HALOS hindi makapagsalita si Eunice dahil sa nilamon ang kanyang isipan nang samu’t saring emosyon—tuwa, bigla, lito at kirot sa kanyang dibdib na halos hindi siya makahinga. Hindi niya sukat akalain na matapos ang lahat na nangyari sa kanila ni Stefan ay magagawa nitong ibigin siya ng tunay tulad ng kanyang nararamdaman.“Stefan...” mahina niyang sambit sa pangalan nito kasabay nang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.Biglang gumuhit ang pagkabahala sa mga mukha ni Stefan nang sandaling makita nito ang biglang pagluha ng kanyang asawa.“Why, Mahal? What’s the reason for your tears? Did I say anything that offended you?” Sunod-sunod nitong tanong na bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pagkataranta at pagkalito nang sandaling iyon.Umiling si Eunice para itanggi ang haka-hakang iniisip ng kanyang asawa. “Wala…wala kang sinabi na masama,” wika nito na pilit kinokontrol ang kanyang emosyon.“Then, why are you crying? You’re making me worry, Mahal. Will you tell me what made y
HALOS walang mapaglagyan ang mga ngiti nina Gretta at Astolfo lalo na at nasa kanilang mga kamay na ang last will and testament ni Divina.“Sa wakas nasa atin na ang huling testamento ng bastardang matanda na ‘yon!” tuwang-tuwa na saad ni Astolfo nang makita ang testamentong nasa kanyang mga kamay. “Mapapasaatin na rin ang lahat ng kayamanan na iniwan ni Papa.”“Dapat lang na bawiin natin ang kayamanan na nararapat na para sa atin na hindi karapat-dapat sa bastardang iyon o sa apo ng bastardang matanda at mas lalong hindi sa isang katulong!” mariing saad ni Gretta.Humarap si Astolfo kay Gretta. “Ngayon na nasa atin na ang last will and testament at selyo, ano na ang sunod nating gagawin, Gretta?”“Kailangan nating kausapin si Atty. Cabalquinto siya ang makakatulong sa atin para palitan ang nakasaad sa testamentong ito.”“Nakakasiguro ka ba riyan sa abogado na ‘yan, Gretta? Baka ilaglag tayo niyan.”Ngumisi si Gretta. “Kuya, walang taong maglalaglag sa ‘yo kung pera ang kanilang sinas
MATAPOS na mahuli nina Inspector Vasquez at PO3 Abarientos ang kasabwat nina Astolfo at Gretta ay dinala nila ito sa presinto at agad na sinimulan na tinanong sa buong nangyari nang araw bago mamamatay si Divina.“Mr. Pedroza, hanggang kalian mo balak manahimik? Alam mo bang mas nilalagay mo sa alanganin ang sarili mo dahil sa ginagawa mong ito?” mariing pagpupunto ni Inspector Vasquez.Napakuyom nang mahigpit si Oscar at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili.“Mr. Pedroza!”Hinampas ni Oscar ang mesa na may buong panggigigil. “Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa inyo na wala akong kasalanan!” mariing saad nito.“Sa tingin mo ba papaniwalaan ko ang lahat ng sinasbi mo?” tanong ni Lemuel na nakataas ang isang kilay.“Bakit ba ayaw niyo ako paniwalaan?” nasisiphayong tanong ni Oscar na halos mawala na sa kanyang sarili.“Kung ganoon sabihin mo sa akin, sino ang taong ito?” At nilapag ni Lemuel ang litrato sa mesa at inilapit iyon kay Oscar. “Ngayon, sabihin mo sa akin sino ang lal
MATAPOS na malaman nina Stefan na sina Astolfo at Gretta ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang lola ay nagsimula na silang magmanman at magplano ng kanilang gagawin para mahuli ang mga ito.“Are you sure you’ll be okay here? Don’t you want to come to my office with me?” nag-aalalang tanong ni Stefan kay Eunice.Ngumiti si Eunice at hinaplos ang pisngi ng kanyang nag-aalalang asawa. “Ayos lang ako dito, Mahal. Wala ka dapat na ipag-alala.”“But—”“Trabaho ang pupuntahan mo, Mahal. Ayoko na maging sagabal ako sa pagtatrabaho mo kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako rito,” pangungumbinsing saad ni Eunice.Gustuhin man ni Stefan na umangal dahil nag-aalala siya na baka kung ano ang mangyari sa kanyang asawa habang hindi siya nakatingin dito lalopa’t ngayon na alam niya ng sina Gretta at Astolfo ang may kagagawan kung bakit namatay ang kanyang lola. Natatakot siya na baka may gawin din itong masama kay Eunice.Inabot ni Eunice ang pisngi ni Stefan at hinalikan ito roon dahilan para
ISANG MALALIM na paghinga ang pinakawalan ng isang lalaki mula sa kanyang pagkakagising na tila ba ito’y ang unang beses niyang makakalanghap ng hangin. Ilang beses itong nagpahinga-bunga habang iginagala ang kanyang mga mata sa puting k’warto na kanyang kinaroroonan. Ilang beses siyang nagpakurap-kurap ng mga mata na tila inaanalisa ang buong paligid. Makalipas ang ilang minuto na pagkurap ng mga mata ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya ito magawang maigalaw o kahit na maiangat man lang. Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at hindi niya man lang ito maramdaman.“What’s happening?” tanong niya sa kanyang sarili.Sinubukan niyang ibukas ang kanyang bibig para magsalita ngunit ramdam niya ang panunuyo nito maging ang kanyang lalamunan dahilan para walang lumabas na tinig sa kanyang lalamunan. Anumang pilit na subukan ay wala talagang boses na lumalabas sa kanyang bibig.“What exactly did happen?” nasisiphayo at naguguluhan niyang tanong s
ABALA si Lucia sa paglilinis ng mga gamit nang biglang mahulog ang litrato ni Eduardo at nang sandaling dumikit ang kanyang daliri sa litrato ay bigla siyang nakaramdam nang malakas na pagkabog ng dibdib nang sandaling iyon.“Ano itong nararamdaman ko?” bulalas na tanong ni Lucia sa kanyang sarili.Hindi siya mapalagay nang sandaling iyon at mas lalo siyang nakaramdam ng pagkabalisa nang dumapo ang kanyang mga mata sa litratong kanyang hawak.“Ed, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Lucia habang nakatitig sa maaliwalas na mukha ni Eduardo, ang lalaking kanyang unang inibig.At nang sandaling iyon ay nanariwa sa kanyang alaala ang mga masasaya, matatamis at kapana-panabik na sandaling dalawa ng kanyang unang pag-ibig.“Hija, dito ka magtatrabaho. Ito ang bahay ng pamilya Salvatore,” pagpapakilala ni Aling Elena.Alalang-alala pa ni Lucia ang unang beses na makita niya ang pamamahay ng mga Salvatore. Aminado siyang labis siya nakaramdam ng pagkamangha nang sandaling iyon dahil sa ganda
“SAPAT na ito, Mr. Salvatore, para hulihin ang inyong—” “No. This isn’t the right time. Let’s hold off a little longer,” saad ni Stefan habang tinitignan ang video na nakunan ni Inspector Vasquez habang minamanmanan ang magkapatid na Astolfo at Gretta Salvatore. “I want to know if there is anyone else stabbing me back.” Dagdag nito nang ibaling ang mga tingin kay Lemuel. At nanariwa sa kanyang alaala ang mga complain na nakarating sa kanya nitong mga nakaraan na mga araw—mga complain tungkol sa mahinang klase ng mga materyales ang ginamit sa mga ginawa nilang mga bahay at maging ang mataas na presyo ng kanilang mga lupa at serbisyo ay labis na mahal. Kilala ang Salvatore Group of Companies sa maganda at hindi matatawarang serbisyo at kalidad ng mga materyales na kanilang ginagamit. Lahat ng kanilang mga ginagamit para sa mga tinatayong bahay, gusali at iba pang infrastructures ay higit pa sa normal standard pagdating sa kalidad ng mga ito maging ang mga lupa na kanil
NAKARAMDAM ng pangangalay si Stefan sa kanyang leeg buhat nang mahabang pagkakaupo dahil sa nakatambak na mga dokumentong naiwan niya dahil sa pag-aasikaso ng kanyang asawa. Napasandal siya sa kanyang upuan para ipahinga ang kanyang likod at leeg nang mapansin niyang bukas na ang ilaw sa kanyang opisina at madilim na sa labas. Napatingin siya sa kanyang relo at doon niya lang napagtanto na pasado ala syete na pala ng gabi.Napatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo. “I need to go,” wika niya sa kanyang sarila at kinuha ang coat at susi saka lumabas ng kanyang opisina.Sa paglabas niya ng kanyang opisina ay wala siyang ibang narinig kung ‘di ang kanyang mga yabag na umaalingawngaw sa tahimik na gusali. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya ng parking lot at dahil sa gabi na ay wala na ring kotse ang naroon bukod sa kanyang sasakyan.“I should get home as soon as possible. It’s not a good idea to leave Eunice