka nga. “H‘wag ho kayong magalala Sir Aidan akong bahala sa anak niyo.” Sincere kong turan. Ewan ko pero biglang nagbago `yung isip ko lalo na ng makita ko ang pagmam
SCARLETT KINABUKASAN ala sais pa lang ay gising na ako at naka gayak na, suot suot ang aking sports bra at leggings para sa jogging na gagawin, actually, gusto ko rin libutin ang subdivision na ito kung saan ang ibang daan pa na possibleng daanan ng kalaban kung sakaling tumakas ang mga ito. Mas maganda ng sigurado ako at kabisado ang paligid. Nang makuntento na ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Binati ko ang mga katulong, pati ang guards na nagbukas ng gate para sa akin. Yes, feeling close na ako sa mga ito. Iyon naman talaga ang plano ang makalapit sa mga ito at mas makilatis. Sinabi pala ni Sir Aidan sa mga katulong sa bahay na personal maid ako ni Lucien kaya ang gagawin ko lang ay pagsilbihan ang kumag na lalaking iyon. Hindi rin daw ako kikilos o maglilinis ng bahay basta ang trabaho ko lang ay bantayan at asikasuhin si Lucien. Para nga akong naalinasan ng tinik sa dibdib dahil hindi ako kikilos. To be honest hindi ako marunong magluto. Wala akong tale