Pumasok kami ni Zach sa isang silid sa tenth floor ng condominium na pinuntahan namin. Wala kang ibang makikita kundi kadiliman. May pinindot si Zach na switch ng ilaw at lumiwanag ang paligid. Malalaki at makakapal na pulang kurtina ang tumatakip sa mga bintana kaya naging madilim sa loob. Tumapak ako sa tiles na sahig at tuluyan na kaming naglakad sa loob nito.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
Ano nga kaya talaga ang lugar na ito? Nakuha ko rin naman ang sagot nang sabihin ni Zach kung nasaan na ba kami.
"Star's gallery. Dito niya nilalagay yung artworks niya. Aside from singing, she loves to paint. Hindi niya forte ang modelling. Napilitan lang siyang mag-pose noon sa FHM. Mukhang na-satisfy rin naman niya yung mga tao."
Halata namang hindi napabayaan yung lugar dahil nasa ayos ang lahat. Malinis din ang paligid. Ang nakapagtataka lang, nakatulakbong ng puting tela ang mga painting na nasa stand, maging yung ibang
"Alam mo, sabi ni Star, marami siyang nasasagap na negative aura sa akin. Kaya nga kahit na ilang beses ko siyang niligawan noon, lagi niya akong tinatanggihan. Baka raw ako pa yung magdala ng malas sa kanya. Maiba ako, Bianca. Matanong kita, may kakaiba ka bang nararamdaman kapag kasama mo ako?" Kakaibang nararamdaman? Yung nakakakilabot na pakiramdam... Mga pangitain... Mayroon, Zach! "Wala... wala naman," pagsisinungaling ko. "Hmmm... Puwede ba nating tingnan yung other paintings niya?""Sige, puwede kang magbukas ng kahit na ano." Nilibot ko ang silid. Nagbukas ako ng isang nakataklob na painting at binasa ang nakasulat na pamagat na makikita sa kaliwa, bandang ibaba. "Bestfriends," iyon ang pamagat. Isa itong red rose, may tangkay at may mga dahon. "Bestfriends ang title? Si Star ba yung rose at ikaw yung dahon?" tanong ko."Binigyan ko siya ng rose last year... Valentine's Day. Yayayain ko sana siya... Kaso may na
Liwanag ang nasilayan ko nang imulat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang kisameng kulay puti."Nasaan na ako?" tanong ko sa sarili. Nasa loob ako ng isang silid, pero mukhang hindi ito yung pinasukan namin kanina ni Zach.Tiningnan ko ang paligid. Malapit sa pintuan at nakaupo sa isang animo'y malambot na upuan si Zach. May kausap siya sa cell phone."Oo. Pumunta ka rito. Bilisan mo ha!" narinig ko mula sa kanya.Itinago niya na ang hawak na cell phone. Bumangon ako sa hinihigaan na agad niyang napansin."Bianca!" Agad siyang lumapit sa akin. "Thank God gising ka na. You made me so damn worried!" Hinalikan niya ako sa noo."Nasaan tayo?" agad kong itinanong."Nearest hospital," sagot niya."Ano'ng nangyari?" sunod na tanong ko."Paglabas mo sa CR bigla ka na lang hinimatay! Buti nasalo agad kita.""Paglabas ko sa CR hindi kita nakita.""Huh? How come?" laking pagtataka niya.Pumiki
"Bianca, huwag na muna tayong pumunta sa gallery," sabi ni Zach."Bakit, Zach?" tanong ko."You need some rest." Bakas sa kanya ang pag-aalala."Pero, Zach. Ok naman ako," pagkontra ko, pero wala rin naman akong nagawa nang umapila rin siya."Huwag nang matigas ang ulo mo. Let's call this a day. Mamaya mahimatay ka na naman. I cannot risk your safety.""Pero i-promise mong babalik pa rin tayo sa gallery," pangungulit ko."Sige, I promise. Pero hindi ngayon. Maybe tomorrow or baka sa ibang araw kung kailan mas ok ka."Salamat naman sa sinabi niyang iyon... Nakakuha akong pag-asang sa mga susunod na araw ay malilinawan kami paunti-unti sa tunay na nangyari kay Star."Gusto ko nang umuwi sa bahay. Ayokong mag-stay rito sa ospital. Ok naman na ako," hiling ko.Nginitian niya ako. "As you wish," sabi niya. Bumaling siya kay Jude, "Paki-assist muna si Bianca. Magbabayad lang ako ng hospital bill."Oo nga pala! Yung hospital bil
Hindi ko inaasahan ang pag-abang ni Jomari sa akin sa labas ng bahay namin kinabukasan. Nagkatitigan lang kami. Pinakikiramdaman ko kung mayroon siyang sasabihin, hanggang sa nagsalita na nga siya. "A..." pasimula niya. Para naman akong sira habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita. "A... Sorry kahapon," patuloy niya. "At salamat din pala. Sabi ni Jude kasama ka raw niya na nagdala sa akin sa bahay," pahabol pa niya. Buti naman at nasa katinuan na siya, hindi gaya kagabi na mukhang lasing na lasing. "Bakit ka naglasing?" kalmado kong itinanong."Maraming iniisip. Basta," dahilan niya."Puwede kong malaman?" tanong kong muli."Basta," sagot lang niya."Hindi tayo naglilihiman, 'di ba?" sabi ko. Tila gusto niyang ibahin ang usapan nang yayain niya ako, "Halika na, late na tayo." Hindi ako nakinig. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka naglasing." Inulit ko ang tanong ko, "Bakit
Natakot. Nanlamig. Kinabahan.Ganyan ang naramdaman ko nang lumabas ako sa Old School matapos kong tanggihan ang alok ni Zach.Umalingangaw sa isip ko yung itinanong niya sa akin,"Will you be my girlfriend, Bianca?"Paulit-ulit ring sumagi sa isip ko yung isinagot ko,"Sorry."Tumakbo ako palayo at umalis sa lugar na iyon sakay ng jeep. Nakarating ako sa amin na gulong-gulo ang isip. Hindi ako nakatulog nang maayos noong gabing iyon. Iyak ako nang iyak habang nakahiga sa kama.Kinabukasan, tinawagan ko si Dennis. Minabuti kong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa isang mall. Marami akong mga tanong sa kanya na alam kong hindi mareresolba sa isang phone call lamang. Naisip kong mas mabuti kung makapag-uusap kami sa personal.Agad niyang napansin ang namamaga kong mga mata nang magkita kami. Magkatapat kami sa lamesa."Namumugto ang mga mata mo. Iniya
"Zach!" gulat kong sinabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" agad kong itinanong sa kanya.Sa mga nalaman ko kay Dennis, kinabahan tuloy ako sa biglang pagsulpot ni Zach. Naalala ko bigla yung painting na ipinakita sa akin ni Star,"The Stalker."Sumagi rin sa isip ko yung sinabi niya noong nakaraan,"I am always watching you, Bianca."Maging yung sinabi ni Jomari, bumalik sa alaala ko,"Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!"Tama nga kaya? Isa nga ba talagang masamang tao si Zach?Tiningnan ako ni Zach nang mata sa mata. Kinikilabutan na naman ako sa mga titig niya!"Sa palagay ko, mas may karapatan akong magtanong niyan. Ikaw, Bianca, ano'ng ginagawa mo rito kasama ang kaibigan ko? Magkakilala pala kayo, ano?"Si Dennis ang sumagot, "Zach, nag-uusap lang kami.""Nag-uusap? Ano'ng pinag-uusapan ninyo? Tungkol sa relasyon ninyo?" balik na tanong ni Zach
Nag-ri-ring ang cell phone ko. May tumatawag! Sino kaya? Siya na... siya na kaya ang magliligtas sa akin? Patuloy itong nag-ri-ring, dahilan upang matigil pansamantala ang ginagawang pambababoy sa akin ni Zach. "Sino kaya yang istorbo na yan?" tanong niya. Pinakikiramdaman ko kung ano ang sunod niyang gagawin. Gumapang siya paitaas at umibabaw nang husto sa akin. Sa tapat ng mukha ko ay ang mukha niya. Hindi ako makagalaw sa posisyon namin. Nagawa niya pang pahirin ang mga luha ko. Kusang huminto ang mga luhang iyon, tila namimili ng mga kamay na papahid sa kanila. "Sasagutin mo ba?" tanong niya sa akin. "Kung ako sa iyo, mahal ko, hindi ko gagawin iyan. Istorbo lang sa atin iyan e," sabi niya. Patuloy pa ring nag-ri-ring ang cell phone. Gumapang ang kamay ni Zach papunta sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha niya ang cell phone ko! Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko, hanggang sa matagumpa
Isa pa uling pangitain. May isang babae... Nandito siya sa kama, hinang-hina. Nakaibabaw sa kanya si Zach. "Huwag kang magrereklamo kundi papatayin kita!" pagbabanta ng demonyong si Zach. Maya-maya'y may pumasok na mga lalaki sa kuwarto. Marami sila. Anim... Kilala ko ang isa. Si Norman. Magkakilala sila? "Patikimin mo naman kami niyan," sabi nitong nakangisi. Nagmura ang babae, "Mga putang ina ninyo!" Tinakpan ni Zach ang bibig nito, "Huwag kang maingay!" at tinawag niya ang mga kasama. Nagsilapitan ang mga iyon, naghubad ng pang-itaas na damit. Para silang mga asong ulol na nagsasalo sa iisang sariwang karne, sa katawan ni Jha. Nakakakilabot... Wala silang awa! Mga baboy! Ganito na lang din ba ang kahihinatnan ko? Magagaya na lang din ba ako sa mga babaeng iyon na pinatay nang walang awa? Hindi! Hindi ako papayag! Sumigaw ako, "Tulong!!! Star, tulong!" Tumigil si Zach sa ginag