HUMINTO SILA sa isang pintuan na may nakasulat na Vip room. Magkasalikop pa rin ang kanilang mga kamay ng asawa. "Focus to him. Don't mind mom," rinig niyang sabi nito at binitiwan na ang kanyang kamay saka nito pinihit ang door knob. "Pearl, umayos ka."Bigla siya nabalik sa sarili sa sinabi ng asawa. Nakabukas na pala ang pinto at nakaramdam siya ng hiya nang mapansin na may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin na sa dako nila. Kaya naman mabilis siyang humakbang papasok at nilagpasan pa ang asawa.Pagpasok niya sa loob ay napansin niya agad ang isang ginang na nakaupo malapit sa hinihigaan ng anak niya. Mababakas pa rin ang kagandahan sa ginang na sa tantya niya ay nasa mahigit kwarenta na ang edad.Nalipat ang tingin niya sa may kaliwang bahagi kung nasaan may isang lalaking nakaupo sa may mahabang sofa na naroroon. Nagsalubong ang kanilang tingin at hindi nakaligtas sa kanya ang galit na rumehistro sa mga mata nito kaya mabilis niyang binawi ang tingin mula rito."Kanina ka
NAGTATAKA man ay nanatiling tikom ang bibig ni Pearl. Kasalukuyan silang papasok sa isang napakalaking bahay. Sa tingin niya ay isang mansyon. Kanina nang maiwan sila ng mommy ni Hycent ay halos hindi siya makahinga dahil sa pag-aakala na baka sabunutan o pag sasampalin siya nito. Masyado siyang nag-overthink. Na nakalimutan niya na nandoon ang anak kaya imposible ang kanyang iniisip. Tahimik lang ang Ginang na inayos ang mga gamit ng kanyang anak. Pagkatapos maayos ay sakto namang pasok ni Hycent. Hindi na rin sila nagtagal at bumiyahe na sila. "Mommy, here house," nabalik sa ulirat si Pearl nang marinig ang boses at maramdaman ang paghila nito sa kanyang braso. Nasa backseat kasi silang mag-inang nakaupo."Oh, we are here? Is this your house?" tanong niya sa anak habang nakadungaw ito sa bintana. Umiiling ang anak niya. "House, me, daddy, mamita and mommy," nakangiting tugon ng anak. Hindi maitatago ang sayang nararamdaman nito.Naagaw ang kanilang atensyon ng huminto na ang kani
TATLONG ARAW na ang lumipas mula nang alukin si Pearl ng sariling asawa na maging katulong ng mga ito. Oo, nagulat siya. Sino ba naman hindi? Asawa siya nito pero gusto niyang maging katulong. Parte pa rin ba ito ng paghihiganti ng asawa sa kanya. Bakit parang ang bigat? Oo, masakit ang ginawa niya pero handa naman siya bumawi. At kung ang pagsilbihan ang mga ito ang magpapatunay na handa siyang itama ang kanyang pagkakamali sa nakaraan ay handa siyang gawin para mabuo muli ang kanilang pamilya. "Is breakfast ready?" Nabalik si Pearl sa sarili nang marinig ang baritonong boses ng asawa. Napalingon tuloy siya rito. Hindi niya talaga maikakaila ang gandang lalaking taglay ng asawa kahit bagong gising at magulo ang buhok ay mas lalong nagbibigay ng dating rito. "Ready na ba ang breakfast?" ulit na tanong ni Hycent na magka salubong na ang mga kilay na nakatingin sa kanya."Ah, oo. Kumain ka na. Gigisingin ko lang si Harold para makapag-ayos na rin." Nagmamadali siyang inayos ang lamesa
"SIT DOWN!" madiing utos ng mommy ni Hycent kay Pearl pagkapasok pa lang niya sa loob.Mabilis namang umupo si Pearl. Kanina pagkarating nila ng kanyang anak ay inutusan ng mommy ni Hycent si Nanay Marissa na kunin ang kanyang anak at ito ang mag-asikaso.Nagtataka man ay sumunod na lang din siya dahil wala naman siya magagawa. Pagkatapos no'n ay sinabihan siya nito na sundan ito.Kasalukuyan sila ngayon nasa loob ng library. Ito ang unang beses na nakapag solo sila. At aaminin niya na sobra ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na 'yun. Bigla kasi nagbago ang awra nito. Nakaka intimidate ngayon na halos hindi niya ito matignan. "Do you have any idea why I called you?" tanong nito na nagpabalik sa kanya sa ulirat."Po-po? I mean…I don't have…" Nakita niyang tumayo ito mula sa kanyang pagkaka upo sa swivel na naroon. Umikot ito at umupo sa kaharap niyang upuan. She sit with her one legs crossed to the other one. Napa diretso ng upo si Pearl. "I know that you are now aware of what
"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Pearl sa asawa nang makasakay siya sa kotse nito. Hindi niya nakita ang anak ang sabi ni Nanay Marissa ay kasama ito ng lola umalis.Isinuot niya ang seatbelt at hinintay na sagutin nito ang kanyang tanong ngunit pinaandar lamang nito ang sasakyan at parang walang narinig na minaniobra ang sasakyan palabas ng mansyon.Huminga siya nang malalim. Wala naman siya magagawa. Ang kailangan niya lang gawin ay sundin ito. Halos mapanis ang kanyang laway sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Pinagkaabalahan na lang niya ang sarili na pagmasdan ang labas. Matataas na gusali at mausok na daan ang kanyang nasisilayan. Palagay niya ay palabas sila ng manila. Dahil sa pagod ay hindi niya napigilan na makatulog. "WAKE up!" Dahan-dahan iminulat ni Pearl ang mga mata ng may yumugyog sa kanya. Napalingon siya sa kanyang tabi at sumalubong sa kanya ang magkasalubong na kilay ni Hycent. "Fix yourself, we are here," sabi nito saka bumaba ng sasakyan. Mabilis naman ni
KASALUKUYANG naglilinis si Pearl ng mga kalat sa may bandang pool. Hindi man lang siya pinuntahan ng asawa o kahit tinanong kung ayos lang ba siya. Kung sabagay ano ba aasahan niya?"Napaka unfair ng buhay, 'no?" "Ay palaka!" tili niya ng may biglang magsalita. Mabilis niyang nilingon ang pinagmulan ng boses.Isa sa mga kaibigan ni Hycent. Nakasandal ito sa may isang puno habang humihithit ng sigarilyo.Pinatay nito ang sigarilyo saka itinapon. Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. Huminto ito nang dalawang hakbang na lang ang pagitan nito sa kanya. Napa diretso si Pearl ng tayo. Nararamdaman niya ang matiim na titig na ibinibigay ng kaharap. "Sana hindi ka na lang nagpakita kay Hycent…" Nagulat siya sa sinabi nito kaya naman napatingin siya rito. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Masyado mong sinaktan ang kaibigan namin. Ang pagbabalik mo sa kanya ay para mo na rin isinalang ang sarili mo sa impyerno," seryosong pahayag nito.Big
"WHO ARE YOU?" tanong ni Pearl sa isang magandang babaeng nakaupo sa isang bench sa may garden. Tinawag siya kanina ni Nanay Marissa at sinabing may naghahanap sa kanya. Nagtataka nga siya kung sino naman ang hahanap sa kanya. Kaya mabilis siyang nagtungo sa garden kung saan daw ito pinatuloy ni Nanay Marissa. Tumayo ang babae saka ngumiti sa kanya. "Ayokong biglain ka kung yayakapin kita agad. But I really want to hug you, Pearl." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Kilala siya nito at mukhang hindi lang basta kakilala. Tumikhim siya. "I'm sorry but….Do I know you?" The girl showed a forced smile. She crossed her arms in front of her chest. And look at her with an emotion she can't understand. "I'm Abygail Naguit…your one and only best friend." Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito.May kaibigan siya? Hindi lang basta kaibigan kung di best friend"Best….friend?" ulit niya na patanong rito.Lumiwanag ang bukas ng mukha nito at ngumiti. "Yes, your best friend. I hear
ISANG Buwan na rin ang nakalipas. Isang buwan na wala pa rin siya maalala. At tinupad nga ni Abygail ang sinabi nito na dadalawin siya. Ang unang beses nitong dalaw ay talaga naman nakakatakot dahil sa kanyang asawa. Nang salubungin siya nito ay binilinan lang siya na huwag gagawa ng kalokohan. At kung subukan niya daw itakas ang bata at sumama kay Abygail ay hindi 'yun mangyayari."Ang sama tlaga." Si Abygail naman ay laging may binibigay na gamot sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya maalala kahit konti.Minsan gusto niya nang itanong kung anong klaseng gamot ba 'yun dahil walang epekto. O, masyado lang siya nagmamadali. Sino ba hindi. Isang buwan na simula ng magising siya nang walang maalala. Pero sa tuwing pipilitin niya ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo kaya tinigilan niya na."Are you new here?" Nabalik si Pearl sa ulirat nang marinig ang baritonong boses. Napaangat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang napakagwapong nilalang."Hu-huh?" nautal