Share

Kabanata 83 : Ivan's POV

Sa tulong ni Vyn ay kaagad ding naimbestigahan ang lokasyon na dating tinitirahan ng mga Andrada. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking sasakyan at palihim na nakamasid sa isinasagawang imbestigasyon.

Wala akong balak na makialam sa kanila o magpakita man lang dahil alam kong kukwestyunin nila ako kung bakit ako nandito o kung ano ang ginagawa ko sa nasabing crime scene.

Mula sa hindi kalayuan ay napansin ko si Vyn na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Pasimple muna niyang nilibot ng tingin ang buong paligid, bago siya pumasok sa loob ng aking sasakyan.

"Anong balita?" bungad kong tanong sa kaniya nang makasakay na siya sa loob.

"Nahanap namin si Nash," aniya na ikinagulat ko naman.

"Huh? ano ang ibig mong sabihin?" usisa ko na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.

"Natrace ang katawan niya na nakabaon sa lupa. At hindi lang 'yon," huminto siya saglit sa pagsasalita at may inabot siya sa aking cellphone.

Makikita sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status